CHAPTER 10

19K 669 106
                                    

[John Axle’s P.O.V.]

“Anong problema mo Dude?” Tanong sa’kin ni Kiel.

Kanina pa natapos ang praktis namin sa basketball ngunit hindi pa rin ako umuuwi ng bahay. Naiinis kasi ako kay mommy dahil sa ginawang punishment niya sa’min ni Fritzie. Masyadong unfair para sa aming dalawa ni Fritzie dahil kahit kailan hindi iyon ginawa sa mga nakakatandang kapatid namin.

“Si Mommy kasi binigyan kami ng punishment ni Fritzie.”

“Anong punishment? Ikaw talaga dude sinabi ko sa’yong ilakad mo ako sa kapatid mo hindi mo ginawa.”

Matalim ko siyang tiningnan. “Hindi ka gusto ng kapatid ko isa pa, hindi rin kita gusto para sa kanya.”

“Akala ko ba bestfriend tayo bakit ganyan ka sa’kin.”

“Iyon nga e, bestfriend tayo kaya kilala na kita. Wag mong liligawan ang kapatid ko kung ayaw mong masira ang mukha mo.”

Tinapik niya ako sa balikat. “Okay, wala talaga akong pag-asa. Ano ba ang punishment sa iyo ng Mommy mo?”

“Ang maging guardian ng katulong namin na si Miyukie. Remember yung sinama ko noong game namin sa basketball.”

“Ah, yung cute na babae na may putok.” Sabay tawa niya ng malakas.

Nakaramdam ako ng inis sa kanya. “Susuntukin kita makita mo.”

“Hindi ka mabiro dude. Pero maiba tayo si Shekainah, ilang beses kang hinahanap dito sa classroom.”

“Psh! Hayaan mo siya.”

“May ibibigay pala ako sa iyo.” Kinuha niya ang bag na nasa kabilang upuan. Pagkatapos kinuha niya sa loob ng bag ang makapal na envelop.

“Ano yan?”

“Ano pa edi medical history at HIV result ng mga babaing gusto kang maka-one night stand.”

Kinuha ko ang mga envelop na halos sampung piraso ang unang umagaw ng pansin sa’kin ay ang pangalan ni Cazxiopeah Milan ang transferee sa school.

“Cazxiopeah! Iba rin, hanep palay na lumalapit sa’yo tukain mo na.” Sabi pa ni Keil sa’kin.

Nakasimangot akong ibinalik sa loob ng envelop ang record ni Cazxiopeah.

“Wala pa akong balak makipag one night stand.”

“Bakit naman tamang-tama ilang buwan ka ng tigang.” Sabay tawa ni Keil.

“Ayoko muna.” Sabay iwas ko kay Keil. Alam ko naman na hindi ito maniniwala sa sinabi ko. Kilala ako ni Keil siya ang kasama ko sa ganitong kalokohan.

“Bakit may babae na bang nagpapatino sa’yo John Axle?”

“Wala!” Tatayo sana ako para mag walk out sa kanya ngunit bigla kong naisip si Mommy baka mas maging malala ang punishment niya sa’kin kapag nalaman niyang hindi pa rin ako nagtatanda.

Magsasalita pa sana si Keil ngunit dumating na ang professor namin. Hindi naman siya nagturo ngayon dahil wala namang klase ngayon may tinanong lang siya sa isa naming kaklase na balita sa school ay Girlfriend niya.  Pagkatapos umuwi akong mansiyon. Gulat na gulat si Daddy nang makita niya ako sa bahay ng alasais ng gabi. Madalas kasi pasado alas diyes na ako umuuwi. Pero ngayon maaga.

“Anong nangyari sa’yo?” Takang tanong ni Daddy sa’kin.

“Bakit Dad?” Sagot. Kumuha ako ng sandwich na nilalagyan ni Daddy ng palaman. Sa itsura niya kakagaling lang nito sa trabaho dahil hindi pa ito nagpapalit ng damit pangbahay.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon