BREATHLESS
Huling araw na ng Intramurals. Kahapon ay naganap ang awarding. Naipanalo namin ang Volleyball game at panalo rin kami sa Basketball. Champion ang aming Department. Kami ang may pinaka malaking puntos sa lahat ng Activities. Natalo lamang kami sa Chess at Math contest. However, the issue about Diego and Kael Castro boomed like fireworks sa buong school campus. Pati ang pangalan ko ay nadamay dahil raw kasi sa akin ang naganap na alitan sa dalawa. The hell! Wala naman akong ginagawa kung tutuusin.
The more I get closer to Diego the more people know me. May mga nag sasabi pa nga na mag boyfriend at girlfriend kami. How funny! I guess that's just how rumors work. Kahit na hindi totoo ay kumakalat ito pag may nag pasimuno. I don't make it a big deal anyway. I just let them talk what they want because I know me.
So today's a free day for everyone. That means pwede na naming e enjoy ang huling araw ng Intramurals. No more duties for us. We have the whole day to have fun. Open gate narin kaya maraming outsiders ang mga nakaka pasok.
Nasa cafeteria kami ni Kelsie, Klara, Brandon who's Klara's boyfriend at ako. Trent, Ken and Diego are on their way.
"Sumakay tayo sa Vikings." Sabi ni Klara sabay bukas sa kanyang canned coke.
"Pang ilang ulit mo na yan?" Patawang sabi ni Kelsie.
"Hindi pa kasi na try ni Brandon." Naka ngiting sabi ni Klara sabay kapit sa braso ng kanyang boyfriend. Ngumisi ako. They look so happy and perfect for each other. Brandon seems like a very gentlemen and Klara is naturally a nice person.
"Ilang taon na kayong magkasama, Klara?" I can't help but question.
"Four years." Si Kalra.
"Mag fifive years na next month." Dugtong naman ng kanyang boyfriend.
"Bakit? You miss the feeling, Loisa?" Panunukso ni Kelsie. Pabiro ko syang kinurot sa gilid. Nag tawanan kami.
"Wala lang. You two seem perfect." Ngumingiti kung sabi sa dalawa.
"Ay sus. O ayan narin partner mo." Si Kelsie at ngumuso. Lumingon ako at nakita kung papalapit si Diego, Trent at Ken. Malapad ang ngiti ko nung nakita ko ang mukha ni Diego.
Hinila nya ang bakanteng upuan di kalayuan and in one swift binaliktad nya ito at umupo resting his shoulders sa backrest ng monobloc. His full attention all on me.
"Kumain ka na before going here?" Tanong nya.
"Hi, Kelsie. Kumain ka na before going here?" Hindi ko mapigilang tumawa sa gagong Trent lalo na ng nakita ko ang iritadong mukha ni Diego habang sinipa ang kaibigan sa paa.
"Owww! What is wrong with you mr. pogi?!" Inosenteng tanong ni Trent.
"Isa na lang. I'll break your jaw!"
"Saan tayo unang sumakay?" Si Ken habang naka tingin sa kanyang Iphone.
"Vikings?" Masayang wika ni Klara.
"Oy, may kasama ka pala." Sabi ni Diego sabay turo sa boyfriend ni Klara.
"Ah, this my boyfriend Brandon." Pakilala ni Klara sa mga bagong dating. Tumayo si Diego upang makipag kamayan kay Brandon, ganon rin si Trent at Ken.
"I'm Diego Ashford. Mag kaklase kami ni Klara ng ilang subjects." Pormal na pakikilala ni Diego.
"And I'm Trent."
"My name's Kenny." Si Ken.
"Feeler. Ken lang, hindi Kenny!" Panunukso ni Trent. Umilag naman sya sa hampas nito.
BINABASA MO ANG
Walk On The Wild Side.
Teen FictionLoisa Alexa Villarosa is a transferee student at the University of San Carlos. The day she processes her enrollment was the day she met Diego Xander Ashford, a very hot professional skateboarder and a very well-known student at school. While every g...