Kabanata 6

3.8K 66 1
                                    

"There's always that one stupid mistakes that can change everything" -Unknown

-----------

Dalawang taon narin nang umalis si Manuel ng bansa. Dalawang taon na rin nang tumira siya sa Vancouver kasama si Rica.

"Hon, kumain ka na ba?" dinig niyang tanong ng asawa. Ito ay ang kanyang bagong asawa. Pagkatapos kasi nito manganak ay napagdesisyunan na nilang magpakasal sa simbahan.

Sa halos dalawang taon wala na din siyang naging balita sa kanyang dating asawa at anak nilang si Maze.

Simula pag-alis ay nawalan na sila nang komunikasyon, ngunit pinapadalhan pa rin naman niya ito sa bank account nila para masuportahan ang kanilang pangangailangan.

"Oo, kumain na ako. Nagyaya kasi yong mga colleagues ko."

"Ganun ba? Sayang naman yung niluto ko!" pagtatampo ni Rica na ngayon ay isang buwang buntis muli.

"Sorry na hon, busog na kasi talaga ako. Babawi ako sayo next time, promise!"

"Promise yan ha!"

"Yup" sabi niya dito bago niya ito hinalikan.

Pagkapasok ni Rica sa kanilang kwarto ay agad niyang binuksan ang kanyang laptop at binisita ang facebook profile ng kanyang dating asawa na hanggang ngayon ay wala namang update, ang last update pa nito ay yung panahong maayos pa sila.

Aaminin niya, namiss niya ang dalawa kahit hindi na ito ang pamilya niya. Minsan nangungilila siya pero may magagawa pa ba siya? may bago na siyang buhay sa Canada kasama si Rica at ang isang taon nilang anak na si Raquel.

Minsan tinatawagan niya ang kaibigang si Raven para makibalita, pero lagi lang naman nitong sinasabi ay nasa mabuti na silang kamay na minsan ay naguguluhan siya kung ano ba ang ibig sabihin dahil wala namang ibang dinedetalye ang kaibigan.

Kaya minsan ang nagagawa nalang niya ay ang pagmasdan ang dating pamilya sa larawan. Umaasa din siya na sana nakahanap na ng lalaki na deserve niya si Trizia, dahil ayaw naman niyang mabuhay ito sa sakit na idinulot niya.

Minsan ay kinakain siya ng pagsisisi. Pero wala na, the damage is already done. Kaya minsan ang iniisip lang niya ay matagal na itong nangyari at kailangan na niyang mag move-on.

• • • •

"Papa, papa. Miss na kita! Sana dalawin mo naman ako minsan! PAPA, mahal na mahal po kita!" bigkas nang isang batang lalaki.

"Anak ko, Maze. Halika dito yakapin mo si Papa."

"Papa!" sigaw ni Maze sa kanya bago siya nito tinakbo at niyakap.

"Sorry, sorry sa nagawa ni Papa. Mahal na mahal kita! Patawarin mo ko!"

"Papa wala na yun sa akin, mahal na mahal po kita." sambit nito bago siya nito niyakap ng mahigpit. Ilang segundo lang ay unti-unting naglaho ang larawan nang batang kanyang yakap-yakap kaya agad siyang kinabahan.

"Anak! anak!"

"Papa, paalam. Mahal na mahal po kita, kayo ni mama!" bigkas nito bago mawala ng tuluyan.

"Maze!" malakas niyang sigaw.

"Hon, are you okay, nanaginip ka nanaman ba ng masama?" tanong ni Rica sa kanya.

"Wala, wala. Don't mind" sabi niya bago niya muling isinukbit ang kumot sa kanyang balikat at pinikit ang kanyang mata pero kahit anong gawin niya ay hindi na siya dinalaw ng antok.

***If you like it, please click Vote***

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon