Kinabukasan nga ay nagtungong Cebu si Jake para ibigay ang remittance niya at para mabayaran na rin niya si supremo sa utang niya na isang milyon.
"Ba't binayaran mo na agad ako ng buo? Di pa naman kita sinisingil?" usisa ni supremo. Nasa pribadong opisina sila ni supremo. Silang dalawa lang ang naroroon. "Mabuti na po yung malinis na ako sa'yo at wala ng akong aalalahanin," pagdadahilan niya. He silently wished na sana di mahalata ni supremo ang plano niyang pagtiwalag. "Ikaw ang bahala, basta kung nagigipit uli ka, wag kang mahiyang magsabi sa'kin," sabi ni supremo. "Opo, salamat supremo," tugon niya. "Mabuti at ikaw yumg pumunta rito, tamang-tama at ipapakita ko sa'yo ang bagong produkto natin," sabi ni supremo at sinenyasan siyang tumayo. Lumabas sila ng opisina.
Sa lab sila nagtungo. Isang malaki at magarang bahay ang lab ni supremo na nakatayo sa loob ng isamg subdivision. Magandang front iyon para di paghinalaan na may ilegal na nagaganap sa loob niyon. "Eto na yung bago nating produkto," sabi ni supremo sabay pakita ng isang paketeng may lamang powder na pink. "Pink?" takang-tanong niya. "Shabu ito na may halong coccaine kaya naging kulay pink. Sinadya namin yan para di makilala agad ang produkto natin," paliwanag ni supremo. Napatango lang siya. Matalino nga tong si supremo. Kung titignan mo kasi ang powder, di ka maghihinala na bawal na gamot iyon dahil sa kulay nito. "Ano, kukuha ka ba nito o yung dati pa rin?" tanong ni supremo. "Siyempre, kukuha ako niyan. Tiyak mas bebenta yan kesa sa dati," sabi niya. Siyempre, kukuha pa rin siya para di malaman ni supremo ang plano niya. Paunti-unti lang ang gagawin niyang hakbang para di mahalata nito ang binabalak niya. Alam niyang paghihinalaan siya nito sa oras na di siya kumuha ng droga.
"Kanor! Ihanda mo na yung dadalhin ni Jake," utos nito sa isang tauhan nito. "Opo, supremo," sagot nito at agad na ginawa ang ipinag-uutos ng amo. Ilang sandali lang ay handa na ang lahat kaya nagpaalam na rin siya kay supremo. "Ingat sa biyahe Jake!" tinapik pa nito ang balikat niya. Tumango lang siya tapos umalis.
Nasa pier na siya nang tumawag si Vanessa. "Langga, napatawag ka?" tanong niya. "Bakit langga? Bawal na ba kitang tawagan?" nagtatampo agad ito. Na-iimagine niya ang mukha nitong nakasimangot. Napangiti siya. "Wag na magtampo langga, sige ka, baka papangit ka niyan!" pananakot niya rito. "Hmp! Langga naman eh! Bilhan mo ako ng ampaw at dried mangoes ha?" sabi nito. "Oo naman, sige langga, bye na at bibili pa ako ng pasalubong mo. I love you!" paalam niya. "I love you too langga!" tugon nito tapos nawala sa kabilang linya.
Nagtungo siya sa area kung saan may nagtitinda ng mga delicacies. Bumili siya ng ampaw at dried mangoes at sinamahan na rin niya ng otap. Tapos nun ay nag-check in na siya dahil ilang minuto na lang ay boarding na. Pero di katulad ng ibang ordinaryong pasahero, di na chineck ang luggage niya at di na rin siya pinadaan sa may scanner. May mga tao din naman silang kasabwat doon.
Pagkatapos ng dalawang oras na biyahe ay nakabalik na siya ng bohol. Fast craft kasi ang sinakyan niya kaya madali lang ang biyahe. Si Mark ang nagsundo sa kanya. Nakita niya ito sa may waiting area.