KARARATING lang nila ni Javi mula sa COEX Mall. May mga last-minute shopping kasi siyang ginawa para sa mga pasalubong. Pagpasok nila sa lobby ng hotel ay narinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan."Millenn!"
Napalingon ang dalaga sa pinanggalingan ng boses. Agad na nanlamig ang katawan niya nang makilala kung sino ang nakatayo sa may waiting area ng lobby.
"D-Dale!" nagawa niyang sambitin ang pangalan ng lalake. Agad itong lumapit ito sa kanya at yumakap-- nataranta tuloy siya dahil katabi niya si Javi!
"God, I miss you," diretsang wika ni Dale. "How are you baby?" Gusto nang lumubog ni Millenn sa kinatatayuan. Kung bumuka ang lupa ng mga oras na yun at nilamon siya, baka ikinatuwa pa niya. Dahil pagtingin niya kay Javi ay madilim ang mukha nito-- he that pained look in his eyes at mas siya ang nasaktan para sa lalake.
She wanted to hug Javi-- gusto niyang sabihin sa lalake that it was alright. Gusto niya itong ipakilala kay Dale pero hindi niya alam kung mag-ano sila. Natakot siyang mapahiya.
"I... I'm okay..." nasabi ni Millenn nang makakalas sa yakap ni Dale. Saka lang niya nakitang may cast ang isang kamay ng lalake. "What happened to you? How are you?"
"My troop and I had an accident. I can't tell you the details but I was in the hospital for several days. I was only discharged this morning. I wanted to see you right away that's why I'm here."
Naantig ang puso ni Millenn sa tinuran ni Dale. Kalalabas lang pala nito sa ospital at siya agad ang naisip na puntahan. Binalingan niya si Javi para magpaalam na kakausapin si Dale pero wala na ang lalake. Nakita niyang nasa elevator na ito at pasakay-- bitbit ang mga pinamili nila.
"Can we go to the hotel's cafe and talk?" Narinig niyang wika ni Dale.
"I'm going back to the Philippines tomorrow," biglang nasabi ni Millenn.
"I know. That's why I want to talk to you. Please?"
Hindi na nakatanggi ang dalaga. Niyaya niya si Dale sa coffee shop ng hotel para makapag-usap sila. Of course she wanted to tell the guy na may nagmamay-ari na ng puso niya but she didn't have the strength para sabihin yun. Not after Dale's effort na mapuntahan siya.
Ngayon lang din naman may nagpahalaga ng ganun sa kanya. And she was really touched. Ang kaso, paano pa niya masusuklian kung ano man ang nararamdaman sa kanya ni Dale?
"So what have you been doing? Tell me." Umupo si Dale sa tabi ni Millenn.
Hindi agad nakasagot ang dalaga. Habang tinitingnan niya ang lalake ay hindi niya napigilang mag-isip-- kahit kalalabas lang nito ng ospital ay guwapong-guwapo pa rin.
Like a movie star. Pero agad din niyang naisip si Javi- na equally good looking, kasundo niya at nakasama ng mas malalim kesa sa pinagsamahan nila ni Dale.
"I've been busy with activities. I've been going out," na totoo naman. Hindi niya alam kung bakit natatakot siyang magsabi kay Dale na si Javi ang kasama niya lagi.
"Did you miss me?" Bahagyang lumapit si Dale sa kanya at pasimpleng umakbay.
"W-well... of course." Nati-tense na si Millenn. Natatakot siyang baka biglang bumaba si Javi at makita siya. Between Javi and Dale, alam na niya kung sino ang pipiliin.
"I miss you more. You just don't know how much. I was going crazy in the hospital thinking about you. I wanted to call you but I was not allowed to use the phone." Hinigpitan pa ni Dale ang pag-akbay sa kanya.
Oh my gosh. Gusto nang umiyak ni Millenn. Bakit ganito ang sitwasyon niya? Dati wala siyang lovelife-- ngayon naman dala-dalawa pa. Ang bigat sa pakiramdam dahil ayaw niyang may masaktan! Lalo siyang nawindang nang mapatingin sa may pinto ng cafe. Naroroon si Javi at nakatingin sa kanila ni Dale. Agad na kumalas si Millenn sa pagkakaakbay sa kanya ni Dale.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomanceMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.