CHAPTER 16.

36 2 0
                                    

Fine dining.

Nasa cafeteria kami ngayong lahat. Si Ken ay pumipikit na nag me-memorize ng ingredients sa mga cocktail drinks. Nag ka salubong naman ang kilay ni Diego habang tinitignan ang kanyang laptop, Klara is spacing out looking at her notes, Trent's busy scrolling his Instagram habang naka bukas ang isang libro sa harap at ako naman ay pilit ring pinag sisink-in ang binabasang case study. It's pre-finals week! Parang kahapon lang nag simula ang pasukan.

"Ah! I give up!" Sabi ni Klara habang sinasarado ang notes.

"I need a drink. Ano gusto nyo?" Sabi nya sabay tayo.

"Grande Iced coffee please." Sagot ni Diego habang hindi inaalis ang mga mata sa laptop.

"Iced coffee nalang rin sa akin." Si Ken.

"Ikaw, Loisa?"

"Energy drink." I'm so tired! Kagabi pa akong nag puyat.

"I'll come with you." Si Trent at tumayo para samahan si Klara.

Tumunog ang phone ni Diego na nasa gilid ng laptop. He didn't bother looking at the screen at deretso lang itong sinagot at nilagay sa tenga.

"Yes? Who's this?" Sabi nya habang naka tingin parin sa laptop. He can't be bothered, huh?

"Hello? Do you need anything? I'm busy right now!" Napa tingin kami ni Ken sa kanya. Ibinaba nya ang kanyang phone at tinignan ang screen and ended the call.

"Sino yun?" Si Ken pa mismo ang nag tanong, Diego look at me, I raise my brows.

"Unknown number." Sagot nya.

"Ilang ulit na yan, ah. Hindi ba sumasagot?" Tanong ko. This unknown number keeps on calling him and won't say anything.

"Hindi parin nag sasalita." Naguguluhan nyang sabi. Pati ako ay na cucurious na.

"Just block the number?" Suggest ni Ken.

"Yeah, right." He said at tsaka blinock ang number. At first we thought it was one of his friends playing. Pero ang sabi nya after confronting his friends ay wala daw silang alam kung sino.

"Maybe it's just one of your fan girl?" Sabi ko.

"I don't think so... Anyway naka block na so don't worry." He smiled at me. Nag kibitz ako ng balikat at nag patuloy sa binabasa.

Ganoon ang naging tungo ng panahon for three weeks. We usually hang out in one place habang nag aaral. Ken and Kelsie usually took the exams first dahil ga-graduate sila sa December.

Dumating ang buwan ng Nobyembre. Usap-usapan na ng lahat ang gaganapin na fine dining on the 16th. Kasama ko si Mommy, Kelsie, Liean, Klara at Kimberly sa studio ni Tita James. Iyung bading na business stylist ni Mommy. We will be choosing what gown to wear sa fine dining. A month ago mom suggested na mag papagawa talaga ng gown but I said no at bibili nalang sa mga for sale na gown ni Tita James.

"Loisa, you'd look amazing in a rose gold color gown." Suggest ni Tita James.

"Yun nga ang plano ko, Tita."

"I'll be wearing a hot red gown." Si Liean habang namimili sa mga naka hanger na ibat-ibang kulay ng pulang gown.

Tita James' studio looks classy with a touch of vintage shabby chic for its interior. May mga malalaking mannequin na naka patong sa mga circular platform with their own spotlight. Malaki ang studio and everywhere you look may mga malalaking salamin. The very classy looking chandelier completes the look of the studio. Hindi lang rin gowns at ibat-ibang style ng damit ang ng dito. There is also a huge variety of foot wear. From stilettos, shoes, heels you name it all!

Walk On The Wild Side. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon