CHAPTER 17

20K 684 226
                                    

[Miyukie’s P.O.V]

“Granny! Make it faster! Halos mabinge ako sa lakas ng sigaw ni John Axle sa’kin habang naglalakad kaming dalawa papunta sa clasroom namin. Ito na talaga ang first day of school ko. Hindi katulad kahapon na may mga babaing nakataas ang kilay sa’kin. Dahil ngayon hindi nila ako magawang tingnan ng masama tulad ng masasamang tingin nila sa’kin kahapon.

“Hintayin mo ako! Ang bilis-bilis mo kasing maglakad.” Sabi ko habang bitbit ko ang mabigat kong bag. Dala-dala ko kasi ang lahat ng notebook ko.

Huminto siya at hinawakan ang kamay ko. “Bubuhatin na ba kita para mabilis tayo?”

“May paa naman ako hindi nga lang kasing bilis mong maglakad.”

Bumuntong-hininga. “Mahuhuli na tayo sa klase.” muli niya akong hinila ngunit mabagal lang ang paglalakad namin.

Tumingin ako sa kanya. “Kinakabahan ako John Axle.” Sabi ko sa kanya.

Muli siyang tumingin sa’kin at nagulat ako nang haplusin niya ang mukha ko ng kamay niya. Hindi ko namalayan na namumula na ang mukha ko.

“Just relax I’m here, your guardian.” Ngumiti pa siya sa’kin.

“J-John Axle…” mahinang bigkas ko habang ang puso ko ay halos tumalon na sementong kinatatayuan ko.

“Gwapo ang kasama mo. Wag kang kabahan okay.”

Umingos ako at inalis ang kamay niya. “Ang kapal din ng mukha mo.” Humahaba pa ang nguso kong sabi.

“Isipin mo na lang na may artistahin kang kasama. Dapat nga ako ang mahiya dahil may kasama akong pink na gasul.”

“Ang sama mo talaga!” Tatalikod sana ako pero hinila niya ang kamay ko at pagkatapos inakbayan niya ako. Nahihiya tuloy ako sa ginagawa niya. Nahuhuli ko kasing nakatingin ang ibang mga estudyante sa’min.

“So, let’s go.”

“Aayyyy!!” Sigaw ko nang bigla niya akong kargahin.

“Ibaba mo akoo!” Sabi ko sa kanya.

“Relax, ayokong mapagod ang prinsesa ko.” Sabay kindat niya sa’kin.

Mabilis akong umiwas sa kanya nang kumindat siya sa’kin. “Ano ba itong nararamdaman ko may sakit na yata ako sa puso.”

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Alam mo yung eksena naming dalawa. Naglalakad kami sa coridor ng school habang karga niya ako. Daig ko pa ang natapilok O na-injury sa itsura ko

“Ang swerte naman niya.”

Iyon ang naririnig ko sa mga estudyante nadadaanan naming nagbubulungan.

“Ang swerte mo raw.” Sabi pa ni John Axle.

“Hu? Kung alam lang nila kung gaano ako kamalas dahil ikaw ang kasama ko ngayon.” Sabay irap ko sa kanya.

“Ang arte mo akala mo maganda ka.”

“Wala kang pakialam.”

“Excuse me, John Axle.”

May apat na babae ang humarang sa dadaanan namin. Nakataas ang kilay nilang apat nang tingnan ko sila. Nakahalukipkip pa ang mga ito.

Ibinaba niya ako mula sa pagkakabuhat niya sa'kin.

“Yes, Veronica?” Sagot ni John Axle.

Tumingin ang isang babae sa’kin sa itsura niya mukhang siya ang leader ng mga ito. Yumuko ako upang iwasan ang matalim niyang tingin. Hindi sa natatakot ako sa kanya. Ayoko lang makipag-away sa mga mataas ang pamumuhay sa’kin dahil hindi ko alam kung ano ang kaya nilang gawin sa'kin.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon