Ang Huling Kabanata

6.2K 126 65
                                    

"Memories are hard to forget, Caring for someone is hard to regret, Losing someone is hard to accept, but even with all the hurt you've felt, letting go and moving on is the most painful yet" - Cheema

----------

"I'm so sorry a-anak, sorry M-maze kung naging selfish si P-papa. P-patawarin mo ko!" pagtangis ni Manuel sa harap ng Puntod ng anak.

In Loving Memory of
Maze Brylle Dela Vega
2010-2016

Basa ni Manuel sa nakaukit sa lapida na nasa harapan niya. Hanggang ngayon ay di parin nag sisink-in sa kaniya ang pagkamatay nito. Nalulungkot siya na ang huli nilang tagpong mag-ama ay galit ang anak sa kanya dahil iiwan na niya ang mga ito.

Nagagalit din siya sa sarili lalo't siya ang may kasalanan kaya nasagasaan si Maze.

"I'm sorry anak, k-kasalanan ko! Patawarin mo ko, Nagsisisi na ako anak! nagsisisi na si Pa-pa" patuloy na paghagulgol niya.

Hilam na hilam na ang kanyang mga mata, nababasa na rin ang puntod dahil sa pagtulo ng mga luha niya dito. Sumabay din ang pag-ambon sa pagnguyngoy niya at tila ito'y nakikiramay.

Pero wala siyang magawa! sobrang panlulumo na ang kanyang nararamdaman. Hindi na niya maibabalik pa ang dati niyang masayang buhay.

"Iho, halika na. Umuulan na!" Tawag ni Aling Nelia. Ito kasi ang naghatid sa kanya sa libingan ng anak.

"Sandali nalang po manang, gusto ko pang makasama ang anak ko." sabi niya. Mukhang naintindihan naman ito ng matanda at nauna na itong sumakay sa kotse. Ayaw pa niyang umalis ng lugar, gusto pa niyang makasama ang anak.

Kung mahahagkan nga lang niya ito ay gagawin niya at hinding hindi na niya ito bibitawan pa.

Dahan-dahan siyang tumingin sa langit, iniimahe ang mukha nang anak nang mga panahong nakangiti ito sa kanya. Yung panahong hinihintay nito ang pag-uwi niya galing trabaho, yung panahong nakikipaglaro ito sa kanya at yung panahong masaya pa ito at mayroong isang buong pamilya.

"Anak, pinapangako ko, aayusin ni Papa ang lahat. Gagawin ko ang lahat para maitama ang pagkakamali ko. P-patawad Maze, hindi ako naging mabuting ama! Patawarin mo ko" Pahayag niya dito habang patuloy parin ang pagbagsak ng maiinit na likido mula sa kanyang mata.

• • • •

Pinagmamasdan ni Manuel ang asawa, mahimbing itong natutulog ngayon.

Ito na ang huling araw niya sa Pilipinas, mamayang gabi kasi ay schedule na niya ng lipad pabalik sa Canada. Sa isang linggo niya sa Pilipinas ay tila nakalimutan niya ang isa pa niyang pamilya.

Hinimas niya ang buhok ng dating asawa. Para itong isang anghel sa mga mata niya. Bakit nga ba niya ito nakuhang pagtaksilan gayu't napaka buti nitong maybahay sa kanya.

"Mahal ko, Patawad. Naging mahina ako, nadala ako ng tukso. Kasalanan ko kung bakit nasira ang pamilya natin. Patawarin mo ako!" iyak niya. Hinalikan niya ang noo ng asawa sa huling pagkakataon.

Sa totoo lang ay di naman talaga nawala ang pagmamahal niya dito. Nalinlang lang siya nang nadarama at dahil sa katangahan ay ito ang kinalabasan ng kanyang kagaguhan.

Ipinagpalit niya ang pamilya sa isang sandali ng kamunduhan.

Too late para marealize niya ang naging bunga nang kanyang kataksilan.

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon