Kabanata 11

3.9K 68 2
                                    

"Insane people became insane because of a certain reason" - Unknown

--------

"A-anong nagyayari sa kanya Aling Nelia?" kinakabahang tanong ni Manuel sa ginang, sa ginang na ngayon ay umiiyak na.

"B-bantayan mo siya Manuel, tatawagan ko lang ang doctor niya!" utos ng kasambahay sa kanya. Wala naman siyang nagawa kundi tumango at pagmasdan ang dating asawa na nagwawala.

Sobrang payat na nito. Lubog na din ang mga mata. Malayong malayo sa babaeng iniwan niya dati. Namumutla ang mga balat nito ngunit makikita ang mga lungkot sa mga mata.

Walang tigil ito sa paghiyaw. Namumutawi naman kay Manuel ang awa, at parang pinipiga ang kanyang puso sa mga pangyayari.

Kalahating oras lang din ay bumalik ang kasambahay sa itaas. Kasama nito ang doctor na minsan niyang nakita na lumabas sa kanilang bahay.

"Manuel, lumabas ka muna. Tuturukan lang ni Doc si Trizia pampakalma!" utos ni Aling Nelia.

"Hindi! di po ako lalabas. Babantayan ko siya!"

"Iho, sundin mo nalang ako. Nagmamakaawa ako sayo, lumabas ka muna!" sambit ng matanda. Wala ng nagawa si Manuel kundi ang sundin ito.

Dumiresto siya sa sala at doon naghintay, kailangan niyang malaman ang kondisyon ng dating asawa. Kailangan din niyang malaman kung nasaan ang anak nilang si Maze.

• • • •

Ilang minuto lang din ay bumaba na si Aling Nelia, kasama naman nito ang Doctor sa likod.

"Doc, kamusta po si Trizia?" baling niya sa Doctor, dumako naman ang mata ng doctor kay aling Nelia na pawang humihingi ng permiso.

"Aling Nelia, ano ba talaga ang lagay ng asawa ko?"

"ASAWA? Mawalang galang na iho, ano pa ang karapatan mong tawagin si Trizia na asawa sa lahat ng nagawa mo sa kanya?" sarkastikong tugon ng matanda.

Nawalan naman ng imik si Manuel, ano nga ba ang karapatan niya gayu't iniwanan na niya ito.

"Manang nagsisisi na po ako, kaya nga ako umuwi dito ay para kamustahin sila ng anak ko at humingi ng tawad. Wala naman po akong balak manggulo! Gusto ko lang din po makita ang anak ko." paliwanag niya sa matanda.

"Pero huli na ang lahat anak, wala ka ng tyansa pang makita ang alaga ko, nangyari na ang lahat!" makahulugang sambit nang kasambahay bago ito tuluyang napahagulgol sa harapan ni Manuel.

"Ano po ang ibig niyong sabihin manang, nasaan na ang anak ko, nasaan na si Maze?" sunod-sunod na tanong niya sa ginang habang pinipigilan ang panginginig dahil sa sobrang kaba.

"Wala na si Maze, patay na siya. Matagal ng patay ang anak mo!"

***If you like it, please click Vote***

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon