Chapter Three

1.5K 74 5
                                    



ALAS-sais pa lang ng umaga ay bihis na siya at naglalakad sa vicinity ng Hotel Riviera. October pa lang pero napakalamig na ng temperature sa Seoul. Pero wala siyang pakialam kung mistulang freezer ang paligid- kelangang masanay siyang maglakad tuwing umaga para makundisyon ang katawan niya. Naisip niya ang mga Latina beauties na kasama ni Javi kahapon at gusto niyang mainggit dahil ang papayat ng mga iyun. Mukhang hindi marunong kumain!

Pero ayaw naman ni Millenn na gutumin ang sarili. Mahilig siyang mag-food trip. Mas matitiis niyang maglakad ng dalawang oras kesa i-deprive ang sarili sa pagkain.

After thirty minutes ay bumalik na siya ng hotel- hinihingal.

"Ang aga mo yata?" Nagulat si Millenn nang may magsalita sa likod niya.

Palabas ng kuwarto si Javi at nakita siya. Bagong paligo ito, preskong presko at in fairness ay napaka-guwapo sa suot nitong blue jeans, white shirt na eksakto lang sa katawan at itim na Chuck Taylor na sapatos. Nagulat pa si Millenn dahil for the first time ay ngumiti sa kanya ang lalake.

"Nag-jogging ako," sagot niya. Hindi na niya inamin na konti pa lang ang nalalakad niya ay halos lumuwa na ang dila niya sa pagod kaya agad na bumalik sa hotel.

At least nag-try ako, sa loob-loob niya.

"You jog pala? Sana sinabi mo sa akin para sumabay ako." Nakalapit na sa kanya si Javi kaya biglang na-conscious si Millenn.

"Hindi ko ugaling mangatok ng tao kapag tulog," bigla niyang nasabi. Gusto sana niyang bawiin ang sinabi but it was too late. Nakita niyang nawala na ang ngiti ni Javi.

"At hindi ko din ugali na tanghaling gumising kapag may appointment." Yun lang at lumakad na ito patungong elevator.

Bubulong-bulong na nagtungo na rin ng kuwarto si Millenn para magpalit. Gusto niyang makapag-breakfast kasama ang ibang delegates.

Pagdating niya sa coffee shop ng Hotel Riviera kung saan nakahain ang breakfast, agad niyang nakita si Javi na kasama na naman ang mga delegates na taga-Latin America.

"Cradle snatcher ka?" hindi na naman siya nakapagpigil magcomment nang makasabay ang lalake sa may gilid ng buffet table.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Inosenteng tanong ni Javi. Gusto itong kutusan ng dalaga!

"Panay bagets ang kasama mo ah. Baka kung ano ang isipin ng iba."

"Ang dumi ng utak mo. Mga college students na ang mga yan. Lampas bente anyos na!" agad na sagot ni Javi. "Saka, bakit mo ba ako binabantayan?"

"Hindi kita binabantayan!" Biglang namula ang pisngi ni Millenn dahil nasupalpal siya ng lalake. Lalo tuloy siyang nainis. "Saka sino ka para bantayan ko?"

"Yun na nga e. Walang pakialamanan!" Ngumisi ito. "Kanya-kanyang trip!"

"E di wag na tayong mag-usap!" Isang bonggang irap ang ibinigay ni Millenn- kesehodang mabali ang leeg niya. Padabog siyang bumalik sa table. Mayamaya lang ay may lumapit sa kanya para maki-share. Si Temi, isang reporter na taga-Nigeria.

Gusto nang umiyak ni Millenn sa inis. Feeling niya ang unfair ng mundo. Bakit kay Javi panay artistahin ang lumalapit? Bakit sa kanya, mukhang maton?

MAAGANG natapos ang activities ng mga delegates ng araw na iyun. So far ay mahigit forty university students from different countries ang kalahok sa naturang prestihiyosong beauty pageant- kasama na ang Pilipinas. Proud naman si Millenn dahil may Pinay na kasali sa World Miss University, pero hindi din naman niya nakakausap ang naturang delegate dahil laging busy ang mga bagets. Pero nang araw na yun ay binigyan ng oras ang lahat para makapag-ikot at makapag-shopping.

MY HEART AND SEOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon