PRESENT DAYISANG white envelope ang tinitingnan ni Millenn habang umiinom ng kape. Alam na niya kung ano ang laman ng makintab na sobre kahit di pa niya nabubuksan.
"Lahat nalang ng tao, nagpapakasal!" Ibinaba niya ang hawak na mug saka binuksan ang envelope.
"Bakit parang galit na galit ka sa mga ikakasal? Bitter Ocampo??" Si Sasha, art director at stylist. Bading ito at bestfriend niya-- kasama niya sa BELLE MAGAZINE.
"Itong ikakasal-- she was my batchmate in highschool. Kahawig niya ang principal naming old maid, and yet magpapakasal na siya two weeks from now."
"At nagngingitngit ka dahil.....?"
Napabuntong-hininga si Millenn. Hindi siya galit. Hindi siya nagngingitngit. She was jealous... and sad. Pakiramdam niya, lahat na ng taong kakilala niya ay nagsipag-asawa na. Feeling niya, siya na lang ang single! Nasaan ang love story niya? Bakit wala pa ring nagaganap sa lovelife niya?
"Tell me Sasha, ano ang deperensya ko? Ano ba ang kailangan kong baguhin para naman magkaroon na ako ng lovelife?" Himutok niya kay Sasha.
"Mars, intimidating kasi ang dating mo. You represent this modern woman na mataas ang standards. E ang mga nakikilala naman natin are male models na parang masasarap na hain ng langit, but let's face it, medyo hindi ang tipo mo ang type nila."
"OMG. Ganun na ba ako kapangit?!" Agad na inabot ni Millen ang maliit na salamit sa may desk niya. "Ang chaka ko ba talaga mars?"
"React agad?!" Natawa si Sasha. "Alam mo girl, hindi ka naman chaka-looking. I mean, honestly, you look okay." Bumuntong-hininga muna ang bading. "You're actually fabulous. May taste ka manamit, hindi bastusin o cheap. Hindi ka din mukhang nerd. You're independent, you have a career... basically-- you're a good catch...."
"Then what's wrong with me?"
"It's not you.... it's them! They all play around, darlin!"
"I can play around!" mabilis na wika niya, although of course-- deep inside ay alam niyang kasinungalingan yun. "I can be as.... as hot and playful.... and I'm friendly!"
Natawa uli si Sasha sa kanya. "You're a fashion editor and a writer, Millenn. Intimidating ang dating mo sa ibang lalake. Alam mo naman, ayaw ng iba diyan sa tulad nating medyo achiever... lakas maka-insecure."
"Bakit, masama ba kung may naaabot ang babae?"
"E kasi nga intellectual ang dating ng mga writers. Saka ikaw, taga-media ka... siguro naiisip din ng mga nakikilala natin sa mga events na mahirap makipaglaro sayo... or something. Siyempre nga naman kapag nasaktan ka, baka ma-headline sila at mawalan ng career."
"Laro na ba ngayon ang relasyon?"
"That's exactly my point. You always see every relationship as something that would lead to the altar. Hindi ganun yun, my dear. When you enter a relationship, dapat ready ka sa mga consequences. Puwedeng maging successful, puwede din namang hindi. It is always a risk. What is important is that you should look at it as an adventure too- kaya dapat marunong kang mag-enjoy."
"Masama bang maging hopeful na ang kasalukuyan mong relasyon ay hahantong sa altar? I mean, hindi naman tayo mga high school kids na tweetums lang at crush-crush ang alam di ba? Nasa stage tayo na nagseseryoso."
"Ang problema nga, mabagal ang mental and emotional growth ng ibang lalake."
"E bakit ikaw?"
"Gaga! Babae ako sa isip, sa salita at sa gawa! Hindi ba obvious teh?" Nagkatawanan silang dalawa.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomanceMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.