Tamang-tama lang pagdating nina Vanessa sa bahay nila Jake dahil kakasimula lang ng pagdiriwang. Actually, kanina pa sana sila dumating pero naligaw kasi sila eh. Tago kasi ang lugar ni Jake at mahirap hanapin. Mabuti na lang at kilala si Jake sa buong Panglao at madami ang nakakapagturo kung saan ang bahay nito.
Namangha pa si Vanessa dahil sa lawak ng lupain ni Jake nang makapasok sila. Lalo siyang namangha nang makakita siya na may maraming puno ng mangga ang buong lugar at may mga sampalok pa na hitik na hitik sa bunga. Natakam siya bigla.
Napalingon naman si Jake nang may humintong kotse sa garahe nila. He was happy when he saw Vanessa coming out from the car. He was quite stunned in her beauty. She looks deadly gorgeous and sexy in that strapless sweetheart neckline body-hugging mini dress plus the black strappy stilletto heels.
"Hi Jake! Are we late?" nakalapit na pala si Vanessa sa kanya. Di man lang niya ito namalayan dahil na stunned siya sa kagandahan nito. "No. Tama lang naman ang dating niyo. Kakasimula pa lang naman. Hali na kayo." He ushered them to his lawn where the party is being held.
Pinaupo naman niya ang mga ito sa isang bakanteng mesa. Ang pamilya naman niya ay nagtatanong ang mga tingin ng mga ito dahil sa mga kasama. He'll just introduce her to his family later.
"Enjoy yourselves guys, kuha lang kayo ng foods doon sa buffet table," sabi niya. "Sige Jake, salamat," sabi ni Vanessa.
Andaming tao ang dumating sa handaan and of course, the place is lively with the sound of music being played by the dj.
"Bigatin talaga tong si Jake tsaka di tulad ng ibang mayayaman na maarte. Tignan mo, may mga ordinaryong tao naman silang mga bisita," sabi ni Rosebud habang nakatingin sa kabilang panig kung saan naroroon ang tinutukoy nito. May mga halaman lang na nagpapahiwalay sa mga mesa nila mula dun sa kabila. Sa kinaroroonan naman nila ay yung mga imbitado talaga at close sa pamilya ni Jake. Pansin din niyang parehas lang ang foods nila doon sa kabila which means na pantay talaga lahat.
"Guys, pwede bang mahiram si Nessa sandali?" tanong ni Jake nang bumalik ito sa mesa nila kaya napatigil sila sa pagkain. "Sure!" agad namang tugon ni Jeff. Tapos inilahad ni Jake ang kamay niya at inabot naman iyon ni Vanessa. Inalalayan niyang makatayo ang dalaga.
"Where are we going?" takang tanong ni Vanessa. "Ipapakilala kita sa parents ko," sagot ni Jake. "Jake, nahihiya ako eh ," sabi naman nito. "Ba't ka naman mahihiya? Sa ganda mong yan," pampalakas-loob niya.
Tumaba naman ang puso ni Vanessa sa sinabi ni Jake pero at the same time, kinakabahan din siya baka di siya magustuhan ng parents ni Jake. Naipilig niya tuloy bigla ang ulo dahil sa iniisip. Ba't nga ba siya nag-aalala na di magustuhan ng parents nito eh, di naman sila magboyfriend. She let out a sigh.
"Ma, Pa...si Vanessa nga po pala," pakilala ni Jake sa kanya nang makalapit sila sa table na kinaroroonan ng mga magulang at kapatid nito. "Hello po tita, tito," bati ni Vanesssa. Nginitian lang siya ng mama ni Jake. "Kay ganda mo naman hija," ang sabi ng papa ni Jake. "Salamat po!"