Kabanata 1

5.7K 89 8
                                    

"Cheating is a choice, not a mistake" -Unknown

-------

"Bakit mo ako niloko M-manuel? Ang sabi mo ako lang! Paano na ako? Paano na ang anak mo?" asik ni Trizia sa asawa habang pinagpapapalo niya ito sa dibdib.

"Sorry....I'm sorry hon" hinging tawad niya habang humihikbi. Pero ano pang magagawa niya? Buo na ang desisyon niya, sasama na siya kay Rica.

"B-bakit M-manuel, may problema ba sa akin? Nagkulang ba ako? Sabihin mo naman oh!"

"No, hindi ka nagkulang, you're really a great spouse." sabi niya sa asawa.

"But why? Bakit ka nagloko?" maramdaming tanong nito sa kanya ngunit hindi siya nakasagot.

Maririnig ngayon ang tahimik na simoy na hangin sa kanilang bahay, walang may balak umimik. Ngunit ilang segundo lang ay hindi na napigil ng kanyang asawa na itanong ang isang bagay na gustong gusto nitong malaman.

"Mahal mo ba siya?" tanong ng asawa niya ngunit lalo siyang hindi nakaimik. Lalo namang nagngitngit sa galit si Trizia.

"Sumagot ka, ang sabi ko mahal mo ba siya?" sigaw nito.

"Oo, mahal ko na siya" malumanay niyang sabi. Lalong napahagulgol si Trizia, dahilan para mas mataranta naman si Manuel.

"H-how can you do this to me M-manuel? I'm faithful to you for 7 years. Inalay ko ang buhay ko para sa pamilyang binuo natin. M-minahal kita higit pa sa sarili ko, then why did you do this?" umiiyak na sambit nito sa kanya. Nakaramdam naman siya ng matinding awa sa asawa.

"I'm really sorry, I love you hon, I really do!"

"How dare you to say I love you kung matagal mo na pala akong niloloko, malalaman ko nalang may 1 year anniversary na pala kayo! Nice" sarkastikong tugon nito sa kanya. Hindi naman nakasagot si Manuel. Guilty kasi siya sa panloloko kay Trizia.

"Mamili ka Manuel, kami ng anak mo, o ang babae mo, kasi kung siya ang pipiliin mo ay aalis nalang kami ni Maze para mapagpatuloy niyo na yung pagmamahalan niyong dalawa, baka kasi makasagabal lang kami!"

Matapang ang iniwang salita ng asawa niya. Alam niya kasing maaring totoohanin ito ni Trizia dahil alam niyang labis itong nasasaktan ngayon.

"Wag naman ganito, hon" hiling nito sa asawa, niyakap niya ito ngunit mabilis namang inalis ni Trizia ang kamay niya.

"MAMILI KA!" malakas na sigaw nito na dumagundong sa buong sala.

"I'm sorry Trizia, mahal kita pero mas mahal ko na si Rica at ayaw kong mawala siya sakin" seryosong tugon nito sa asawa.

"I get it, you don't have to say sorry. Bukas na bukas din mag iimpake na kami ni Maze, pinapalaya na kita." Imbis na matuwa ay biglang may kirot na namutawi kay Manuel. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit ganuong kabilis siyang isinuko ng asawa, ang akala pa naman niya ay ipaglalaban siya nito.

How funny na gusto pa niya itong ipaglaban siya kung alam na rin niya kung kaynino siya sasama.

"Hindi, ako nalang ang aalis. Iiwanan ko itong bahay sa inyo. Wag kang mag-alala, susustentuhan ko kayo ni Maze." diretsahang sabi niya. Di naman siya pinansin ni Trizia na ngayon ay nakaupo na sa sofa habang nakatakip ang mukha ng mga palad.

• • • •

Ilang oras na rin nang umalis si Manuel ng bahay, simula kanina ay walang tigil ang pagiyak ni Trizia sa loob ng kwarto ng anak. Mugtong mugto na nga ang kanyang mga mata at halos wala na ngang luha na tumutulo dito.

Iniisip pa rin niya kung ano nga ba ang pagkukulang niya para pag taksilan ng asawa, ginawa naman niya ang lahat para maging mabuting maybahay, ngunit mukhang mayroon ngang kulang dahil hindi siya naging sapat para maging faithful ito sa kanya.

Natigil lang siya sa pag-iyak ng dumating ang kanyang anak na si Maze galing eskwelahan.

"Mommy, I'm hungry" daing ni Maze kay Trizia bago siya nito nilundag sa kama.

"Okay anak, what do you want to eat?" tanong niya habang pinupunasan ang mga mata.

"Mama, I want Muffins po" masayang hiling nito sa kanya dahilan para mawala ng kaunti ang bigat ng kanyang nararamdaman.

• • • •

Sa kabilang banda, ay papunta naman ngayon si Manuel sa bakeshop ni Rica. Gusto niyang sabihin na nakipaghiwalay na siya sa asawa at malaya na silang makakapagsama.

Pinuntahan niya ito sa office ngunit laking gulat niya ng wala ito doon ngunit may nakita siyang dugo sa sahig. Agad naman siyang dinaluhan ng kaba.

Mabilis siyang lumabas ng office. Saktong naroroon naman ang guard kaya hindi niya naiwasang tanungin ito.

"Sir, kung si Ma'am Rica po ang hinahanap niyo, wala po siya dito. Dinala po siya sa ospital dahil dinugo siya kanina-nina lang."

Napamura naman si Manuel sa narinig. Tinanong niya kung saang hospital ito dinala at sinabi naman ng guwardiya kung saan ito sinugod kaya dali-dali siyang pumunta roon.

"Nurse, Saan po ang room ni Ms. Maricar Flores!"

"Kaano-ano po kayo ng pasyente?" tanong ng nurse.

"Boyfriend niya" tugon naman ni Manuel.

"Sir, sa room 303 po. Sa thirdfloor po, sa bandang dulo."

"Thanks!"

Walang pinalagpas na oras si Manuel, mabilis niyang tinakbo ang kwarto ni Rica. Inabutan naman niya itong nakahiga at namamahinga.

Mabilis niya itong dinaluhan at niyakap.

"What happen? Bakit ka nandito. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Tell me!" sunod sunod niyang tanong, nag aalala kasi siya talaga dito.

"Ang OA naman nito, I'm okay sweetheart. You don't have to worry" sagot nito, nawala naman ang tinik na nakabara kanina kay Manuel dahil sa tinuran ng kanyang girlfriend.

"Eh, bakit ka nandito?"

"I have a good news, the doctor said I'm two months pregnant, magkaka baby na tayo!" masayang balita ni Rica.

Hindi alam ni Manuel kung tuluyan ba siyang magiging masaya sa ibinalita ni Rica, may parte pa rin kasi sa kanyang utak na sumisigaw na mali ito at mayroon pa siyang kaylangang ayusin.

"Is that true?" di makapaniwalang tanong niya.

"Yes, magkaka panganay na tayo Manuel!" sambit ni Rica bago siya nito hinalikan sa labi.

***If you like it, please click Vote***

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon