"HAY naku, mas bakla ka pa sa akin," sermon ni Sasha sa kanya nang muli niya itong makontak. Sa wakas ay naikuwento na niya sa kaibigan ang lahat ng mga nangyari at ang kanyang dilemma. "Imagine, sa loob ng ilang araw ay dalawang lalake agad ang na-hook mo day!""Grabe ka naman magsalita. Para naman akong hooker niyan!"
"Hindi pa ba? Echos!" Natawa sa kabilang linya ang kaibigan niyang bading. "Pero seryosong usapan, sino ba ang matimbang sa kanila?"
"Hello! E di ba nga naglahong parang bula si Dale?"
"Pero hindi mo pa alam ang dahilan di ba? What I mean is- kung matimbang sa puso mo si Dale, of course you have to do something para hanapin siya at alamin kung ano ang dahilan niya. Kapalan mo na ang mukha mo day at bisitahin sa kampo ng mga amerikano. Alam mo naman kung anong unit siya, di ba?"
"O tapos?"
"E di kausapin mo. Everyone deserves a chance to explain, okay?" Bumuntong hininga muna si Sasha bago nagpatuloy. "Now, kung mas gusto mo naman si Javi, e di ipaglaban mo ang nararamdaman mo. To hell with other girls. Spend time with him. Huwag mong hintayin na yayain ka niya no. Ask him out! Mag-dinner kayo. Or mag-coffee. Hello, nasa South Korea kayo. Explore the city!"
"Hindi ba nakakahiya?"
"Potah ka, ngayon ka pa mahihiya? Lalo na kay Javi? E me nangyari na nga sa inyo no! Tigilan mo na ang pa-girl diyan, hindi bagay!"
Natawa din siya sa tinuran ng kaibigan. Oo nga naman. Ngayon pa ba siya aatras?
"Hay naku, sige na nga. Kakapalan ko na ang mukha ko! Susundin ko na ang payo mo. Tutal nga naman, nandito kami sa ibang bansa," aniya, at sinundan iyun ng hagikhik.
"Basta mars, follow your heart! Go for gold!"
FOLLOW your heart. Yun ang pilit niyang sinasabi sa sarili habang naglalakad patungo sa kuwarto ni Javi. Katatapos lang niyang maligo at feeling niya, ang ganda-ganda niya kaya malakas ang loob niya.
Pero pagliko niya ng hallway ay may narinig siyang boses ng babae- bigla siyang natigilan at nagkubli. Sumilip muna siya at ganun na lang ang shock niya nang makita niyang palabas ng kuwarto ni Javi si Lucia-- at nakatapis lang ito!
OH MY GOD!!! Napanganga si Millenn, daig pa ang binuhusan sa ice bucket challenge! Nanigas siya! Kitang-kita niya na nagtip-toe pa si Lucia habang pabalik ito sa sariling kuwarto!
Millenn was torn. A part of her wanted to go to Javi's room at suntukin sa mukha ang lalake. Actually 80 percent ng utak niya ay ganun ang gustong gawin. Ang 15 percent naman ay pilit na nagpapakahinahon at naghahanap ng logic-- baka may ibang explanation pa. The other 5 percent-- well, gusto niyang isipin na panaginip lang ang lahat. Naramdaman niyang nanginginig ang mga paa niya at hindi niya iyun maihakbang. Saka tumunog ang cellphone niya. Si Javi ang tumatawag.
The height ng kakapalan! Gusto nang sagutin ng dalaga ang phone at murahin ang lalake-- mabuti na lang at malakas pa ang self-control niya-- dinedma niya ang tawag. Kahit mahirap ay pinilit na lamang niyang makapaglakad pabalik sa sariling kuwarto. Kung masakit ang ginawa sa kanya ni Dale, triple ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na yun dahil kay Javi.
Kakahiga lang niya sa kama nang makarinig ng katok sa labas ng pinto. Ayaw sana niyang bumangon at hayaan lang ang pinto pero may narinig siyang boses ng babae at tinatawag siya.
"Millenn? You there? Millenn??" Dali-daling bumangon ang dalaga at binuksan ang pinto. Ganun na lang ang gulat niya nang makita kung sino ang naghahanap sa kanya.
"Lucia?!" Bihis na ang babae pero basa pa rin ang buhok. "What are you doing here?"
Hindi makapaniwala si Millenn.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomanceMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.