MAY thirty minutes na yatang nakalabas ng kuwarto si Millenn pero nakaupo pa rin sa gilid ng kama si Javi. Hawak pa rin niya ang damit na kanina lang ay hinablot kay Millenn.He didn't mean to drive her away. In fact, lahat ng sinabi niya kanina sa babae ay kabaliktaran ng tunay na nararamdaman ng puso niya. He wanted her to stay and be with him pero laging nagfa-flashback sa utak niya ang eksena sa cafe shop ng hotel-- na magkayakap sina Millenn at Dale. It wasn't just a hug... it was something else- and he saw that same intimacy before- kay Claire with another man.
Hindi naman agad nagbreak sina Javi at Claire nang magtungo sa California ang babae para mag-college. Like other young couples, naniwala silang kaya nilang magsurvive sa long distance relationship-- after all, may emails naman, may chat at may mobile phones. Magtatatlong buwan na noon sa California si Claire nang magdesisyon si Javi na sorpresahin ang babae. One week kasi siyang walang pasok sa school at may tita naman siya sa California, plus he was already almost 16 that time kaya napapayag niya ang mommy niya. Everything was set-- bumili pa siya ng flowers and chocolates on his way to Claire's dorm sa loob ng campus. Pero pagdating niya doon ay nakita niya si Claire na may kausap na lalake-- akala niya ay kaklase lang. But when the guy kissed Claire at yumakap pa ang girlfriend niya sa lalake-- he lost it. Sinugod niya si Claire at sinumbatan-- muntik pa silang magsuntukan ng lalake na boyfriend na pala ni Claire. He almost ended up in jail, kung hindi lang nakiusap si Claire sa university i-drop ang charges.
Pagkatapos ng insidenteng pinutol na niya lahat ng komunikasyon kay Claire-- lahat ng may kaugnayan sa babae ay kinalimutan niya. It was painful because Claire was his first love and she broke his heart. At ngayon ay nararamdaman na naman niya ang pamilyar na sakit-- like he was a teenager again.
Napatingin si Javi sa hotel phone. Gusto niyang tawagan si Millenn pero hindi niya magawa. What if sabihin ni Millenn sa kanya na si Dale naman talaga ang pinili nito dahil ang lalake ang nauna. Hindi yata niya kakayanin. Mas gugustuhin niyang isipin ni Millenn na matigas siya-- kesa malaman ng babae na nasasaktan siya.
Finally ay tumayo si Javi at kinuha ang plane ticket na katabi lang ng hotel phone. Tiningnan niya iyun at tila napaisip. Then he started moving around the room para tapusin ang ginagawang pag-e-empake. After all, he has a plane to catch.
READY na ang mga gamit ni Millenn at kung tutuusin ay puwede na siyang bumaba sa lobby pero nakaupo pa rin siya sa couch. Hindi pa rin kasi matapos-tapos ang pag-iyak niya. Nabi-buwisit na rin siya sa sarili. Namamaga na ang mga mata niya- para siyang napalaban ng 12 rounds sa boxing!
Lalo siyang nalungkot dahil kahit saan siya tumingin sa loob ng kuwarto ay naaalala niya si Javi. Ngayon pa lang ay nami-miss na niya lahat ng mga oras na magkasama sila sa loob at labas ng kuwarto. Kung hindi pa tumunog ang alarm clock niya sa phone ay hindi pa siya titigil sa kaka-senti.
This is silly. Kahit lumuha ako ng isang balde, kung ayaw na niya sa akin, wala akong magagawa!
Kahit mabigat pa ang dibdib ay tumayo siya at inayos ang sarili. Naghilamos siya sa banyo at nilagyan ng face towel na may ice ang mga mata para kahit papano ay mabawasan . Bitbit ang mga gamit ay muli niyang tiningnan ang kanyang hotel room, na naging saksi sa pagsasama at masasayang sandali nila ni Javi. With a heavy heart ay isinara na niya ang pinto at bumaba.
Bago mag-alas onse ay kalmado nang nakaupo sa loob ng van si Millenn. Walang bumabang Javi mula sa hotel. Paalis na ang van nang magtanong ang dalaga sa driver nila.
"Excuse me, I think we still have one passenger."
Tiningnan ng driver ang listahan na ibinigay ng organizers- saka tiningnan ang mga pasahero ng van. Saka bumaling sa kanya.
"No more passenger," anito.
"But my... friend is not here yet. We're flying back to Manila together."
"You mean, Mr. Javi Miller?" sabad naman ng kanilang coordinator na maghahatid sa kanila sa airport. "He sent a word a while ago that he cancelled his flight back to Manila. He decided to fly to Hong Kong instead."
Nagulat ang dalaga sa nalaman. Hong Kong? Anong gagawin niya doon? Binago na pala ni Javi ang flight details at hindi na siya inabisuhan. Ibig sabihin ay ganun na lang ang galit sa kanya ng lalake at ni ayaw na siya nitong makasabay sa pagbalik sa Pilipinas.
Napaiyak na naman si Millenn. Nang bumaba na silang mga delegates sa Incheon International Airport ay sisinghot-singhot siya-- akala tuloy ng ilang Korean officials ay gusto pa niyang mag-extend ng stay sa Korea!
"Don't cry, you can always come back!" wika pa sa kanya ng isa. Tumango lang siya, saka mabigat ang loob na sumakay ng eroplano.
Mabuti nalang at wala siyang katabi dahil wala na naman siyang ginawa kundi umiyak ng umiyak sa kanyang entire flight. Mukha tuloy kinagat ng mga bubuyog ang mga mata niya nang lumapag ang eroplano sa Maynila!
SI SASHA ang sumalubong sa kanya sa airport. Agad siya nitong tinalakan nang makitang namamaga ang mga mata. Luka-luka daw siya! Pero kahit pinagalitan siya ng kaibigan ay thankful siya dahil nakapaglabas siya ng sama ng loob. Kasaluyan silang nasa EDSA, at si Sasha ang nagda-drive.
"Day, natural lang na nasaktan si Javi sa nakita niya no," komento ni Sasha nang marinig ang kuwento niya.
"E wala naman kaming ginagawang masama ni Dale. Nag-uusap lang kami."
"E di ba sabi mo nakaakbay sayo si Dale nang makita kayo ni Javi?" napatingin sa kanya ang kaibigan. Tumango siya. "Siyempre nagselos na yun!"
"Paano siya magseselos e ni hindi ko nga alam kung boyfriend ko siya or what. Wala siyang sinasabi!"
"Ay naku day, pupusta ako, mahal ka nun kaya nagselos ng todo!"
"Sigurado ka mars?"
"One hundred percent mare."
"Sana magdilang anghel ka."
"Kapag nagkatotoo ang sinabi ko, ilibre mo ako sa Hong Kong!"
Yun lang at nagkatawanan silang magkaibigan.
MAHIGIT one week na sa Pilipinas si Millenn pero wala pa rin siyang naririnig mula kay Javi. In fact, gusto na niyang mag-give up.
"Charge it to experience na lang," walang gana niyang tinusok ng tinidor ang maliit na slice ng blueberry cheesecake na nasa harapan. Nasa cafeteria sila ng mga oras na iyun dahil coffee break.
"Gaga, huwag mo namang ibuntong sa walang kalaban-labang cheesecake ang hinanaing mo kay Javi," ani Sasha na inagaw ang platitong naglalaman ng cake. "Dinurog durog mo o."
"Sa tingin mo nakabalik na kaya sa Manila si Javi?"
"Aba, malay ko. Ako ba secretary niya?"
"That's it!" napatayo si Millenn. "Tatawag ako sa secretary ng magazine nila para tanungin kung dumating na siya!"
"Tatawag ka sa office ni Javi?" hindi makapaniwala si Sasha.
"Sabi mo sakin dati, follow your heart. Yun ang ginagawa ko. Ang utos ng puso ko, hanapin siya."
"Well, good luck."
Pagbalik nga nila sa office ay agad na hinanap ni Millenn sa directory ang office number ng BOUND Magazine. Mabilis naman niyang nakontak ang operator at nakuha pa niya ang local number ni Javi. Pero hindi ang lalake ang nakasagot sa phone kundi isa sa mga editorial assistants.
"Wala pa po si Sir Javi e."
"Nasa Hong Kong pa rin?" Nalungkot ang dalaga sa narinig.
"Ay hindi po. Dumiretso po siya ng US."
"US? As in United States...... of America ba?"
"May iba pa ho bang United States?" Pilosopo ang editorial assistant! Pero hindi na siya pinatulan ni Millenn.
"H-hanggang kelan siya doon?"
"Wala pa pong advise e. Baka one month."
Shit Javi. Bakit mo ako iniwan?!! Gusto na niyang maglupasay at umiyak. Kung wala lang siya sa office at nasa bahay lang, baka kanina pa siya umatungal.
BINABASA MO ANG
MY HEART AND SEOUL
RomanceMinsan, ang pag-ibig ay isang bonggang paglalakbay. Available in National Bookstore, Precious Pages Bookstores and Bookware Office.