CHAPTER SIX
“ALAM ko, hindi ko dapat iyakan ng ganito ang lalakeng hindi ko naman boyfriend. Ewan ko ba, na-hurt lang talaga ako. Umasa kasi ako, naghintay.... tapos wala. Hindi sumipot? Ayoko ng ganun... masakit yun e.” Nagpahid uli ng luha si Millenn. “Ang stupid ko kasi e.”
“I don't think you're stupid,” sagot ni Javi.
Napatingin si Millenn sa lalake- biglang nakaramdam ng hiya. Gaano na ba siya katagal na nagmo-monologue? May fifteen minutes? Hindi niya maalala. Ang alam lang niya-- mula elevator ay inakbayan siya ni Javi papuntang kuwarto para ihatid. Doon siya nagsimulang maglitanya ng hinanakit with matching luha na umagos parang ilog.
“It's okay to cry.... but you can stop now,” ani Javi. “Baka maubos na ang luha mo,” biro nito.
Ngumiti lang si Millenn, pero pilit. “Sa tingin mo, ano ang dahilan kung bakit hindi siya dumating? Nagbago na ba ang isip niya tungkol sa akin?" Alam ng dalaga na hindi siya dapat ma-insecure dahil one bad date should not break her spirit. Gusto lang niyang marinig ang opinyon ni Javi. "Am I not good enough?"
"Millenn, don't measure your worth with someone's failure to meet you for dinner.”
Napabuntong-hininga ang dalaga. “I know... I'm sorry.... I just couldn't believe he stood me up.”
"Baka may emergency lang sa kampo. Baka naka-red alert. Or maybe he left his phone at di ka niya naabisuhan sa biglaang lakad nila. There are just so many possible reasons. Ganun talaga ang buhay sundalo e, they don't own their time. Yung sinumpaan nilang tungkulin ang laging mauuna before anything else."
"Ang hirap naman," angal niya. "Ganun ba talaga?"
"Yes."
"Bakit mo alam? Naging sundalo ka ba?" she knew she was just being silly.
"Yes," sagot uli ni Javi na ikinagulat niya. Naging sundalo ang lalake?
Somehow ay hindi niya ma-imagine si Javi wearing a soldier's uniform. Parang wala ito sa itsura ng lalake. Pinagmasdan tuloy niya ito and she realized gusto niya ang nakikita niya. Oo nga at guwapo si Dale, pero hamak na mas guwapo si Javi kung tutuusin. Strong features na binagayan ng magandang kulay- nasa gitna ng olive at tan. Dangerously handsome with boyish charm- a deadly combination actually.
Para talagang si Zac Efron na naging Pinoy. Haaay.... bakit kasi hindi na lang ako kay Javi nagkagusto? Hindi napigilang tanong ni Millenn sa sarili. Dahil kung ikukumpara niya ang dalawang lalake, Dale could be the appetizer- but Javi is definitely the main dish!
“I used to be in the military.”
"Seryoso ka?” Tumango ang lalake, medyo napangiti pa. “Paano ka napunta sa military?" Pilit na iwinawaglit ni Millenn sa isip niya ang itsura ni Javi na naka-fatigue uniform, na sigurado siya, mas papalicious pa ito kesa kay Dale!
"I was born in the states. My dad was half-American, half-Puerto Rican but my mom's Filipina. When he died, my mom thought of living here. I was eight then and nagstart pa ako ng grade school sa La Salle Greenhills but we moved back to the US after two years. She remarried when I was around 17. Nagalit ako, kaya pagtungtong ko ng 18, I signed up for the US Army kasi sa North Carolina kami nakatira. Malapit lang dun ang isa sa pinakamalaking US Army camp which is Fort Bragg. Naka-five years din ako sa military and nakapag-college ako. After that, I went back to the Philippines, naiwan sa US ang mother ko. That's why I know the life of a soldier."
Nakatanga si Millenn matapos magkuwento si Javi. Hindi siya makapaniwala sa naging buhay ng lalake. All of a sudden, nagmukhang insignificant ang mga worries niya about her lovelife.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomansaMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.