PROLOGUE

4.8K 86 8
                                    

Love is an amazing journey.

Whether you swim or you fly,

Don't be afraid to give it a try.

@mydearwriter

PROLOGUE

15 YEARS AGO

“I WANNA grow old with you...” nakangiting kanta ni Robbie kay Julia.

Panay ang tulo ng luha ni Millenn habang patapos na ang pelikulang 'The Wedding Singer.' Naiyak talaga siya sa tuwa- gandang ganda siya sa love story ng dalawa.

“O, napano ka??” nagtatakang tanong ng mama niya nang makitang namumugto ang mata niya nang lumabas ng sinehan. “Akala ko ba romantic comedy yang pinanood niyo?”

“Ewan ko diyan, panay ang iyak sa loob,” sagot ng pinsan niyang si Abby. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. She was 13 years old at second year highschool palang. Si Abby naman ay nasa college na at isinama siyang manood ng sine. “Samantalang ako e tawa ng tawa!”

“Natawa din naman ako ah,” depensa ni Millenn sa sarili.

“E bakit nga namugto naman ang mata mo, anak? Bakit mo iniyakan yung sine?”

“Nagandahan po kasi ako mama. Nakakakilig... nakakatuwa... tapos... very romantic yung ending. Naiyak ako kasi akala ko di na sila magkakatuluyan pero ginawa talaga ni Robbie lahat ng paraan para mahabol si Julia.”

“Sus, pelikula lang yun, ito naman, masyadong affected!” si Abby uli na nilantakan ang popcorn na di niya naubos.

“Gusto ko ganun.... ganung love story! Nangyayari kaya yun sa totoong buhay?”

“Ang kulit mo ha, sinabi nang pelikula lang yun!” Binato siya ni Abby ng popcorn.

Inakbayan siya ng mama niya. “Alam mo anak, tama ang Ate Abby mo. Huwag kang masyadong padadala sa napanood mo. Gawa-gawa lang yun.”

“Alam ko naman po. Sinasabi ko lang na.... sana, ganun din kaganda ang love story ko no?”

“Ang bata mo pa anak. Mag-aral ka muna. Yang love story mo, mangyayari din yan, pero di pa ngayon.”

“Next time, action na lang panoorin natin,” wika ni Abby.

Umirap lang si Millenn.

* * * *

AUTHOR'S NOTE:

This story is dedicated to:

Precious Lielani Teodosio

Joyce Conti

Jeselee Militar

Jeanette Felipe

Emily Joy Badilla

Ariel dela Cruz

Jungie Castro

Orven Ortega

#mydearwriter 

MY HEART AND SEOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon