CHAPTER 10.

56 3 0
                                    


                                                                                       USC DAYS

Linggo ng umaga ay maaga kaming nag punta ni Diego at ang iba pang student council sa school. Bukas na ang simula ng Intramurals!

Simpleng flowy dress at heels ang suot ko at naka chino pants at printed polo naman si Diego.

"It's already 8 A.M. Nasaan na kaya sila?" Sabi ni Kim. Tinutukoy iyung nirentahan namin ng ferris-wheel.

Mabilis lumipas ang mga araw. My detention was lifted a couple of weeks ago. Pero dahil nakikiusap si Diego at Ken na manatili akong tumulong sa kanila sa pag pe-prepare ng Intramurals ay heto ako.

Diego found a couple of sponsors and so as me. Kaya natuloy iyung Carnival. Yung ibang mga rides ay na setup nung unang araw. Gaya ng roller coaster at iba pang nag lalakihang rides. Nasa malaking soccer field ng school ang mga rides.

"O, ito na yata yun." Sabi ni Diego nung na aninag ang pumasok na tatlong malalaking truck sa soccer field.

Nakipag usap kami sa mag se-set up at sabi nila ay sila na raw ang bahala doon. Kaya napag isipan naming bumalik sa student council office para makapag meeting saglit.

Nag si-upuan kami sa aming mga swivel chairs. Funny thing is talagang nag request pa si Diego ng isa pang swivel chair para sa akin.

"Nag usap na kami sa head ng banquet. Ang sabi ay sila na ang bahalang mag papakain sa mga tauhan na nag ooperate sa mga rides. Lunch and dinner." Pormal na sabi ni Diego.

"So far ay wala na pala tayong problema. Okay na ang lahat ng budget sa mg prices at nabayaran na lahat ang dapat bayaran." Sabin i Ken habang tumitingin sa kanyang macbook.

"That's good. Kakausapin ko narin ang head ng sports activity mamaya para ready na ang mga court na lalaruan." Sabi naman ni Kim.

"So all is settled?" Sabi ni Ralph. Tumango kaming lahat.

"Right! Kukunin ko na rin iyung mga tarpaulin mamaya para masabit na natin ang mga pangalan ng sponsors sa harap ng school." Si Ralph.

"Well done! Meeting Adjourned. And good luck to all of us." Sabi ni Diego. Pumalakpak kami. Sa wakas ay tapos na itong ka busyhan namin.

Tumayo na kaming lahat.

"Did you have your breakfast?" Tanong ni Diego sa akin.

"Bye, guys." Sabi ni Liean at Kim na sabay lumabas ng opisina. Kumaway ako sa kanila.

"Wala pa, e." Sabi ko.

"Mauna na kami." Si Ralph at Ken naman ngayon ang lumabas.

"Bye, Ken... Ralph..." Sabi ko. Nasasanay na ako sa mga lintek na 'to na iniiwaan kaming mag-isa ni Diego.

"Kain tayo?" Pag alok nya. Tumango nalang ako. Nasanay narin akong palagi kaming magkasama. And Kelsie's furious about it for I don't know what reason. Diego seems fine.

Sa isang buffet seafood restaurant kami kumain. Sinabi ko sa kanya na mag fast food nalang kami dahil mas mura pero ayaw pa awat. Well... That's the Diego I know. Mabuti naman at medyo pormal itong suot namin.

"Ang mahal dito. I'll pay you after I eat." Sabi ko habang binabalatan ang aking shrimp. Thank God for my skills when it comes to formal dining.

"Anong akala mo sa akin walang pera? Keep your money." Humalakhak sya habang busy sa kanyang scallops.

"And by the way... Grabe ka kung mag tipid para kang hindi may-ari ng sikat na hotel sa States!" Sabi nya at isinubo ang malaking parte ng crab meat. Sira ang diet ko dito! This will be brunch.

Walk On The Wild Side. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon