TATLONG araw nang hindi mapakali si Millenn. Wala pa rin siyang makitang damit na puwedeng isuot sa dinner date nila ni Dale. Nakailang ikot na siya sa COEX, sa Itaewon at iba pang shopping areas pero wala siyang magustuhan. Pressured siyang makahanap ng perfect dress-- kaya pati ang event na dapat daluhan ng gabing iyun ay muntik na niyang makalimutan. Kung hindi pa inabot sa kanya ni Javi ang isang gold envelope."Yan ang invitation para sa cultural presentation mamaya," seryosong wika ni Javi. "Please don't be late, dahil pupunta ang mga taga-Philippine Embassy mamaya pati na si Ambassador."
"O-okay... sure." Oh my God. Yun pa pala!
"Gusto mo bang sabay na tayong pumunta dun?" Nagulat si Millenn sa sinabi ni Javi.
"No. I mean, may aasikasuhin pa kasi ako mamaya," dahilan niya. Pero ang totoo, tatakbo uli siya sa mall. Kailangan niya ng isa pang damit para mamaya dahil halos puro jeans ang dala niya-- at ang nakalagay sa invitation ay formal attire. "Don't worry, hindi ako mali-late."
Tumango lang si Javi, saka umalis na. Halos tumakbo palabas ng hotel si Millenn-- kailangang makapag-shopping siya, pronto!
"JUST in the nick of time," narinig ni Millenn na komento ni Javi nang umupo siya sa tabi nito. Gusto sana niyang sagutin ang lalake pero pinili na lang niyang tumahimik. After all-- five minutes na nga lang naman at magsisimula na ang program.
"But you look nice," bulong pa ni Javi.
Nagulat si Millenn, bigla siyang napatingin sa katabi. Tama ba ang narinig niya? Pinuri siya ni Javi? Hindi na niya matanong ang lalake dahil nagsimula na ang opening number ng mga candidates. Napangiti na lang siya-- at least worth it ang pagmamadali niya kaninang makahanap ng maisusuot at ang biglaang pagpapaparlor.
Tatlong oras din ang itinagal ng program and the whole time ay conscious si Millenn dahil magkatabi sila ni Javi sa upuan. Hindi iilang beses na nagkakadikit ang kanilang mga braso at kamay pero pasimple lang ang dalaga. She could also smell his mild cologne the whole time. Kaya naman ganun na lang ang pasalamat niya nang matapos na ang palabas.
"Saan ka pupunta?" Napalingon si Millenn nang marinig niya ang boses ni Javi. Palabas na sana siya ng venue.
"Babalik na ako sa hotel," aniya. "Tapos na ang presentation, right?"
"Yeah, pero may cocktails pa for the delegates."
"Pagod na ako e." Totoo naman ang sinabi niya. She was really tired and mas gugustuhin niyang matulog kesa ngumiti at uminom ng wine kasama ang mga delegates at organizers.
"Paano ka babalik ng hotel?" tanong ni Javi. "Hindi naman aalis agad ang van na service natin."
"I'll just take a cab." Kumunot ang noo ni Javi sa sinabi niya.
"At this hour? Ikaw lang mag-isa?"
"Javi, sanay akong magtaxi mag-isa. It's alright." Totoo din ang sinabi niya.
Sa Pilipinas ay sanay siyang bumiyahe kahit hating-gabi o madaling-araw. Mag-isa lang din siya sa tinitirhang condo sa may Ortigas so talagang independent siya.
"Well, mukhang hindi ka naman magpapapigil-- I guess wala na akong choice," narinig niyang wika ni Javi. Lihim siyang nagpasalamat nang tumalikod na ang lalake at mukhang tumigil na.
Naglakad na palabas ng venue si Millenn. Ganun na lang ang gulat niya nang may humawak sa kanya sa may siko. Napaigtad siya-- daig pa niya ang nakuryente!
"Javi! Anong ginagawa mo dito?"
"Sasamahan kang umuwi." Seryoso ang itsura ni Javi.
"What? No, I'll be fine. Bumalik ka na sa loob," wika ni Millenn.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomanceMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.