Chapter Four

1.5K 74 5
                                    



"HELLO Javi!" bati ni Millenn sa lalake nang magkasabay silang pumasok sa cafe ng Hotel Riviera. Apat na araw din silang hindi nagkita.

"Hi." As usual ay tipid na bati lamang ang ibinigay nito sa kanya. Mas magiliw itong nag-wave sa mga delegates na nasa isang table. "Hi girls, good morning!"

"Hello Javi!" Halos sabay-sabay na bati ng mga babae.

Automatic na tumaas ang kilay ni Millen pero hindi na siya affected sa kakaibang treatment ni Javi sa kanya. So what kung mas gusto nitong makasama ang mga taga-Latin America kesa sa kanya? Wala na siyang pakialam kasi masaya na siya. At keber niya kung si Javi man ang itanghal Sungit King sa buong mundo.

"Sasama ka ba sa service ng hotel mamaya papunta sa Olympic stadium or magta-taxi ka?" Nagulat pa siya nang biglang magtanong sa kanya ni Javi. Nasa likod pa pala niya ito at kukuha rin ng orange juice. "Remember, may pictorial doon ang mga candidates? Iku-cover ba ng magazine niyo yun?"

"Of course. Kailangan kong magsulat ng article about the Olympic stadium and mas maganda kung may mga pictures ng mga candidates dun."

"So sasabay ka sa van?" tanong uli ni Javi. Umiling si Millenn.

"Sasamahan daw ako ni Dale." Nagtungo na si Millenn sa isang bakanteng table. Sumunod si Javi.

"Sinong Dale?" Kunot ang noo ni Javi nang umupo sa tapat niya. Nagsimula na itong kumain habang nakikipag-usap. "May kasama ba tayong Dale ang pangalan?"

"Hindi siya kasama sa nagco-cover ng event." Napangiti si Millenn. Hindi niya alam pero natutuwa siya tuwing naiisip niya si Dale. Lalo pa kung paano sila nagkakilala-- parang pelikula! Kinikilig tuloy siya!

"Kasama sa organizing committee?" Nasa mukha pa rin ni Javi ang pagtataka.

"Ano ka ba, hindi siya Koreano!" Napahagikhik na si Millenn, bagay na tila ikinainis na ni Javi. "Nakilala ko noong isang araw."

"Intsik? Teka... yung reporter na mukhang boksingero? Yung taga-Nigeria?"

"Hindi no! US Army si Dale." Kinikilig na naman si Millenn.

"Sundalo?" Nagkrus yata ang mga kilay ni Javi.

"Yes, at ang guwapo-guwapo, parang Hollywood star!" Hindi na napigilan ni Millenn ang excitement.

"You're flirting with an American soldier? Yung mga naka-assign dito sa Seoul?" Tila hindi makapaniwala si Javi habang nakatingin kay Millenn- puno ng akusasyon ang mga mata nito, na para bang mortal sin ang ginawa niya.

"Hindi ako flirt no! How dare you!" Nasaktan ang dalaga sa sinabi ni Javi. Nawalan tuloy siya ng gana sa pagkain.

Oo nga at dalawang beses na silang lumalabas ni Dale kahit bagong kakilala lang niya ito-- e ano naman? Those were harmless dates. The other day ay sa COEX Mall lang naman sila namasyal at nag-coffee. Then last night ay nag-dinner sila sa TWIN PALACE kung saan madalas umano si Dale dahil western food ang naroroon. Ano naman ang masama doon? Dalaga naman siya at binata si Dale. Naisip pa ni Millenn na kung tutuusin ay wala nang pakialam si Javi sa kanya dahil hindi naman sila magkaibigan. Nagkataon lang na magkasama silang bumiyahe mula sa Pilipinas.

"Well, whatever you do, just make sure na hindi mapapahiya ang Pilipinas sa mga asal mo. I hate it when people say bad things about my countrymen," narinig niyang wika uli ni Javi.

"Hindi ako pakawala, okay? And stop looking at me na para bang nandidiri ka sa akin!"

"Wala akong sinasabing ganun." Kalmadong ipinagpatuloy ni Javi ang breakfast.

"Ganun na din ang tono mo!" Gusto nang maiyak ni Millenn. Kanina lang ay masaya siya. Somehow ay nagawa ni Javi na sirain ang umaga niya. Pero hindi siya iiyak-- not in front of Javi. Ayaw naman niyang magmukhang kawawa sa harap ng lalake! "Negative na agad ang reaction mo porke't may nakilala akong Amerikano dito."

MY HEART AND SEOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon