"Pre, ingat ka diyan kay Stella, netibo yan galing Mindanao. Wala yang sinasanto," babala ni Salazar. Dito kasi si Jake nangalap ng impormasyon tungkol kay Stella. Di pa rin kasi ito tumitigil sa pagbabanta at pangungulit sa kanya. "Naman! Pre, babae pa rin yun. Di ako takot dun," sabi niya. "Pinaalalahan lang kita. Tsaka close talaga si Madam. Malay mo magsabwatan yung dalawa. Alam mo namang kakumpetensya mo si Madam. Ika nga nila two heads is better than one," sabi pa nito. "Kaya ko ang sarili ko pare. Sige, alis na ako," paalam niya. "Sige pre! Salamat sa regalo!" sabi pa nito sabay taas ng puting sobreng may lamang pera. Tumango lang siya tapos bumaba na.
Mabibilis ang hakbang niya pabalik sa kotse niya. Nag-aalala siya na baka mainip si Vanessa at maisipan nitong bumaba.
"Now, are you satisfied?" tanong niya nang makasakay uli siya. "Sorry langga," mahinang sabi ni Vanessa. "I'm sorry din langga kung nagalit ako sa'yo kanina," sabi niya sa mapakumbabang tono. "Bati na tayo?" malambing na tanong ni Nessa. "Oo naman, di kaya kita kayang tiisin," sagot niya. Niyakap naman siya ni Nessa. "Tara na langga, madami pa akong ipapaliwanag sa'yo," kumalas siya mula rito. "Ok!" Tapos pinaandar na niya ang kotse.
Nang makarating sila sa bahay ay nag-usap sila ng masinsinan.
"Langga, ewan ko kung matatanggap mo ba yung totoong ako. Ang sama ko kasi," panimula niya. Nasa kwarto sila ni Jake at magkaharap na naupo sa kama ng naka-indian sit. "Langga, lahat naman tayo nakakagawa ng mga mali. Di tayo perpekto," sabi ni Nessa. He took a long deep breath.
"Lahat ng karangyaang nakikita mo sa'kin, yung perang ginastos ko sa pag-aaral ng mga kapatid ko, lahat ng yun ay galing sa masama. Sa kagustuhan kong maihaon ang pamilya ko sa kahirapan, nagawa kong magbenta ng droga. Lahat gagawin ko para sa pamilya ko. Mahal na mahal ko sila at ayokong nakikitang naghihirap ang mga magulang ko kaya nagawa ko yun," paglalahad niya. Shocked naman si Vanessa sa mga narinig. Di niya alam kung ano ang dapat sabihin. Ina-analize niyang mabuti ang mga sinabi ni Jake.
"Langga, maiinitindihan ko kung ayaw mo na sa'kin. Basta, lagi mong tandaan, mahal na mahal kita langga," madamdaming pahayag niya. "Langga, tanggap ko kung ano ka. Alam kong mabuti kang tao. Naiintindihan kita kung bakit mo nagawa yun. Kita ko rin naman kung gaano mo kamahal ang pamilya mo," sabi ni Vanessa at pikit-matang niyakap ang kasintahan. Mahal na mahal niya ito na kahit nagulat man sa nalaman ay nakaya niya iyong tanggapin. Ganun kalaki ang pagmamahal niya para kay Jake.
Naramdaman na lang niyang nababasa na ang balikat niya kaya lumayo siya saglit. Sobrang touched niya nang makitang umiiyak si Jake.
"Langga, ang iyakin mo talaga," biro pa niya sa nobyo sabay pahid ng mga luha nito gamit ang daliri niya. He smiles then cups her face. "Sobrang saya ko lang dahil tanggap mo yung totoong ako," sabi nito. "Langga, kaya kitang unawain at tanggapin dahil mahal kita tsaka i know, mabuti kang tao. You even made me change for a better person. See, di na ako umiinom," pagko-comfort niya rito. "Salamat talaga langga. I was so scared dahil baka di mo ako matanggap. I love you so much langga!" Kita sa mga mata ni Jake ang sincerity at purity ng pagmamahal na inaalay nito sa kanya. "I love you too langga," tugon niya at siya na ang humalik rito na tinugunan naman nito.
