Kabanata 4

3.7K 63 5
                                    

"Life is a matter of choice, and every choice you make, makes you" - John C. Maxwell

----------

"Bakit hindi mo pa pinipirmahan ang annulment paper na iniwan ko?" bungad niya sa asawa.

"Hindi ako makakapayag!" asik ni Trizia sa kanya.

"Trizia, ano bang hindi mo matanggap sa salitang may mahal na akong iba, hindi pa ba maliwanag sa iyo iyon?" bulyaw niya.

"Manuel, bakit ba ganuong kadaling itapon sa iyo yung pinagsamahan natin?"

Dahil sa narinig ay nakadama na naman siya ng awa kay Trizia. Sa una ay di naman niya ito talaga kayang saktan, dumating lang sa punto na siya naman ang may ayaw na magsisi sa huli.

"Akala ko ba Trizia, pinapalaya mo na ako? I thought tanggap mo na? Pinapili mo pa nga ako diba? at alam mo na ang pinili ko ay si Rica!" bulyaw niyang muli.

Nagulat siya nang lumuhod sa kanya si Trizia. Di niya inexpect na luluhod ito sa kanyang harapan para magmakaawa. Nakilala niya kasi ito bilang isang matapang at malakas na babae.

"I beg you Manuel, don't leave us para sa isang babae, don't do this to us"

"Trizia, hindi na lang isang babae si Rica sa akin, dahil siya na ang babaeng MAHAL ko!" direktang sabi niya. Natahimik naman si Trizia at natulala.

"Papayag na akong pirmahan ang annulment papers, ngunit sa isang kondisyon!"

"Ano yon?" tanong niya.

"Angkinin mo ko, iparamdam mo sa akin na minahal mo rin ako sa huling pagkakataon, ipadama mo sa akin ang natitira mong pagmamahal at pagkatapos nito makakalaya ka na ng tuluyan!" bigkas nito, nagulat naman si Manuel sa tinuran ni Trizia.

• • • •

"Papa, saan ka pupunta? Di ka ba sasabay sa amin mamaya kumain ni Mama?" tanong ng anak niyang si Maze.

"Nope anak, sasabay ako!" bulong niya dito.

Totoong sasabay siya, alam niya kasing maaring eto na ang huling beses na sabay-sabay silang kakain dahil pagkatapos nito ay wala na.

"Daddy play tayo basketball bukas, please!" Masayang hiling ni Maze kay Manuel habang kumakain sila. Dahil dito ay napatingin siya kay Trizia.

"Anak, p-paano ko ba ipapaliwanag to. H-hndi na kasi pwede Maze eh!" nangangatal na sabi ni Trizia sa anak.

"Ha? Mama, Papa, why po?" baling ni Maze sa kanyang mga magulang.

"M-magkakaroon na kasi ng ibang pamilya si P-papa, baka hindi na niya tayo mapupuntahan?" bigkas ni Trizia habang nagpipigil ng luha.

"Pamilya? Bakit po Papa, h-hindi mo na po ba kami love?" naluluha namang baling ni Maze sa ama. Dahil doon ay piniga ang puso ni Manuel sa ipinakita ng anak.

Di siya nakaimik, pinagmasdan lang niya ang dalawa. Expected naman niya na masasaktan ang mga ito, pero di niya naisip na ganito ito kasakit lalo na't nakita niya kung paano magbreakdown ang dating pamilyang iniingatan niya.

Niyakap ni Trizia ang anak, pero wala paring tigil ito sa pag-iyak. Dahil dito, kahit pinipigilan at pinipilit niyang maging malakas ay di na niya naiwasang sumabay sa pagtangis ng bata.

"I hate you Papa, I hate you!"

"Anak d-don't. Your Papa l-loves you. Please don't hate him!" pag-aalo ni Trizia.

"Why not mama, he will eventually leave us po. Di na niya po tayo love"

"No Maze, wag mo isipin yan, Mahal ka ng papa mo. Please, wag mong iisipin yan!" sambit ni Trizia, ngunit hindi nakinig si Maze at tumakbo ito papasok sa kanyang kwarto.

Natihimik lang si Manuel at pawang walang nagawa. Alam niya kasing siya ang may kasalanan.

Umibig siya ng babae bukod sa ina ng kanyang anak.

***If you like it, please click Vote***

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon