HINDI siya torpe, alam yun ni Javi. In fact ay madali para sa kanya ang makipag-usap sa mga babae kaya nga madami na siyang naging girlfriends. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit pagdating kay Millenn, umuurong lahat ng tapang niya sa katawan.He was 14 nang unang magka-girlfriend. Ahead ng two years sa kanya si Claire na next door neighbor niya sa North Carolina. Fil-Am din ang babae, mabait, charming at artistahin. He was in love with Claire pero nagkahiwalay sila nang lumipat ang babae sa California para doon magcollege. Ang sumunod ay si Anna, isang half-American, half-Italian na kaklase niya sa Junior High at naging partner pa sa prom. Nang pumasok siya sa military ay marami pa ang sumunod but nothing serious. Lahat ay fling. Hindi na siya na-in love pa tulad ng naramdaman niya kay Claire-- until he met Millenn.
Una niyang nakita ang babae sa isang event sa Batangas last year. Ipinakilala sila sa isa't isa pero tumango lang sa kanya si Millenn, like she wasn't even paying attention. Suplada yata, yun ang una niyang naging impression. Pero nakita niya sa isang relief operation si Millenn, pawisan pero nakangiti pa rin habang tumutulong sa mga biktima ng kalamidad. In-organize ang operation na iyun ng mga advertisers at sinuportahan ng iba't ibang publications kabilang na ang BELLE Magazine at BOUND Magazine. Hindi rin nagkaroon ng chance si Javi na makausap ang babae dahil nahiya siyang hingin ang number nito habang namimigay sila ng mga bigas at goodies sa mga nasalanta ng bagyo. Nakita din niya ito sa isang fashion show pero nang matapos na ang event ay wala na si Millenn. Naisip tuloy niyang napaka-elusive ng babae kaya't hindi na siya nagpursige.
Pero muling nagkrus ang landas nila. Nakita uli niya si Millenn sa 10th Annual Magazine Awards and he vowed na hindi siya uuwi na hindi nakakausap ang dalaga. At tila pinanigan pa siya ng tadhana dahil pareho silang nanalo ng trip to Seoul, Korea.
"Destiny, pare," biro pa sa kanya ni Thirdy sa awards night matapos manalo. Graphic artist sa magazine nila ang lalake. Kung bakit kasi naituro niya si Millenn-- hindi tuloy siya tinantanan ni Thirdy. "Kelangan, pagbalik niyo ng Pilipinas, kayo na. Pormahan mo agad ha!"
"Shhhh!!!" Sinita niya si Thirdy. Kasasabi lang niya kanina na huwag maingay na gusto niya si Millenn pero mukhang mas excited pa sa kanya ang kasama.
"E kung hindi yan destiny, ano ang tawag mo? Sige na, lapitan mo na at baka umuwi pa." Halos ipagtulakan siya ni Thirdy. Ayaw sana niya pero nakita niyang nakatingin na sa kanya si Millenn.
"Yes?" Seryoso ang babae. Pakiramdam tuloy ni Javi ay umurong ang lalamunan niya.
"Well, congratulations," sa wakas ay nasabi niya after what seemed like an eternity.
Hindi alam ni Javi kung matatawa o maiinis sa sarili. Ni wala siyang maisip na magandang sasabihin kay Millenn. Para siyang nagkakaroon ng temporary amnesia kapag kaharap ang babae-- kaya gusto na niyang kutusan ang sarili!
Kung tutuusin ay hindi matatawag na drop-dead gorgeous si Millenn. Hindi rin ito pang-Miss Universe. Pero malakas ang appeal ng babae-- cute at charming. Parang si Drew Barrymore na kahit anong gawin ay attractive pa rin.
"I guess I'll see you soon." Yun ang sinabi ni Javi kay Millenn, saka mabilis na tumalikod. Ni hindi na siya lumingon dahil feeling niya ay baka pagtawanan lang siya.
Muntik na siyang hindi tumuloy sa Seoul dahil lang sa takot niyang makasama si Millenn. Pero pagdating sa airport ay siya ang nataranta dahil hindi niya makita ang babae- naipatawag tuloy niya ito sa paging system. Nagalit man sa kanya si Millenn-- at least kasama niya itong bumiyahe papuntang Korea. At kahit marami na siyang lugar na napuntahan, yun ang trip na nagpa-excite sa kanya ng husto!
Ang problema, mukhang mabigat talaga ang loob sa kanya ng dalaga. Tuwing susubukan niyang makipag-usap o i-approach, parang lagi itong galit sa kanya. Katulad na lang nang magmagandang loob siyang katukin ito sa kuwarto para sabay silang magbreakfast. Halos hindi siya nakatulog kaya naman alas-singko pa lang ng madaling araw, nakapaligo na siya. Pagtuntong ng 6:30 am ay pinuntahan na niya si Millenn pero matagal itong bumangon. At nang pagbuksan siya ng pinto ay tumambad itong naka-shorts at sandong kita pati kaluluwa. Hindi tuloy siya nakapagsalita agad! Pero dahil matalim ang tingin sa kanya ng babae-- mabilis siyang nag-isip ng sasabihin.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomanceMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.