Lingid sa kaalaman nina Jake at Nessa ay nagduda ang papa ni Nessa sa totoong pagkatao ni Jake. Nakita kasi nito ang malaking tattoo sa binti nito at ang malaking peklat sa braso nito. Kaya naman ay tinawagan niya ang kumpareng regional director ng PNP sa region 7. Napag-alaman niyang tama nga ang hinala nito kay Jake at may mga heneral na nagpoprotekta rito pero di na muna siya nagsalita. Oobserbahan na muna niya ito.
Gaya ng napag-usapan nila ni Vanessa, bumalik si Jake uli kina Vanessa para makifiesta. Kasama niya sina Dwight at Niko. Sa bahay sila nina Nessa nananghalian. Kinahapunan, nagtungo sila sa bahay nina Jeff.
"Pre, tuloy kayo," sinalubong sila ni Jeff nang makarating sila sa bahay nito. Iginiya sila papasok sa kabahayan.
"Nessa, yan na ba ang boyfriend mo?" nakangiting sabi ng isang ginang nang makapasok sila. "Opo, siya na po tita. Langga, ito nga pala ang mama ni Jeff. Tita, si Jake," pakilala niya. Nginitian siya ng ginang. "Nice meeting you po, tita," sabi niya. "Eto naman sina Dwight at Niko," pakilala ni Vanessa sa dalawa. "Hello po!" sabi ng dalawa. "Sige, mga hijo, maupo muna kayo. Ihahanda ko lang ang mesa," sabi ng ginang. "Sige po," sabi ni Jake. Tapos iniwan na sila ng ginang.
Nagkwentuhan naman sila habang naghihintay sa pagkain. Nang may babaeng bumaba mula sa ikalawang palapag at may dalang super cute na little girl. Agad na tumakbo sa kinaroroonan nila ang bata.
"Tita Mommy!" bakas sa mukha ng bata ang excitement nang makalapit ito sa kanila. Pinangko ito ni Nessa at pinugpog ng halik. "How are you baby Jesse?" tanong ni Vanessa sa bata. "I'm fine tita mommy and I miss you," malambing na sagot ng bata. "I'm miss you too baby Jesse," then they hug.
Si Jake naman ay naaliw habang pinapanood ang lambingan ng mag-tita. Naisip niyang magiging isang mabuti at mapagmahal na ina si Nessa balang araw. Napangiti siya sa naisip. Mas lalo niya itong hinangaan at minahal dahil sa nakikitang ugali ng katipan.
"Siya nga pala guys, eto si May, kapatid ni Jeff," pakilala ni Nessa nang makalapit sa kanila ang babaeng may dala ng bata. "Hi May! I'm Niko," pakilala nito at inilahad ang kamay. Nahihiyang inabot ni May ang kamay ni Niko. "Ako naman si Dwight," singit din ni Dwight at ito naman ang nakipagkamay kay May. Nginitian ni May ang mga ito. "Insan, eto naman ang langga ko, si Jake," pakilala din ni Nessa.
"Mommy! I'm hungry!" nagulat pa si Niko nang tawagin si May ng bata ng mommy. "Married ka na?" di mapigilang tanong ni Niko. "Ah, eh...hindi. Single mom ako," nahihiyang saad ni May. "Buti naman," sabi ni Niko. "Huh?" nagtatakang-sabi ni May. Binatukan naman ni Dwight si Niko. "Wag mo na lang siyang pansinin May," sabi ni Dwight.
May nodded. "Let's go baby," tawag ni May sa anak. Umalis naman sa pagkakandong ni Nessa ang bata at kumapit na sa kamay ng ina. "Iwan ko muna kayo ha?" sabi ni May tapos umalis na ito.
"Ang ganda niya! Bulag siguro ang tatay ni Jesse at iniwan niya si May," sabi ni Niko nang matapos ikwento ni Jeff ang nangyari kay May. "Buti pare di mo inupakan," baling naman ni Niko kay Jeff. "Di na. Mas lalo lang kasing lalala ang sitwasyon," sagot ni Jeff. "Aba! Tinamaan ka yata kay May ah!" tudyo naman ni Jake. "Ewan. Basta there's something in her and I wanna find it out by myself...soon," nakangising saad ni Niko. Binatukan naman ni Dwight si Niko. "Di ka na nahiya! Andiyan si Jeff oh!" sabi ni Dwight. "Nagsasabi lang ako ng totoo," depensa naman ni Niko.