Chapter Seventeen: Straw in the Wind

597 23 2
                                    

Chapter Seventeen: Straw in the Wind

Mavis' POV
"Ayos ka lang?"

Iyon ang una kong narinig kay Friar nang makapasok kami sa detective club. Since we are too early in school, we went on a side trip to this club.

I plopped down on the couch and I put down my bag on the table in front of me. Tumingin lang ako kay Friar. Wala akong masabi sa kanya na pwede kong maisagot.

What will I say to her though? That they don't need me in their organization anymore? That Olivia has returned, in flesh and alive, they would get rid of me once my goal is done?

"Olivia."

I flinched as I heard the name. Napatingin ako sa direksyon ng pintuan at nakita ko doon si Lucas, side leaning on the wall, crossed arms with serious look on his face.

"See?" His head tilted as he is looking at me with judging look. "The cause of the silence ni Mavis is si Olivia." Tumingin siya kay Friar at tinuro ako.

"Ha?" Nakakunot ang noo ni Friar nang tumingin sa akin. "Bakit naging si Olivia?" tanong niya kay Lucas. "Mav, ano pinagsasabe nito?" turo niya kay Lucas.

Hindi ako sumagot. Lucas is right. Olivia is the reason, pero hindi ko iyon agad aaminin. Sudenly, I heard a loud gasp. Napataas ako ng tingin sa sobrang pag-aalala pero nakita ko si Friar na nakatingin sa akin, nanlalaki ang mga mata at nakatakip ang parehas na kamay sa bibig.

"Mav, don't tell me..." She trailed off. Tinanggal niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig at nakita ko ang malawak na ngisi na nakapaskil sa kanyang labi. "...nakaramdam ka ng selos?!" natutuwa niyang sambit.

Napatulala ako sa kanya. Ano raw?

"Ha?" naguguluhan kong sambit.

"Hakdog. Tinatanong ng aking prinsesa kung nakaramdam ka raw ng selos," pag-uulit ni Lucas. "Mukha yatang bigla ka nang nabingi ah."

I choked a laugh. "Bakit ako magseselos?" tanong ko. My eyes are still fixated on Friar who's giggling. "I think you're assuming things, Friar."

"Oh, my dear friend Mavis, I'm not," sabi niya sa gitna ng kanyang pagtawa. Binigyan niya ako ng nanunuksong tingin. "You are in love!" she said with a breathy voice.

"Okay. Sa tingin ko, nababaliw na rin talaga ang aking prinsesa," komento ni Lucas at nakasimangot na tumingin kay Friar. "Fri, you're watching too much romance."

"Pero ganyan naman talaga kapag in love eh. Proven and tested ko na 'yan," sabi niya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa kanyang labi.

I tilted my head in confusion. Ha? Ako? In love? Kanino? Doon sa kanyang cold na kakambal? No way I would fall in love with that kind of guy.

"Hmm... Mavis, I have a few questions at gusto kong sagutin mo 'to," aniya. Umupo siya sa couch katapat ng couch na in uupuan ko at naghalukipkip. "Nakaramdam ka ba na parang hindi ka makahinga? Na parang mabigat ng nararamdaman mo? Na..." She leaned in. One elbow on her lap with her smile still plastered on her lips. "... iniisip mong 'di ka na sapat?"

Napaayos ako ng upo sa kanyang mga sinabi. My back suddenly went straight rod. All of what she says is a check. Napayuko ako ng tingin at nag-isip. But that's not jealousy. I'm just worried in my position in their organization. Hindi ako pwedeng magselos dahil hindi ko naman jinowa ang kanyang kapatid.

"Hindi ka sumasagot."

Nagtaas ako ng tingin at nakita si Lucas na nakatingin sa akin. Both hands are on the pockets of his slacks, leaning his lower back to the side of the couch where Friar is.

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon