At the end of the race, si J ang champion. Sumunod rito ang ka teammate na si Niko.
After the awarding, nilapitan ni J sina Vanessa. She's really beautiful that he can't resist her charm. "Hi Nessa! Glad you came," he showed off his killer smile. "Naka plan na kaya ang pagpunta namin dito. I'm not here because you said to," pagtataray ni Vanessa.
"Congrats nga pala pare," singit ni Jeff nang mapansing nagtataray na naman ang pinsan. "Salamat. Inspired kasi andyan si Vanessa," he winked at her. "Eeww...corny!" She rolled her eyes. He just chuckled. "Sige, maiwan ko na kayo. Madami pa akong ililigpit," paalam ni J. "Sige," tugon ni Jeff. He glanced at her for the last time before he walks away.
Hinatid naman ng tingin ni Vanessa ang papalayong binata. "He's God damn hot in his armor," she thought. "Hoy! Ms. Tulala, wag pa-obvious," narinig niyang sabi ni Rosebud. Inirapan lang niya ito.
Nang makarating si Jake sa pinagkukumpulan ng ka grupo ay hinubad na niya ang suot na armor, pati ang jersey. Kaya nalantad ang lean yet sexy na katawan nito. May six pack abs din naman siya. May ilang tattoo din ang makikita sa torso niya but it looks sexy on him. Even on his back ay may malaki siyang tattoo. Actually, both his legs got some cool tattoo. Umupo siya sa front passenger seat ng ford niya ngunit nakabukas ang pintuan. Dumukwang siya at tinanggal ang suot na racer boots. Nang biglang may kamay na humaplos sa katawan niya.
Napatigil siya sa ginagawa at iniangat ang mukha. Nakita niya ang one of his girls na si Andrea. The woman is wearing a seductive smile.
"Darling, di mo man lang sinabi na dito kayo sasali ng motocross," sabi nito sabay upo sa lap niya. "Naging busy kasi ako darling," matamlay niyang tugon. "It's ok darling," sabi nito habang pinapagapang ang kamay nito mula sa mukha niya pababa sa leeg, sa dibdib hanggang sa tiyan niya. Agad niya iyong inawat. Wala siya sa mood na patulan ito ngayon dahil sobra siyang napagod kanina.
"Darling, I'm tired. Kailangan ko ng umuwi at nang makapagpahinga na ako," sabi niya at bago pa makapagprotesta ay hinapit niya ito sa bewang at siniil ng halik.
Habol pa nila ang mga hininga nila nang maghiwalay ang mga labi nila. "I'll wait for your call darling," malanding sabi ni Andrea tapos dinampian pa siya ng halik sa pisngi niya bago ito umalis.
"Grabe boss! Iba talaga ang karisma niyo pagdating sa kababaihan," sabi ng isa sa mga tao niya habang inaayos nito ang mga YZ motors niya sa likod ng truck. "Sira! Bilisan niyo na nga lang at nang makauwi na tayo," natatawa niyang saad at kumuha ng shirt mula sa bag niya at isinuot iyon.
Di naman nagtagal ay natapos na rin sa pagliligpit ng mga gamit at ng mga motor ang kanyang mga tauhan.