"Good morning langga!" Vanessa sweetly greeted Jake. "Mas maganda ka pa sa umaga langga," tugon niya sabay tanggal ng helmet at bumaba sa motor. "Bolero ka talaga," natatawang saad ni Vanessa. "Di ah! Totoo yun!" sabi niya sabay yakap sa nobya. Ginawaran niya ito ng halik sa noo. Vanessa gasped for she can smell his sexy manly scent which goes through her and gives her a different kind of sensation. She cleared her throat to calm herself.
"Langga, hinihintay na tayo ni tita. Sabay na daw tayo sa kanilang mag-agahan," sabi ni Vanessa. "Langga naman, nakapagluto na ako ng breakfast natin. Sayang yung effort ko," tampu-tampuhan niyang sabi. "Next time na lang langga, tsaka uuwi na rin ako dahil hinahanap na ako nina mama kaya pagbigyan na natin ang gusto ng mama mo," pangungumbinse nito. He sighed. "Ano pa nga ba. Tara na nga, gutom na din ako langga," sabi niya. Tapos umangkas sa motor. "Sakay na," sabi niya.
"Ha? Eh¡ª" bahagya pang nag-alinlangan si Vanessa di dahil sa ayaw niya kundi dahil sa dami ng emosyong nadarama nito ngayon. It feels like a dream come true. Riding on his motorcycle will be so great! Kilig much!
"Langga," pukaw niya rito dahil di pa rin ito kumukilos. "Ha? Oo, aangkas na ako," sagot nito at lumapit na sa motor. Inalalayan naman niya itong makasakay dahil alam naman niyang mahirap umangkas dun sa motor niya lalo na at ang laki pa ng motor niya. "Yakap ka langga para di ka mahulog," sabi niya nang makaangkas ito. Maliit lang ang kasi ang upuan nun. Buti na lang at slim si Vanessa kaya nagkasya sila. Naramdaman naman niyang yumakap ito mula sa likuran niya kaya pinaandar na niya ang motor. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa bahay.
"Hija, hali na kayo rito," yaya ng papa ni Jake nang makapasok sila sa bahay ng mga ito. Dumiretso na kasi sila sa hapag-kainan nang pumasok sila. Nadatnan nga nila doon ang mga magulang ni Jake na kumakain. "Asan sina Jennica ma?" tanong ni Jake habang ipinaghihila niya nang upuan si Vanessa. "Maagang umalis ang mga kapatid mo. Si James lang ang naiwan. Tulog pa," sagot ng mama niya.
Ok naman yung breakfast nila. Mas lalong nakilala ni Vanessa ang family ni Jake at mas lalong humanga sa nobyo nang malaman nito ang hirap para maitaguyod ang pamilya at mai-ahon sa hirap. But of course, they lied about his real job. Ayaw naman ng parents ni Jake na sa kanila manggaling ang totoo. Gusto nilang si Jake mismo ang magsabi sa dalaga.
Pagkabalik nila sa bahay ni Jake ay gising na si Maxi. "Saan ba kayo nagpunta? Hungry much na aketch eh," sabi ni Maxi. "Sorry bakla. Nagtungo lang kami sa kabilang bahay, ang house ng parents ni Jake. Inimbitahan kasi ako ni tita na doon mag-agahan," sabi ni Vanessa. "Ganun? Hinayaan niyo lang akong maguton rito," pagmamaktol nito. "Sorry na Maxi," tinabihan ito ni Vanessa. "May niluto naman akong almusal Maxi, andun na sa mesa," singit ni Jake. "Ok," tugon nito sabay tayo at nagtungo sa kitchen.
Habang kumakain si Maxi ay nag-uusapa naman sina Vanessa at Jake. Nakaakbay pa si Jake sa katabing nobya.
![](https://img.wattpad.com/cover/20969705-288-k341413.jpg)