Kabanata 5

3.7K 61 4
                                    

"Sometimes you have to accept the fact that certain things will never go back to how they used to be" - Unknown

------------

"Aalis na ko Trizia" Paalam niya sa asawa.

"Mag-iingat ka doon, sana maging masaya ka" malungkot na ngiti ng dati niyang asawa sa kanya. Pinirmahan na kasi nito ang annulment pagkatapos ng kanilang pag-niniig kanina. Naikwento na rin niya ang gagawin nilang pag migrate sa Canada.

Aaminin niya, may kung anong pamilyar na pakiramdam siya pagkatapos ng nangyari sa kanila kanina. Isang pamilyar na pamilyar na pakiramdam. Napuno din ito ng pananabik na hindi niya maintindihan.

"Di ka manlang ba magpapaalam kay Maze?" tanong ni Trizia sa kanya.

"Hindi na siguro, mas mabuti na sigurong galit siya sa akin ng madali niyang matanggap ang lahat!"

"Paalam Manuel, mahal na mahal kita! palagi kang mag-iingat." huling turan ni Trizia bago nito tinanggal ang singsing sa kaniyang kaliwang palasingsingan at inilahad ito sa palad ni Manuel.

"Mag-iingat din kayo diyan! Paalam" sabi ni Manuel bago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse. Pinakatitigan niya ang singsing na isinauli ni Trizia. Naluha nalang siya nang di niya namamalayan.

I'm sorry Trizia.

Ilang saglit lang ay umalis na din siya ng bahay. Ang bahay na alam niyang hindi-hindi na niya kailan pa mababalikan.

• • • •

"Mama, where's Papa?" tanong ni Maze sa kanyang mama saktong pagkaalis na pagkaalis ni Manuel.

"Kakaalis lang niya anak. Umalis na si Papa." paliwanag nito bago lumuhod sa kanyang anak at niyakap ito ng mahigpit.

"No, mama. Hindi maari, si Papa, Papa!" sigaw ng kanyang anak. Agad nitong inalis ang kamay ng kanyang ina at nagmamadaling tumakbo palabas ng kanilang bahay. Hinabol naman ito ni Trizia.

"Anak, Maze!"

"Papa! Papa ko!" sigaw nito habang patuloy na nagtatakbo sa palabas ng gate nila.

Ilang segundo lang ay isang nakapangingilabot na sandali ang bumalot sa kapaligiran. Isang sasakyan ang paparating.

"Maaazzzzeeee! Anaaaaaaaak" tili ni Trizia

Peeeeeeeeep!

Pero huli na ang lahat, nakita nalang niya ang pagilalim ng anak sa sasakyan. Nanlumo siya at napaluhod. Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo niya at hindi siya makahinga. Hindi niya maatim na tignan ang sinapit ng anak.

Bigla siyang nataranta at di alam ang  gagawin.

"Yung anak ko! Tulong! Tulungan niyo kami!" kahit anong pilit niyang iusod ang sasakyan na nakadagan sa anak ay hindi niya ito maiusod-usod.

Bumaba na rin ang driver ng sasakyan para tumulong.

Wala na siyang lakas, dala na rin siguro nang pananamlay dahil sa matinding pagtangis.

"Yung bata, tulungan niyo!" iyan ang huling dinig niyang sigaw bago siya nahimatay dahil sa mga pangyayari.

***If you like it, please click Vote***

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon