Chapter Four: Trial and Past
Cling! Cling! Clang! Cling!
I sighed. Ilang oras na ba magmula nang matapos namin ang kaso at nakabalik kami sa mansyon nina Flare?
Hindi ko na mabilang. Basta ang natatandaan ko lang, dumiretso kami papuntang backyard nila at nakita si Void doon na may katabing mahabang lamesa. Mayroon 'yong puting sapin at nakahilera ang sandamakmak na armas.
And fast forward, heto na nga tayo. Naririnig ang bawat cling at clang ng mga armas na pinili ni Void at Flare.
"Flare! 'Di ka pa ba tapos makipaglaban kay Void?! Ako naman oh!" reklamo ni Friar na nakatabi sa akin. Nakaupo kami sa damuhan sa ilalim ng malaking puno.
Flare blocked Void's blade attack by his left dagger and glanced at Friar's direction. "Wait, just a couple of minutes," sagot nito kay Friar.
"Anong couple of minutes ka diyan?! Kanina ka pa nakikipaglaban kay Void! Oh, look at the time! Magdadalawang oras ka nang nakikipaglaban kay Void!" sigaw ni Friar sa kanya.
Flare clicked his tongue and stopped Void's attack by his wrist. Lumingon si Flare kay Friar. "That's not enough."
"Anong hindi enough ang time na 'yon?! Give time for Mavis or for Lucas, will ya?" Tumayo siya at nilagay ang kamay sa beywang. "Don't be selfish, brother."
Flare sighed and tapped Void's shoulder two times bago pumunta sa pwesto namin. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong-hininga ulit.
"Napagod ka ba?" Alam kong hindi naman kailangang tanungin sa kanya 'yon since bihasa na siya sa praktis nila na ganito pero feel ko, kailangan kong maitanong 'yon. Hindi ko alam kung bakit.
Humiga siya sa damo at nilagay ang bimpo sa kanyang ulunan. Ipinikit niya ang mga mata niya. Halata ang pawis na bumabagsak mula sa ulo hanggang leeg niya. Pati na rin sa braso niya. Nagpalit kasi siya ng damit. Hindi na ang isinuot niya no'ng sinundo niya kami ni Friar sa dorm.
"I'm fine. I just need to cool down for a bit," sagot niya at huminga ng malalim. Minulat niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. "Ikaw? Are you getting bored here? I haven't seen you spar or battle Void yet."
Dahil baka 'di ako kayanin ni Void. Iyon ang sagot sa utak ko pero siyempre, hindi ko 'yon sasabihin kay Flare. "Hindi naman ako naboboring. It's entertaining to watch my friends practicing."
"Spar with him, then."
Napatitig ako sa kanya. "Ha?"
"Spar with him."
Napailing-iling ako at pinanlakihan siya ng mga mata. "Seryoso ka diyan?"
He shrugged. "Why not? I haven't seen your 100% yet," sabi niya. Tinitigan niya ako. "I still remember that time you put him down at the library. That's not his 100% as well so you defeated him quite easily." Ngumisi siya. "I wanted to see the fight where you could fight Void with 100% attack. Not that I really want to see you two killing each other."
Umiling ako. "Ayoko. Delikado," sabi ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya. Inintay kong may iba siyang sasabihin pero nagkibit-balikat lang siya at tinakpan ang mata ng bimpo.
"I won't force you if you don't want to. I'm aware of your difference among us. Though tao ka rin katulad namin, your strength is definitely, differently trained. So, I won't force you."
Napangiti ako sa kanyang sinabi. So, may pakiramdam pa rin pala ang yelo na 'to.
"Wow, never heard of a Flare Furrer na hindi nagpuwersa ng isang tao." I finched and looked at my other side where Friar's position was earlier. Nandoon si Lucas na may nanunuksong ngiti habang nakatingin kay Flare. "I heard all of it," he sang. "Bakit ka nagkakaganyan, ha, Flare? I never thought a day would come you would fall again into a woman."
BINABASA MO ANG
Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]
Misteri / Thriller"Meeting you is one of the pleasures I did. Hope we could have better experiences with each other as acquaintances. Flare Furrer is my name, the Sherlock Holmes of Ferris University." --- Ferris University. The prestigious school where Mavis got tra...