CHAPTER 13

19.9K 670 55
                                    

[Miyukie’s P.O.V.]

“Miyukie, pwede ba kitang makausap mamaya after mo diyan sa ginagawa mo?” Sabi sa’kin ni Madam Ally. Naghuhugas ako ng plato na pinagkainan nila sa hapunan.

Pinunasan ko ang kamay ko sa uniporme kong suot at humarap ako kay Madam Ally. “Sige po.” Sagot ko.

“Sige, puntahan mo ako sa kwarto.” Pagkatapos tumalikod na si Madam Ally at umalis na.

Muli kong pinagpatuloy ang paghuhugas ng plato upang matapos agad. Ayoko kasing paghintayin ng matagal si Madam Ally dahil baka magalit siya sa’kin.

Mahinang katok ang ginawa ko sa pintuan ng kwarto ni Madam Ally. “Madam Ally.” Tawag ko pa.

Ilang saglit lang bumungad sa’kin ang nakangiting si Madam Ally. Hindi pa rin talaga kumukupas ang ganda niya kahit malalaki na ang mga anak niya.

“Come in.” Niluwagan ni Madam Ally ang bukas ng pintuan upang makapasok ako sa loob. Pagpasok ko sa loob. Sumimangot ako. Nakita ko kasi si John Axle na nakahiga sa kama ng Mommy niya.

“Bumangon ka diyan John Axle at nandito na si Miyukie.” Sabi ni Madam Ally.

Bumangon naman si John Axle ngunit hindi maipinta ang mukha. Minsan nakakasawa na rin ang pag-uugali ni John Axle dahil sala sa lamig at sa init ang ugali. Napaka moody.

Umupo ako sa maliit na upuan na nasa gilid ng kama, may tatlong bangkito kasi roon.

“Bakit mo ba ako pinapunta rito Mommy?” Sabi ni John Axle. Hindi man lang ako tiningnan.

Tumingin si Madam Ally kay John Axle at ngumiti. “Bukas na kami aalis ng dady mo papuntang Amerika. Kung may malaking problema kayo nandiyan naman ang kuya John Ace mo. Pero sinabi ko sa kanya kung ano lang ang dapat niyang itulong sa inyong dalawa ni Fritzie.”

“Talagang gusto niyo akong maging alipin ng panget na ‘yan.” Sabay turo sa’kin na ikinainis ko.

“Gumanda na kaya ako.”  

“Hindi mo ba nakikita na maganda naman si Miyukie?” Sabay tingin sa’kin ni Madam Ally.

Yumuko ako sa hiya. Ano bang silbi ko rito sila lang naman ang nag-uusap.

“You're blind Mommy.” Sabay ngisi ni John Axle.

“Anyway, kung pangit si Miyukie sa paningin mo it’s not my problem. Ang gusto ko lang ipaalala sa’yo na simula bukas ikaw na ang guardian niya. Hindi mo siya pwedeng utus-utusan sa labas at sa school. Babantayan mo siya okay. John Axle.

“Isn’t fair for me.”

“Fair for you or not, the hell I care, do what i want.”

Salubong ang kilay ni John Axle matapos sabihin ng Mommy niya.

“I can’t promise.”

“You can, John Axle.” Paniniguro ni Madam Ally.

Tumingin naman sa’kin si Madam Ally. Kaya bigla akong kinabahan sa takot.

“Ikaw naman Miyukie, simula bukas papasok ka sa school na pinapasukan ni John Axle. Pasensiya kung same course lang kayo ng anak ko. Gusto ko kasing mabantayan ka niya. Nag-aaral pa lang ako sa school na ‘yan uso na bully at kahit may nasa batas na ang bawal ang bully. May mga estudyante pa rin palihim na gumagawa noon. Gusto kong makasigurado na magiging okay ka sa school na iyon.”

“Salamat po madam.”

“Siya ba ang anak mo? Nasa kanya ang pabor.” Sabad ni John Axle.

Matalim na binaling ni Madam Ally ang tingin kay John Axle. “I’m not talking to you!” Pasigaw na sabi ni Madam Ally.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon