Chapter Two: Murder and R.V (Part I)

1.7K 63 5
                                    

A/N: Hi, Queenies! This chapter really got an upgrade! Since I decided to keep my story on track with the mystery genre, might as well take it to Ferris University first before going out to the university for better insight into my characters. Enjoy :)

Chapter Two: Murder and R.V. (Part I)

It is the second day of the first semester in my new school. Lumabas na ako sa college dorm at naglakad papunta ng Ferris University.

"Mav, gusto mo mag-shopping?" tanong sa akin ni Friar habang sabay kaming naglalakad. Iyon ang una niyang bati sa sa'kin sa pangalawang araw?

"And ditch class? No," pagtanggi ko. "At saka, hindi mo ako kaibigan. We're just acquiantances."

"Sama mo naman. Magkaibigan na tayo."

"Since when?"

"Since na tintulungan ka ni Flare sa kaso," sagot niya at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "We're friends since then."

Napairap ako sa kanyang sinabi. Since when did she decide that I'm going to be her friend dahil lang sa pagtulong sa kapatid niya?

"Anyways, nahanap niyo na ba kung sino talaga ang may pakana ng secret admirer letter?" tanong niya. Nasa entrance na kami ng Ferris University at kakatapos lang naming mag-attendance.

"Wala pang sinasabi ang malamig mong kapatid," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa dinadaanan.

Ngumuso siya. "Eh, 'yan ka na naman eh," reklamo niya. "Huwag mo namang tawaging malamig kapatid ko. Mukhang naging bangkay eh."

"Ay, buhay ba siya? Sorry. Akala ko na kasi patay siya dahil sa so~brang lamig," sambit ko sabay ngiti sa kanya.

"I am a person, not an ice, song thrush." Napahinto ako ng paglalakad at napatingin sa likod ko. Speaking of the devil. Narito na po ang 'bangkay'. "Don't compare me to corpses," sabi niya at lumapit sa akin.

"Oh, really?" Kunwari akong napapaisip. "Akala ko kasi katulad ka nila eh. Cold."

"Hoy, ano na namang problema ninyong dalawa at parang nag-aaway na naman kayo?" singit ni Friar sa gitna namin. Nakatuon pa rin ang tingin ko kay Flare at gayon din siya sa akin. "Uh, guys?"

"I know who is the culprit behind all these common Japanese high school love letters we're investigating," anunsyo ni Flare.

Nanlaki ang mga mata ko. "Who?"

He smirked. "Have an interest on who, song thrush?"

Napairap ako at humalukipkip. "Just tell me."

"The culprit is-"

"Flare Furrer! Flare Furrer!" naputol ang kanyang sasabihin nang may sumigaw. Sino ba ang umistorbo sa pinakamagandang parteng gusto ko nang marinig? Napalingon kaming lahat sa direksyon ng sumisigaw. Isa iyon sa mga teacher namin at namumutla siyang huminto sa harap namin.

"Good morning, miss. How can I help you this early in the morning?" nagtatakang tanong ni Flare. Halata sa ekspresyon niya ang pagtataka.

"Miss, ano po ang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Friar.

"Karl... Karl Thomas... Si Karl Thomas... Nakitang patay sa photography club," hinihingal niyang sambit.

"Ano?!" sabay naming banggit ni Friar.

Napatingin ako kay Flare. Tumango siya sa akin at lumingon sa teacher. "I will check things out right away, miss. You could inform the students to stay in their classrooms until Friar received further notice from me that everyone could leave. Inform the dean as well. Could you do that, miss?"

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon