Chapter Twelve: Snow White Case II

642 28 0
                                    

Chapter Twelve: Snow White Case II

Huminga ako ng malalim at bumuntong-hininga bago kumatok sa pinto ng tatlong beses. Umatras ako ng unti. Nang unti-unti iyong bumukas, bumungad kaagad sa amin si Veronica Sison na ngayo'y gulat na gulat na makita kami. 

Sino ba namang hindi magugulat na nasa tapat kami ng dorm room niya ngayon at nalaman pa namin kung saan siya naka-dorm 'no? Hehe.

Nagkasalubong ang kanyang mga kilay habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. "Ba't kayo nandito?" nagtataka niyang tanong.

"We're here to do something that has something to deal with you," kaagad na sagot ni Flare at pinanlakihan ko siya ng aking mata.

Napakubot naman ng noo si Veronica. "Ha? Ano ang ginagawa ninyo na may kinalaman ako?"

"We'll make it straight to the point. We are here to--"

"We are here to discuss about the case you told us before. Kailangan namin ng opinyon mo," pagputol ko kay Flare at pagmamadali kong sagot kay Veronica.

Napatingin sa akin si Flare nang may nagtatakang tingin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata bago humarap ulit kay Veronica ng isang puwersang ngiti sa labi ko.

Mukha namang na-sold ang pagpapanggap na ginawa ko at nagliwanag ang mga mata niya. Pero napansin kong may bahid rin iyon ng pagkakaba. 

Pinagdikit niya ang kanyang mga kamay at tumagilid ng onti ang kanyang ulo habang may pilit na ngiti sa labi. "Talaga? Haha, akala ko kung ano na."

Mas ngumiti pa ako. "Huwag kang mag-alala. Wala kaming masamang intensyon."

"Kung gano'n pala, eh 'di, tara. Pasok kayo," aya niya at mas binukas ang pinto para sa amin.

Nagpasalamat ako bago pumasok sa kanyang dorm. Si Flare naman ay katulad pa rin ng dati. Hindi pa rin siya bumabati at tamang pasok lang.

"Maghintay muna kayo rito. Paghahandaan ko kayo ng maiinom," magiliw niyang sabi nang makarating kami sa living room.

"Thank yo--"

"We're here to discuss with you about something, not to spend our time drinking something with joy here," malamig na sambit ni Flare. "Don't waste our time."

"Ay, gano'n ba?" Biglang nanlumo si Veronica at napayuko.

Kaagad kong tiningnan si Flare at pinanlakihan siya ng mata bago ko siya siniko sa tagiliran. Napamura naman siya nang mahina. 

"Nakakahiya, Flare," bulong ko sa kanya. 

Sumimangot naman siya. "But I just said the truth." 

I rolled my eyes. "Kahit na, nakakahiya. Pumunta lang tayo dito. Ibig sabihin, bisita niya tayo. We will play fake until the right time, okay?" 

Bumuga siya nang marahas na hininga. "Fine." 

Tumingin ulit ako kay Veronica na halatang nalungkot sa sinabi ni Flare kanina sa kanya. Siya ang main suspect sa kasong sinabi niya sa amin and she lied to us that the female young vendor is the main suspect. Also, she will be too dangerous to get if we will reveal what we know right now. We must keep low for now.

"Veronica, pasensiya ka na kay Flare ha? Ganyan lang talaga iyan. Sige, kunan mo kami ng maiinom. Water is fine for us," sabi ko. 

Nakita ko namang tumingin sa 'kin si Flare na hindi makapaniwalang nagpaubaya ako sa offer ni Veronica na kukunan niya raw kami ng maiinom. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin. 

Kaagad namang nagliwanag ang mukha ni Veronica. "Talaga?" 

Tumango ako. "Oo," sabi ko. 

"Sige. Punta na ako sa kusina," sabi niya at pumunta sa kusina na napansin kong nasa likuran lang ng living room niya. 

Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon