CHAPTER 1

36.9K 957 89
                                    


[John Axle's P.O.V.]

Dahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan ko sa harap ng school ng S.P.I.A. hindi ko na magawang ipasok pa sa loob ng school dahil nakaharang na ang mga estudyanteng nakabantay sa labas upang makita ako.

"Kyaahh! John Axle." Sigaw ng mga babae sa labas.

"Look that crazy girl kuya John Axle. She doesn't aware na may something  sa ilong niya. So eww!" Sabay irap ni Fritzie habang nasa loob kami ng kotse.

Magkasabay kasi kaming pumasok dalawa ni Fritzie Hanna dahil hindi pa siya pinapayagang mag dala ng kotse dahil wala pa itong disi-otso. Hindi kasi pumapayag si Mommy at Daddy na mag drive kung hindi ka pa disit-otso kaya naman madalas sumasabay sa'kin ang kapatid kong si Fritzie.

Tiningnan ko iyon at napangiwi ako nang makita ko ang tinutukoy ni Fritzie.

"Kasing dumi ng mukha niya ang nasa ilong niya." Sabi ko.

"True, so sagasaan mo na ang babaing 'yan dahil baka dumikit pa sa kotse mo ang something sa ilong niya. Go! Sagasaan mo na."

"Sure!" Pinaandar ko ang makina ng kotse upang magsilayo sila ng kaunti. Hindi ko naman sasagasaan tulad ng sinabi ni Fritzie.

Pagbukas ko ng pintuan ng kotse ko agad na nagsitakbuhan ang mga estudyante palapit sa'min ni Fritzie.

"Fritzie! Ang ganda mo." Narinig kong sigaw ng lalaki kay Fritzie.

Nang tingnan ko si Fritzie. Ang tamis ng ngiti niya na parang kanina lang ay inis na inis sa mga ito.

"Hi, every one." Mahinhing sambit ni Fritzie pagkatapos kumaway pa ito at ngumiti.

Sumimangot ako sa kanya. "Arte mo." Sabi ko sa kanya.

Matamis niya akong nginitian. "Of course, maganda ako kaya dapat akong mag-inarte."

Umiling-iling ako. Sino nga ba ang hindi maniniwala na masama ugali nitong bunsong kapatid ko. Natural na sa kanya ang mahinhing boses. Ang maamo niyang mukha at dimples na bumagay sa kanya dahil kahit tingnan ka lang niya para na siyang nakangiti dahil sa dimples niya. Kaya kahit numero uno siyang maldita sa school na ito hindi halata dahil maamo niyang itsura.

"John Axle."

Nakapameywang na lumapit si Fritzie sa tabi ko habang hinihintay ang tumawag sa'kin.

"Ang bebe mo kuya John Axle." Pang-asar na sabi ni Fritzie sa'kin.

Sumimangot ako. "Wag mong sirain ang araw ko Fristzie. Let's go!" Pagkatapos nauna akong naglakad kay Fritzie.

"Wait kuya!" Habol na sabi ni Fritzie.

"John Axle!" Muling tawag sa'kin ng babae. Hindi ko siya pinansin kung kaya't hinabol niya ako hanggang sa maabutan niya ako.

"Ang bilis mong maglakad." Habol hininga niyang sabi.

Mabilis kong pinagmasdan siya.  Nakasuot siya ng uniform ng pang tourism ngunit ang pagkakatahi ng palda niya ay saklaw sa standard uniform ng school. Sinadya niyang paiklian ang uniform niya. Ang kapal din ng make up niya akala mo ay nagtatrabaho sa mga mall.

"Do i look hot and sexy?" Nakangiting sabi niya. Napansin siguro niyang nakatingin ako sa kanya.

"Annabelle, youre very ambitious. Hindi lang makapaniwala si kuya na may panget na nilalang na nakapasok sa school namin." Pang-asar na sabad ni  Fritzie.

"My name is Shekainah not Annabelle." Lalapit pa sana ito kay Fritzie ngunit nagsalita si Fritzie.

"Subukan mong lumagpas ng isang dipa sa'kin mabubura yang make up mo. I'm sorry, but you look Annabelle. Ayaw mo no'n famous ka." Pailalim na tumingin si Fritzie kay Shekainah. "Famous devil and ugly creepy women." Sabay tawa ng malakas ni Fritzie.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon