Chapter Twelve

2.7K 87 19
                                    



"ONE green tea frappuccino venti with coffee jelly and one oreo cheesecake for you." Napatingin si Millenn kay Sasha. Inilapag ni Sasha ang bitbit nitong tray na may lamang pagkain. "One oatmeal cookie for me and a glass of water."

"Yan lang ang kakainin mo? Samantalang sakin ay..." Sugar-overload, yun ang naisip niya.

"Don't argue, dear. Kailangan mo ng mga pagkaing pampasaya. You've been moping for like what-- two weeks? Hindi na makatarungan."

"Well, hindi naman talaga makatarungan ang ginawa sa akin ni Javi." Uminom siya ng green tea frappe. "No email, no call... not even a text. For all we know namatay na yun at na-cremate."

"You and your dark thoughts!" Kumagat muna ng oatmeal cookie si Sasha. Sumubo naman siya ng oreo cheesecake. "Nandito tayo ngayon sa Starbucks. At least think happy thoughts!"

Hindi siya kumibo. Naiiyak na naman kasi siya pero masakit na ang mga mata niya-- overtime na sa kakaiyak the past few days. Baka magmukha na akong eye bags na tinubuan ng kamay at paa.

"Okay lang namang maging martir minsan..." narinig niyang wika ni Sasha. "Yung umaasa kahit alam mong medyo malabo kaya dinadaan sa iyak.. natural lang naman yung mga heartaches na ganyan. Pero huwag namang unlimited lungkot... okay na yung 7 days. Sapat na yun. After that, ibang promo naman!" Kahit papano ay natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ikinumpara pa talaga siya sa mga mobile promos!

Nagpatuloy siya sa pagkain ng cheesecake habang nakatingin sa iPhone na nasa harap lang din niya-- hoping na tumunog yun. Cellphone ni Sasha ang tumunog at agad na binasa ng kaibigan niya ang message.

"Oh great! We're invited to the opening of that new resto-bar in Rockwell tomorrow night."

"Ayokong sumama, kayo na lang."

"Ang corny mo ha!"

"Si Jean ang isama mo, mahilig yun sa food."

"Bahala ka. Basta't don't forget na pupuntahan natin si Marrion sa fashion show niya. At huwag mong sasabihing hindi ka pupunta-- day, fashion editor ka ha!"

"Of course pupunta ako dun. I'm covering that event." But deep inside ay bored na siya. Mas gusto niyang gawin ang ginagawa ni Javi-- traveling and writing. Javi na naman. I should get rid of all these Javi thoughts.

"Hmmm.... I know that spaced-out look," narinig niyang komento ni Sasha. Pagtingin niya sa kaibigan ay nakatingin ito sa kanya. "Iniisip mo naman siya? Kaloka ka na girl!"

"Actually tama ka, mars. Remember what you said the other day?"

"Saan dun? Andami kong kuda lately." Ibinalik ni Sasha ang atensiyon sa cellphone.

"Yung sabi mo na I should go out more.... that I should try to meet other people."

"Finally you're back on Planet Earth, Millenn!" Napatingin uli sa kanya si Sasha- this time ay malapad na ang ngiti nito. It was almost devious. "So papayag ka nang i-set up kita ng date with some eligible bachelors that I know? One at a time of course."

"Well.... why not? Ayoko na rin naman ng ganito. Naghihintay sa wala." Nakaramdam siya ng kirot sa puso pero alam niyang makaka-get over din siya.

"Check! I'm so glad natauhan ka na dear. Dahil malapit na kitang ipatawas no!"

Nagkatawanan sila. But deep inside-- miss na miss na niya si Javi.



EKSAKTONG isang buwan simula nang iwan ni Millenn ang Seoul, Korea ay nakatanggap siya ng isang bouquet of flowers sa opisina. While sanay na siyang nakakatanggap ng kung anu-anong regalo from PR companies and brand managers, may kakaiba siyang naramdaman ng araw na yun.

MY HEART AND SEOULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon