CHAPTER 18

18K 641 47
                                    

[Miyukie’s P.O.V.]

Sunod-sunod ang naging pagsubo ko ng kanin. Wala naman kasing tao sa loob ng classroom namin kung hindi ako lang kaya naman malaya akong makakain ng marami. Sosyal ang school na pinasukan ko kaya hindi na nakakapagtakang sa mall O sa canteen ay hindi pala cafeteria. Cafeteria pala ang tawag ng mga kaklase kong babae na ang hilig sa saling. "Duh!” Na may pag-ikot pa ng eyeballs nila. Ang sarap-sarap pa naman ng ulam ko ngayon dahil nagluto ako ng adobong manok. Sayang hindi natikman ni John Axle.

“Can i join you?”

“Ay! Kalabaw!” Gulat kong sigaw. Pagkatapos umubo ako dahil nasamid ako. Mabilis kong kinuha ang tubig at ininon ko iyon.

“Bakit ka ba nang gugulat, Gerald?” Humahaba pa ang nguso kong sabi sa kanya. Pinagpatuloy ko ang pagkain at hindi ko pinansin si Gerald.

Nasa likuran ko si Gerald at tumayo siya at umupo sa harapan ko at pinapanood akong kumain. Nakataas pa ang dalawang paa niya sa umupuan habang nakahalukipkip. Tanggal ang butones ng uniporme niya kaya kita ko ang puting t’shirt niya.

“Wag mo akong titigan hindi ako makakain ng maayos.” Sabi ko. Hindi kasi ako makakain dahil naiilang ako habang pinapanood niya ako.

“Kanina pa ako nagugutom hindi mo ako binibigyan ng pagkain mo.” Sabi pa niya.

Huminto ako sa pagkain at taas ang kilay kong pinagmasdan siya. Mukha naman siyang maraming pera bakit walang pambili ng pagkain?

“Bumili ka ng pagkain mo.” Sabi ko.

“Nahihiya akong kumain na walang kasama.”sabi pa niya

Tingnan mo nga naman, kanina noong kaharap niya si John Axle sobrang tapang at yabang niya. Hindi ko inakalang mahiyain pala ito.

“Maghanap ka wag mo akong istorbohin sa pagkain hindi ako mabubusog nito. Kinakausap ko ako.”

“Ang takaw mo naman! Hihingi lang ako ng pagkain sa’yo.” Sabi pa niya.

Pailalim ko siyang tinitigan. Pasalamat siya at gwapo siya kung hindi baka binato ko na siya ang lunch box ko.

“Ang kulit mo!” Sandali akong huminto at kinuha ko ang natitirang pagkain na dapat sana kay John Axle.

“Sa’yo na ‘yan!” Inis kong binigay sa kanya ang isa pang baunan.

Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya. “Wow! Salamat, hindi pa nga ako kumakain.” Binuksan niya ang baunan at nag-umpisa na siyang kumain. Pasimple ko siyang pinagmasdan habang kumakain si Gerald.

“Ang sarap naman nito sino nagluto nito?” Sabi pa nito.

Napangiti ako sa unang pagkakataon may nasarapan sa luto ko. Madalas kasing nilalait ni John Axle ang luto ko.

“Miyukie, ang galing ng tagaluto niyo ang sarap ng luto.” Sabi pa nito.

“Kumain ka na lang ang dami mo pang sinasabi.” Pagkatapos pinagpatuloy ko ang pagkain.

Habang tahimik akong kumakain siya naman ang kwento nang kwento sa’kin. Madali ko naman naiintindihan ang sinasabi niya kasi madalas nagtatagalog siya. Hanggang sa naubos namin ang pagkain.

“Mukhang kailangan kong uminom ng tubig.” Sabi niya.

“Ang takaw mo kasi.” Sabi ko. Habang nililigpit ko ang pinagkainan naming dalawa.

“Samahan mo akong bumili ng tubig sa cafeteria. Lilibre na rin kita ng fruit salad.”

“Fruit salad? Favorite ko iyon.” Sa isip-isip ko.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon