[John Axle’s P.O.V.]
Ilang minuto na kaming nakatigil sa harap ng mansiyon namin ngunit hindi ko magawang lumabas ng kotse ko. Hindi ko kasi alam kung paano gigisingin si Ukie na mahimbing na natutulog. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganoon na lang ang naging reaksiyon ko nang makita ko siyang basang sisiw sa loob ng female comfort room. Honestly, ngayon lang ako nagalit ng sobra to the fact na agad kong pinalayas ng Saint Paul International Academy ang mga babaeng nang-api kay yukie.
Muli kong pinagmasdan si Ukie. Nakasandal ang ulo niya sa dashboard habang nakangangang natutulog. Kapansin-pansin din ang buhok niyang sobrang kapal ngunit tigas at malagkit. Makikita mo naman sa balat niya na maputi siya ngunit dahil siguro sa kahirapan nasunog ang balat niya. Napadako ang mga mata ko sa kilay niyang mahaba na mukhang ginuhit ngunit may kaunting kalat-kalat kay Fritzie kasi sobrang linis at ganda ng kilay niya. Sabi nga ni Fritzie kilay is life raw which is weird sa pandinig ko. Maliit ang mukha niya ngunit mababakas mo ang kaunting tigyawat niya. Napansin ko rin ang natural na pula at manipis na labi niya. Napadako ang mga mata ko sa dibdib niya na bakat dahil sa basa niyang damit. Hindi naman ito kalakihan ngunit mabubusog ka naman. Ang kamay niyang sobrang gaspang dahil sa kapal ng kalyo. Sayang maganda pa naman ang hugis nito. Ang pumukaw sa akin ay ang perpektong hugis ng katawan niya. Maumbok ang pwet niya at maganda ang balakang niya. Ang hindi ko lang lubos ma-imagine kung anong itsura ng kilikili niya. Sobrang kapal na siguro ng buhok niya sa kilikili kaya siya nagkaputok.
Hindi ko napigilang hindi makita ang kilikili ni Ukie kaya naman dahan-dahan kong inangat ang kamay niya at sinilip ang kilikili niya. “Yuck!” Halos masuka ako sa nakita ko. Kaya naman pala amoy putok mas makapal pa ang buhok ni Ukie sa kilikili kaysa sa kilikili ng driver namin.
“Anong relihiyon ang hindi nag-aahit ng buhok sa kilikili? Nakakadiring babae.” Muli kong sinipat ng tingin siya pagkatapos lumabas ako ng kotse ko upang tawagin si Manang Ludy. Ngunit nang makapasok ako sa loob ng mansiyon nakita ko si Mommy. Galit siyang nakapameywang alam ko iyon dahil parang building sa makati ang taas ng kilay niya.
“Nasaan si Miyukie?” Tanong niya sa’kin.
Lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi. “Nasa loob siya ng kotse ko tulog na tulog.”
“Bakit mo siya sinama sa school niyo?”
“Wala akong tagabitbit ng mga gamit ko.”
Halos umusok ang ilong ni Mommy sa’kin sa galit. “Pinagbitbit mo ng mga gamit mo?! Nasaan ang pagiging maginoo mo?”
“Mommy, wag niyo ngang ipagtanggol ang katulong natin kaya sila umaabuso. Manang Ludy!” Sabay tawag ko sa katulong namin.
Lumapit naman ito agad. “Bakit senyorito?”
“Pabuhat niyo si Ukie tulog na tulog po siya. Pakibilasan dahil basa po siya baka bumaho ang kotse ko.” Tatalikod na sana ako ngunit pinigilan ako ni Mommy.
“Manang Ludy, wag mo siyang sundin. John Axle, ikaw ang magdala sa kanya sa kwarto niya. Pagkatapos mong pagbitbitin. Bulihin siya sa school niyo iiwan mo lang siya na parang diring-diri ka!” Sigaw ni Mommy.
Umiwas ako ng tingin kay Mommy. Ayokong magsalita pa baka lumipad ang kamay niya sa pisngi ko kapag sumagot ako. Kilala ko si Mommy kapag nagalit siya at sumagot kami kahit mali na kami. Magkukulay tomatoe ang pisngi namin.
“Ano pang hinihintay mo! Dalhin mo na siya sa kwarto niya. Manang Ludy bihisan mo si Miyukie kung hindi magigising baka magkasakit iyon.”
“Opo, madam.” Sagot ng katulong.
Kuyom ang kamao ko dahil sa asar ngunit wala naman akong magagawa kung hindi ang sumunod. Alam ko namang mali ako pero talagang nakakainis ang kampihan ni Mommy si Mommy.
BINABASA MO ANG
My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10)
Teen FictionKilala si John Axle bilang isang barumbadong estudyante ng sikat na college school. babaero at basagulero. Ngunit may isang babae na susubok ng kanyang short temper si Miyukie Menji ang babaing tumulong sa Mommy niya. Dahil sa pagiging pasaway niya...