Chapter One: Anonymous' Letter (Part III)
"The dean accepts to increase the time in roaming around the campus for us," sabi ni Flare sa akin nang makalabas siya sa dean's office. Ang dali naman yata niyang nakuha ang permiso ng dean? "This is my family's university. I have more upper hand than the dean here so he shall not ignore my request or I'll request my father to fire him," sagot niya sa katanungang hindi ko naman isinambit.
"Wala pa akong sinasabi."
"But your face says so and I just answer. No big deal." No big deal? Sa tingin niya ay hindi big deal ang pagbabasa ng utak ko? Lumiko kami sa isang hallway at huminto sa sliding door. "SSC office is here," aniya at kumatok ng tatlong beses bago binuksan iyon.
Ang ingay sa loob ng SSC office. Akala mo ay pumapasok ka na ng isang opisina sa isang kompanya sa dami ng taong pabalik-balik sa kani-kanilang mga puwesto. Maraming papeles ang mga nasa desk at tila walang hinto ang pag-upo-tayo ng iba sa kanilang mga upuan.
"Uh, hindi ba tayo nagkamali? Mukhang faculty 'to kaysa isang Senior Student Council Office," komento ko habang nakatingin pa rin sa mga taong walang hinto sa pagtatrabaho.
"SSC Office provides all the articles, events and plans for all. There's an editorial department and organizing department. SSC Office are also providing help to all clubs in the campus," sabi niya at tumawag ng isang pangalan mula sa mga tao. May lumingon sa direksyon naming na isang babae at kaagad na lumapit sa amin.
Yumuko siya kay Flare at gayon din sa akin. "What can I do for you, Pres?" tanong niya kay Flare.
"This is my sister's assistant, Yleena Quintilla Dela Vega," Flare introduced.
"Hi. I heard about you from Friar. Just call me Yna. Nice to meet you," sabi niya na may matamis na ngiti sa labi. Nakalahad ang kanyang kamay sa akin at tinanggap ko iyon. Lumingon muli siya kay Flare. "Ano ang gusto mong ihatid, Pres?"
"Tell Friar that we're here," utos nito rito at tumango naman ito bilang tugon. Nagpaalam siya sa amin at ilang minute nakalipas, nakita kong lumabas sila ni Friar sa isang pintuan sa gilid ng kuwarto.
Nang makita kami ni Friar, kaagad itong tumakbo na may ngiti sa labi at niyakap ako ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga. "F-Friar..." Tinapik-tapik ko ang kanyang likod at kaagad naman siya kumalas.
"Ay, sorry. Masyadong lang akong na-excite," sabi niya at tumawa.
"You saw her during the afternoon classes. What do you mean you're excited? You're weird, sis," komento ni Flare. Akala mo naman hindi rin siya weirdo.
"Pres, heto na rin pala ang mga information ng i-mi-meet up niyong estudyante," singit ni Yna at may inabot siyang folder kay Flare.
"I also compile some suspicious things he did lately," dagdag ni Friar. "Maybe, it could lead you to another case kung pagpapalain ka."
"You made a search on Karl Thomas at hindi mo sinabi sa akin?" sabi ko kay Flare. Nakatingin na siya sa nakabukas na folder.
"I have no intention of telling you until I get a further notice from them. Now, that I have the notice..." Sinarado niya ang folder at inabot ito ng hindi nakatingin sa akin. "... you read it." He just then glanced at me after he spoke.
Kinuha ko ang folder at binasa ang laman niyon. Mayroong personal information ang estudyante na galing sa photography club doon. Tiningnan ko pa ang ibang detalye. There are a few summaries that says na nakita siyang kumukuha ng litrato sa mga abandoned or ignored places sa grounds ng campus. May mga kasama pang pictures iyon na proof na pumupunta siya roon.
BINABASA MO ANG
Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]
Misterio / Suspenso"Meeting you is one of the pleasures I did. Hope we could have better experiences with each other as acquaintances. Flare Furrer is my name, the Sherlock Holmes of Ferris University." --- Ferris University. The prestigious school where Mavis got tra...