Their kiss went deeper. Moments later and they find their selves in their birth clothes. Their gaze met with full of love and desire for eachother. They exchange sweet 'I love you's' before their body became one and dance to the rhythm of love where two people in love can only hear the magical music till they reach their paradise.
Lumipas pa ang ilang buwan at naging masaya sila sa isa't-isa. Nagkausap na rin sina Jake at ang papa ni Vanessa at tanggap nito ang totoong pagkatao ni Jake. Kita naman kasi nito kung paano mahalin at alagaan ni Jake si Vanessa. Pati sa family ng pinsan ni Nessa na si Jeff ay naging ka-close na din niya. Even Nessa's cute neice ay napalapit sa kanya at pinanindigan talaga ang pagiging daddy sa bata. Spoiled nga sa kanya si baby Jesse at kung ano ang gusto nito ay binibili niya kaya naman at daddy na rin ang tawag ng bata sa kanya. Masaya din siya dun dahil parang nagka-instant baby siya.
Si Stella naman ay wala yatang kapaguran sa paghabol kay Jake. Alam din yun ni Nessa at tinatawanan lang nila. Para sa kanila ay di isang threat si Stella sa relasyon nila.
"Hello," Jake coldly answered the caller from the other line. "Jake, pasyal naman tayo oh!" sabi ng nasa kabilang linya. "Hoy Stella! Wala ka talagang kadala-dala. Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na di kita gusto at hinding-hindi kita magugustuhan!" singhal niya rito. "Mahal kita Jake!" sagot naman ni Stella. "Baliw ka talaga! Pwede ba, lubayan mo na ako dahil ikakasal na kami ni Vanessa," sabi niya para lang matigil ito. Pero it was a wrong move dahil nagalit si Stella at pinagbantaan uli siya.
"Tandaan mo Jake, kung di ka rin lang magiging akin, pwes! Wala ding pwedeng magmay-ari sa'yo! Mas mabuti pang mawala ka na!" galit na galit si Stella. "Yan ka na naman sa baluktot mong paniniwala!" sagot niya. "Gusto mo ng sample ng kaya kong gawin Jake?" mapaghamong sabi ni Stella. "Suit yourself!" sabi niya tapos tinapos na ang tawag.
A day after Stella's call ay napatawag si Salazar sa kanya.
"Pare, napatawag ka?" bungad niya nang sagutin ni Jake ang tawag nito. "Pare, may problema, yung city police, nakagawa ng mapa sa lugar mo. Kabisadong-kabisado ang bawat pasikot-sikot diyan pati yung bahay mo ay kabisado rin. Alam din kung saang banda ang kwarto mo," pagbibigay-alam ni Salazar. "Pano mo nalaman? Sigurado ba yan?" di makapaniwalang-saad ni Jake. "Oo pre, tumawag sa'kin yung tao ko dun sa baraks," pagkumpirma nito. "Sige pre, salamat!" sabi niya sabay pindot ng end icon.
Napaisip siya kung sino ang may pakana nun? Kung sino ang traydor sa mga tao niya?
Lingid sa kaalaman ni Jake ay may isang tao siya na nabili ni Stella at yun ang ginamit nito para makapagbigay sila ng map sa lugar ni Jake.
Di rin nagtagal ay natagpuan ni Jake ang tarydor. Bugbog sarado ito sa kanya. Nasa isang bakanteng lote sila na malayo sa kabahayan.
"Pu**! Traydor ka!" sigaw niya sabay suntok sa sikmura ng lalaking traydor. Duguan na ang mukha nito habang hawak ito sa magkabilang braso ng dalawa pa niyang tauhan.
"Ano boss? Tirahin na natin yan! Dapat sa mga traydor, di na binubuhay!" galit na sabi ni Mark. "Wag na Mark. Di ako Diyos para kumitil ng buhay," pigil niya nang itutok ni Mark ang baril sa lalaking traydor. "Kaya ikaw, wag ka ng magpakita sa'kin!" baling niya sa lalaki tapos umalis. Sumunod na din sa kanya ang mga tauhan niya. Iniwanan lang nila ang lalaki sa bakanteng loteng iyon.