"MILLENN!" Kung hindi pa narinig ng dalaga ang pagtawag ni Javi sa kanya sa labas ng kuwarto, hindi pa siya tatayo mula sa couch. Enjoy na enjoy siya sa pinapanood na CSI Miami kaya hindi na niya namalayan ang oras."Buti naman at bihis ka na pala," komento ng lalake nang pagbuksan niya. "Akala ko tulog ka, or umiiyak na naman."
"Ano ka ba, hindi ko na nga iniisip yun no. Masaya na ako sa CSI."
"Di ka magdadala ng jacket?" Nakatingin si Javi sa attire niya- sleeveless blouse at jeans plus sneakers. "Malamig ngayon sa labas."
"Akala ko pa naman makakapagpaseksi ako ngayon," kunwari'y biro niya bago dinampot ang sweat jacket na nasa may couch. "Matatalbugan na naman ako ng mga Latina beauties mo!"
"Nakikipag-kumpitensiya ka sa kanila?" tila hindi makapaniwala si Javi habang naglalakad sila sa hallway. "Mas maganda kang di hamak sa kanila."
"Ows?" Nanlaki ang mata ni Millenn sa narinig at napatingin sa katabi. Tama ba ang narinig niya? Na sinabi ni Javi na mas maganda siya sa mga Latina nilang kasama? Nananaginip ba siya or what?
Pero deadma na si Javi. Tahimik na ito nung makasakay sila sa elevator pababa ng hotel. Hindi na rin nagtanong pa ang dalaga- baka bawiin pa ng lalake ang sinabi nito, mahirap na!
Midnight shopping pala ang trip ng mga kasama nila, pero nagdinner muna sila sa isang Italian restaurant sa Itaewon. Hindi namalayan ni Millenn na natahimik pala siya.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo," puna ni Javi.
"Dito kami sa area na ito nagkakilala."
"Ni Dale?" Tumango ang dalaga. "Senti mode?"
"Hindi ha. Naalala ko lang."
"Kung pano ka niya inindiyan?"
"Heh!" Natawa si Millenn. Naalala niya ang pag-iyak niya nung nakaraang gabi- she was crying like the world was ending. Lalo siyang natawa.
"Are you okay?" gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng lalake. Naisip tuloy ng dalaga na baka SISA na ang tingin nito sa kanya.
"Yeah, I'm okay. I just realized how silly I was last night."
"Now I know you're okay... because you actually realized that you acted silly last night," natawa na rin si Javi. Lalong lumakas ang tawa ni Millenn kaya pinagtinginan sila ng ibang delegates.
Pero wala nang pakialam si Millenn kahit pagtawanan pa siya mismo ng mga kasama. It felt good to laugh her heart out. Pagkatapos kumain ay dumiretso sa Dongdaemun Market- ang tinatawag nilang Mecca of Fashion dahil sa dami ng mabibili ditong mga damit at kung anu-anong accessories. Nagkalat ang mga tiyangge sa kalye- at bukas ang naturang area even after midnight hanggang madaling araw. Of course, being in the world of fashion, nadala na din si Millenn sa pamimili. Halos maubos ang dala niyang pocket money nang gabing iyun sa dami ng binili.
"Ako na ang magdadala ng ibang shopping bags mo." Bago pa nakasagot ang dalaga ay nakuha na ni Javi ang ilan sa mga bitbit niya. "Hindi ka naman mahilig sa shopping no?" biro nito sa kanya.
"Well, shopping can boost someone's mood. Hindi naman shopping spree ito. These are just comfort buys. It's retail therapy honey!"
As soon as the words were out of her mouth, agad na itinikom ni Millenn ang bibig. Honey? Tinawag niyang honey si Javi!
Ramdam niya ang agad na pamumula ng pisngi pero hindi siya nagpahalata. Binilisan na lang niya ang lakad para maibsan ang hiyang gumapang sa balahibo niya. Mabuti na lang at may ilang delegates na rin ang napagod at nagyayang umuwi. At dahil hindi sila kasya sa iisang taxi, nagkanya-kanya na sila ng para ng masasakyan. Mabilis na nakakita ng taxi si Millenn- pinara iyun at nagmadaling sumakay. Akala niya ay sa unahan uupo si Javi pero tumabi ito sa kanya sa likod. Sa dami ng pinamili niya, halos napuno ng shopping bags ang likod ng taxi, prompting them to sit closer to each other.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomanceMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.