CHAPTER 11

19.8K 693 52
                                    

[Miyukie’s P.O.V.]

“Manong para po!” Sigaw ko sa driver ng jeep.

Agad namang inihinto ng driver ang jeep sa tapat ng isang hospital.

“Salamat po.” Sabi ko pagkatapos bumaba ako ng jeep. Tirik na ang araw nang makarating ko sa lugar na ito dahil sa nagkaligaw-ligaw ako. Mabuti na lang at may mababait na tao ang tumulong sa’kin para makarating ng ligtas dito.

“Hayss! Bakit naman kasi kailangan ng Medical at HIV test? Sa school namin walang ganito.” Sabi ko habang naglalakad ako papasok ng hospital.

“Kuyang guard saan po ang HIV test?” Tanong ko sa security guard ng hospital.

Natigilan sa’kin ang security guard ng ilang saglit bagay na pinagtaka ko.

“Ano pong problema?” Ibang-iba kasi ang tingin niya sa’kin.

“W-Wala po ma’am.” Sabay iling nito.

“Saan po ang room ng HIV test?” Pag-uulit ko ng tanong.

“Diretso lang kayo diyan sa ika-apat na pinto.”

“Salamat po.” Sabay alis ko.

Hindi ko mapigilan magtaka nang makapasok ako sa loob ng room para magpatext ng HIV. Hindi ko kasi alam kung bakit nakatingin sila sa’kin. Sobrang ganda ko lang ba para hindi nila maalis ang mga tingin nila sa’kin.

“Miss carrier ka rin?” Tanong ng isang bakla sa’kin nakausot ng face mask.

Umiling ako. “Hindi magpapatest lang ako requirements sa school.” sagot niya.

Bakas sa mukha ng bakla ang pagkatataka sa sagot ko. Gusto ko sanang tanungin kung hindi niya naintindihan ang sinabi ko ngunit hindi naman kami close. Pangatlo ako sa mga nakapila para mapag test. Ang weird lang ng mga taong sa’kin sa interview dahil karamihan sa tanong about sa sex. Gusto ko na ngang sabunutan ang babae sa mga tanong niya kainis kasi.

Pangkatapos ng anim na  oras kong pag-aasikaso sa medical at HIV test ko sa wakas pauwi na rin ako. Habang naghihintay ako ng taxi biglang huminto sa harapan ko ang pamilyar na kotse.

“Hey! Ukie saan ka galing?”

Umarko ang kilay ko pagkatapos niyang ibigay ang address na ito para dito ako magpa medical tatanungin ako nakakaloko rin.

“Sa mars ang saya kaya do’n.” Sarcastic kong sagot sa kanya.

Pinagmasdan niya ako. “Mukha ngang galing kang mars para ka kasing alien.” Sabay ngisi nito.

“Ang yabang!” Pabulong kong sabi.

Binuksan nito ang pintuan ng kotse niya upang makasakay ako. “Get in!”

“Salamat.” Sabi ko.

“May napapansin ako sa’yo Ukie.” Sabi ni John Axle.

“Alam kong gumanda na ako.”

Tumawa siya. “Kahit kailan assumera ka. Hindi iyon ang napapansin ko sa’yo, wala na akong naamoy na mabaho sa kilikili mo.”

“Talaga! Mabuti naman at hindi mo na ako lalaitin.”

“Epektibo ba ang binigay ko sa’yong deodorant?”

“Siguro, pero kasi noong nag make over ako ilang beses siyang tinutusok-tusok ang sakit nga eh.”

“Good ‘yan para naman hindi ako mapapaaway sa’yo kapag nasa SPIA ka na.”

Tumingin ako sa kanya. “Hu? Bakit ka naman mapapaaway?”

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon