[Miyukie's P.O.V.]
NANGINGINIG ako sa lamig habang naglalakad ako sa gitna ng kalsada habang bitbit ang isang plastik na naglalaman ng mga damit at kaunting gamit ko. Basang-basa na ako habang sinasalubong ang malakas na ulan. Wala akong payong na maaring gamitin para sana hindi ako mabasa. Dahil sa ulan hindi na halata ang luha kong kanina pa pumapatak. Ako si Miyukie Menji labing siyam na taon gulang. Galing akong probinsiya at nangarap na makarating ng manila upang makahanap ng trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang nag-iisang kapatid kong lalaki na nasa edad apat na taon. Isang taon pa lang mula ng mamatay ang nanay ko sa sakit na cancer sa baga. Napakasakit tanggapin dahil wala akong nagawa para mahabain sana ang buhay ng aking Ina. Sampung taon pa lang ako nang mamatay ang tatay ko kaya naman naghanap ng bagong asawa ang nanay ko. Naging ma-swerte naman si Nanay sa bago niyang asawa dahil tinuring niya akong totoong anak. Ngunit nang pinagbubuntis ng nanay ko ang bunso kong kapatid na si Hubert namatay sa aksidente ang step father ko dahilan para malungkot ng sobra si Nanay. Pakalipas ng ilang taon sumunod naman ang nanay ko. Kaya naman halos ginawa ko ang lahat para maalagaan ang kapatid ko. Nang makatapos ako ng high school nag pasya akong maghanap ng trabaho at iniwan ko ang kapatid ko sa aking Tita upang siya muna ang mag-alaga. Ngunit ngayon narito ako sa manila habang naglalakad sa madilim na kalsada at malakas ang ulan. May isang taga probinsiya namin ang nag-alok sa'kin ng trabaho rito sa manila. Isa raw akong fast food crew sa isang sikat na fast food chain sa manila. Wala na raw akong gagastusin dahil sagot na raw ng agency ang gagastusin ko dahil kikakaltas naman ito sa sahod ko kapag nag-umpisa na ako. Ngunit nang nasa manila kami napag-alaman kong ibubugaw pala niya ako sa isang matandang amerikano na naghahanap ng aliw. Dinala nila ako sa isang hotel sa manila. At doon nila ako ikinulong habang wala pa ang amerikano na nakabili sa'kin. Dahil na determinasyon kong makatakas doon. Sumigaw ako nang malakas at sinikap na sirain ang pintuan. Pagkalipas ng ilang oras na pagsira sa pintuan nagawa ko iyon sirain dahilan para makatakas ako. Bitbit ko ang malaking plastik na pinaglalagyan ng damit ko nang tumakbo ako palayo sa lugar na iyon. Kaya heto ako ngayon naglalakad sa gitna ng ulan. Isang araw na akong hindi kumakain at nakakaramdam na ako ng lamig sa buong katawan.
"Lord, ayoko pang mamatay wag niyo muna ako kukunin walang mag-aalaga sa bunso kong kapatid." Dasal ko habang naglalakad ako.
Habang naglalakad ako sa kalsada. Napansin ko ang pagewang-gewang na kotse na papalapit sa'kin. Medyo mabagal ang takbo nito ngunit pagewang-gewang naman ito. Lumayo ako ng konti at hinabol ko nang tingin ang kotseng iyon hanggang sa napasigaw ako nang bumanga iyon sa malaking poste ng kuryente. Nagmamadali akong tumakbo palapit dito at nakita kong may matandang babae ang walang malay habang dumudugo ang ulo.
"Patay na kaya siya?" Kinapa ko ang pulso niya at nang malaman kong buhay pa ito. Tumakbo ako palayo sa aksidente upang maghanap ng pulis O taong tutulong sa babaing iyon. Agad naman akong nakakita ng pulis na nagbabantay sa lugar na iyon. Agad akong humingi ng tulong sa kanya. Makalipas ng ilang minuto dinala na ang matanda sa hospital. Kasama ako sa hospital upang pansamantalang magbantay sa matandang babae.
"Miss, ka-ano-ano ka ng na-aksidente?" Tanong sa'kin ng pulis.
"Hindi ko po siya kilala, nakita ko lang po kung paano siya bumangga sa poste ng kuryente." Sabi ko.
"Nawalan kasi ng preno ang kotse ng babae. Pwede ka ba naming maimbitahan sa presinto para magbigay ng statement?"
Umiling-iling ako at kinabahan sa takot. Bakit ganito sa manila ikaw na nga ang tumulong pagbibintangan ka pa na ikaw ang nagtangkang pumatay.
"W-Wala po akong kasalanan, wag niyo naman akong ikulong napadaan lang ako sa lugar na iyon. Maawa kayo sa'kin. Tumulong lang po ako." Sabay iyak ko.
Tinapik ako sa balikat ng pulis. "Hindi ka namin pinagbibintangan gusto lang namin hingin ang nakita mo para mayroon kaming record dito sa nangyari sa babae."
BINABASA MO ANG
My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10)
Teen FictionKilala si John Axle bilang isang barumbadong estudyante ng sikat na college school. babaero at basagulero. Ngunit may isang babae na susubok ng kanyang short temper si Miyukie Menji ang babaing tumulong sa Mommy niya. Dahil sa pagiging pasaway niya...