Chapter Fifteen: Tattoos & Cigarettes I
Mavis' POV
Bumalik kami ng detective club at sinalubong kami nina Friar at Lucas. "Ang tagal-tagal niyo! Nayayamot na ako sa kakaintay eh!" reklamo ni Friar."Ang sabihin mo, you are itching for a new adventure again at gusto mong mag-ditch ng classes, princess," sabi ni Lucas. Nakasandal siya sa dingding malapit sa pintuan ng club.
Nakasukbit rin ang bag ko sa balikat niya at hawak-hawak ang isang strap ng bag ni Flare sa kanyang kanang kamay.
"Heto pa." Itinaas niya ang kamay niya dala-dala ang bag ni Flare. "Naging tagabantay pa ako ng bag ninyo dahil sa kanya," turo niya kay Friar. "Kung hindi ko lang talaga siya prinsesa eh..."
Sumimangot si Friar at humarap sa kanya habang ang mga kamay nasa beywang. "Anong prinsesa-prinsesa ka diyan? Wala akong sinabi sa'yo kanina na dalhin mo mga bag nila. I just said I'm getting worried for the two of them."
"Ah, wala ba?" inosente niyang tanong.
"Wala talaga!" inis na sigaw ni Friar dito.
Kinuha ko ang bag ko at bag ni Flare kay Lucas at nagpasalamat. Binigay ko iyon pabalik kay Flare at naglakad na kami pabalik ng classroom. Half of the morning classes are over. The bell rings again and a few-minute break for students have been started.
"Hindi nga tayo nag-ditch ng classes pero wala rin tayong napala sa room na 'to," ani Lucas nang makaupo.
He's right. When we got to the room, only the whisper of the wind from the opened windows were heard. Walang isang katao ang nasa room. There's a written schedule to the right side of the blackboard and backpacks were left on each desk.
Pinagdikit-dikit namin ang aming mga desk at tumambay sila sa puwesto ko. Napabuntong-hininga na lang dahil wala akong magagawa sa pinili nilang pwesto.
"Kaya nga sabi ko sa inyo, let's ditch class at pwede tayong pumuntang underground casino para makakuha ng ka-ching!" nakangising sambit ni Friar.
"You're addicted to gambling again, sis? You should stop. I shall call Yna to suspend sending money on your cards for a while then," ani Flare.
"Ehh~ Bakit naman?! You'll get a lot of information when you're in a casino and gambling with others! Of course, lagi naman akong nananalo. I'm not that kind of stupid to greed on cash without a critical plan, brother."
"Sobra lang 'yan sa kakapanood ng paborito niyang karakter sa isang cartoon. Sa sobrang nood niya do'n, kuhang-kuha na niya karakter niya," tukso ni Lucas kay Fri.
"Huh?! Ano pinagsasabi mo na naman, Luc?!" inis na sabi ni Friar.
Ilang minuto ay gano'n ang routine nila habang ako ay binabasa ang notes para sa aming next subject. Si Flare ay sumisingit sa kanila minsan para lang magbato ng negative remarks o nakakasamang-loob na mga salita.
Bumukas na ang mga pinto at pumasok na ang aming mga kaklase matapos ang napakaikling break. Binalik na rin ng tatlo ang kanilang mga desk sa dati-dati nilang mga pwesto at saktong pumaosk ang teacher, at nag-start na ang klase.
~***~
Saturday. Free time and away from the duo annoying bunch at sa yelong lalaki na 'yon. Nasa labas ako ng Furrer mansion at hinihintay si Ruxinaire na lumabas.
We had planned on having a friendly date today at kahit na nag-i-insist si Flare na sumama, I refused his suggestion. He's not my boyfriend or anything.
"Miss Lia."
Napalingon ako sa aking gilid at nakita si Ruxinaire doon. He is wearing a yellow jacket and jeans with clean sneakers.
BINABASA MO ANG
Knotted Conundrum (Project:Mystery #1) [COMPLETED]
Mystery / Thriller"Meeting you is one of the pleasures I did. Hope we could have better experiences with each other as acquaintances. Flare Furrer is my name, the Sherlock Holmes of Ferris University." --- Ferris University. The prestigious school where Mavis got tra...