Kinabukasan, kausap na niya ang contractor na kinuha niya para gawin ang race track niya. They discussed kung ano ang magiging disenyo ng race track at kung gaano kalaki at kataas ang mga humps na gagawin. Siyempre, wala siyang kinakatakutan at gusto niya ng extreme adventure, he decided to make 15 feet high humps and for the finale hump, he made it 20 feet.
Ngayong araw din mismo sisimulan ang paggawa ng race track niya. The construction men cleared the area first.
Siya naman ay pa-inom inom lang ng wine habang nakaupo sa isa sa mga cot under the mango tree at naka shades pa to hide his red eyes. Nasa ganoong ayos siya ng lumapit ang pinsan niyang si Dwight.
"Insan," tinapik siya ni Dwight sa balikat. "Kumusta ang lakad kagabi?" tanong nito sabay upo sa katabing cot. "Ok lang," tugon niya tapos kumuha ng isang wine glass at sinalinan iyon. Tapos ibinigay iyon kay Dwight. "Ang aga nito ah. For sure, ito almusal mo," nakangising saad nito. Kilalang-kilala na talaga siya ng pinsan niya. Alam nitong high na naman siya at walang ganang kumain.
"Ikaw, nag-agahan ka na ba?" ganting tanong niya. "Oo, tapos na."
"Jake, anak!" tawag ng mama niya. Nilingon niya ito. "Punta na akong grocery para mamili ng handa para sa birthday ni Jennifer," sabi ng mama niya nang makalapit ito sa kanya. "Teka lang ma, kuha lang ako ng pera," sabi niya at tumayo tapos pumasok sa bahay niya.
Kinuha niya ang isang pouch na nakakagay sa round table sa may sala. May laman iyong pera. Kumuha siya ng sampung libo. Para sa desserts at drinks na lang naman ang bibilhin ng mama niya dahil magpapakatay na siya ng apat na baboy para bukas pero magastos ang mama niya at kung ano ang nagustuhan ay bibilhin kaya malaki ang ipapadala niya rito. Nagbago kasi ang ugali ng mama niya mula nang guminhawa ang buhay nila dahil sa illegal niyang gawain.
"Ma, eto na po. Sino nga pala ang kasama niyo?" tanong niya. "Si James," sagot nito na ang tinutukoy ay ang nakababata niyang kapatid. "Sinong magbabantay sa shop?" tanong niya. Si James kasi ang inatasan niyang mamahala sa shop niya ng mga motor parts. Stable na ito at may tatlong branch na siya ng shop niya. "Madami ka namang tao eh. Tsaka andyan si Dwight, pwedeng siya muna ang tumao dun," sabi ng mama niya. "Wag na. Sige na, lakad na kayo. Yung pajero na ang gamitin niyo," sabi niya sabay hagis ng susi na kinuha niya mula sa bulsa ng shorts niya.
Naupo siyang muli sa cot pagkaalis ng mama niya. Nagsalin uli siya ng wine. Iinom na sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa at ini-unlock ang screen para malaman kung sino ang nagtext sa kanya. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya nang mabasa ang text.
Galing kasi kay Vanessa ang text at sinsabi nitong makakadalo ito bukas kasama ang pinsan nito. Nagreply siya kaagad tapos ibinalik sa bulsa ang cellphone.
"Ba't ka nakangiti diyan? Babae yun noh?" panghuhula ni Dwight. "Yeah," tipid niyang sagot. "Naku! Kawawa naman, may madadagdag na naman sa listahan mo," pa-iling iling pang saad ni Dwight. "Hindi, iba to eh! Gusto ko siyang seryosohin," sabi niya. "Talaga lang huh?" Dwight showed off a grin. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala!" Nagkibit-balikat lang si Dwight.
![](https://img.wattpad.com/cover/20969705-288-k341413.jpg)