Kabanata 8

3.7K 66 2
                                    

"5 things you can’t recover in life; A stone after it’s thrown, A word after it’s said, An occasion after it’s missed, Time after it’s gone, and the trust after it’s lost" - Unknown

-----------

Pagod na pagod si Manuel na nakababa ng NAIA Terminal 3. Labingapat na oras din kasi siyang nakaupo sa eroplano at mukhang timaan pa siya ng jetlag.

Dumiretso siya sa isang hotel upang doon muna magpahinga. Bukas na lang siguro siya dadalaw sa dating bahay nila dahil alas otso na nang gabi ngayon at ayaw na niyang makaistorbo.

Excited mang makitang muli ay napupuno si Manuel nang takot at hiya. Kakamustahin lang naman niya ang dating pamilya, hindi naman siya mangugulo kung sakaling may iba na rin itong mga buhay. Ang gusto lang naman niya ay makita itong ligtas at nasa mabuting kalagayan.

Kinabukasan ay walang siyang pinalagpas na oras, pumunta muna siya sa kaibigan si Raven. Hihiramin muna niya kasi panandalian ang kotse nito. Naibenta na kasi niya ang kotse niya nung panahong tumira na sila sa Canada ni Rica.

"Pre, long time no see" bati ni Manuel kay Raven.

"Oh, pre buhay ka pa pala!?" bati naman ni Raven. Bago sila nag fist bump dalawa at nagtawanan.

"Kamusta?" tanong ni Manuel.

"Eto okay naman may isang anak na, at ikakasal na kay Abigail. Ikaw, kamusta buhay mo sa Canada?" balik ng kaibigan sa kanya.

"Ewan pre, pakiramdam ko may kulang, at first our relationship for me is exciting, pipiliin ko ba si Rica kung hindi, but as times fast nangungulila na ako kila Trizia, di ko na maintindihan ito" bigkas niya

Sa hindi naman maipaliwanag na kadahilanan ay namutla naman si Raven sa narinig, ngunit nakabawi din kinalaunan.

"Probably Guilt are eating you over leaving your family, and dismay having them left for someone who's not appealing anymore? Parang ganun ba? Kaya ka ba bumalik dito sa Pinas?"

"Nope, I just want to visit them, I know the damage is already done, at wala na akong magagawa doon, they probably hate me. I just need to accept that I'm a jerk for leaving them behind" malungkot na bigkas ni Manuel.

"Pre, your too late! Dapat nung una kasi nakinig ka nalang sakin" may halong panghahamak na sabi ni Raven.

"Oo, it's my fault aaminin ko, kaya nga pupuntahan ko sila doon ngayon para kamustahin....... At para humingi na din ng tawad!"

"Pare, sana magawa mo pa nga ngayon. Sana hindi pa huli ang lahat." kakaibang sambit ni Raven, bumalatay tuloy ang kakaibang kaba sa mukha ni Manuel.

"What do you mean bro?" tanong niya.

"Pre, wala akong karapatan na magsalita, discover it yourself"

***If you like it, please click Vote***

Melancholy of a Husband (Mini Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon