[John Axle’s P.O.V.]“Good morning Santiago.” Isang matamis na ngiti ang naging bati sa’kin ni Gerald nang pumasok siya sa loob ng office ni coach. Hinabol ko siya ng tingin kung saan umupo siya sa likuran ko. Kasama ko Keil at ang ibang mga basketball player ng school. Kagabi nag chat si coach sa group chat namin at sinabing may meeting kami ngayong umaga. Maaga tuloy kaming pumasok ni Miyukie sa school dahil dito.
Tinapik ako sa balikat ni Keil. “Relax dude.” Sabi nito.
Itinaas pa n Keil ang paa sa upuan na nasa harapan namin. Si Keil masyadong chill lang ang buhay niya. Hindi mo siya makikitaan ng bad vibes. Minsan, iniisip ko kung tao pa ba siya na nakakaramdam ng inis.
Pinukol ko ng matalim na tingin si Gerald na sinadaya ko pang lingunin.
“Bakit nandito siya?” Mahina kong tanong kay Keil.
“Simple lang, member na siya ng basketball team natin.” Sagot ni Keil.
“Sinusubukan talaga niya ako.” Nanggigil kong sabi.
“Basketball player naman talaga si Gerald di’ba? What’s new? Alam mo John Axle. Wag kang masyadong ma-stress kay Gerald. Mag-enjoy ka. Live life to the fulliest.”
Magsasalita pa sana ako ngunit biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Coach Rico.
“Good morning coach.” Sabay-sabay naming bati sa kanya.
“Good morning team. We have a new member of the team. Gerald Nicolas join with me here.” Sabi pa ni Sir Nicolas.
Tumayo naman si Gerald at lumapit kay coach Rico. Ang talim ng tingin ko sa kanya nang magsalubong ang mga mata namin.
“Meet Gerald Nicolas. Magiging mas malakas ang team natin dahil isa si Gerald sa mga secret weapon ng team nila. We are lucky that Gerald’s belong to our team.”
“Welcome dude.” Sabi ng ibang members. Hindi ko siya pinansin. Ayokong maging feeling close sa taong kinaiinisan ko.
“Santiago, hindi mo ba siya i-welcome? Ikaw ang captain ng basketball team. Kailangan mong i-guide si Gerald.”
“You said that he was a secret weapon. why I need to guide him.” Sarcastic kong sagot.
“Because you’re a team captain. So, you need to be nice to your team.” Sagot ni coach.
“Psh!”
“Anyway guys, magkakaroon tayo ng basketball tourment next month. Kailangan nating maghanda dahil maraming magagaling ngayong taon.”
“Coach, sisiguraduhin naming mananalo tayo.” Sabi ni Keil.
“Good, pero may isa tayong problema kailangan nating maghanap mg muse ng team natin. May kilala ba kayong pwedeng maging muse ng team natin?”
“Si Cazxiopeah. Bagay na bagay sa kanyang maging muse ng team natin.” Sabad ng isang ka-team namin.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Keil. Pasimple ko namang sinilip si Gerald. Nakita kong sumimangot siya.
“I think mas bagay ang girlfriend ni John Axle. Since siya naman ang captain ng team so why not kung yung girlfriend mo na lang?” Sabad ni Gerald.
Nagbabaga ang mga tingin ko sa kanya nang tingnan ko siya. Hindi talaga siya titigil na hindi ako maasar sa kanya.
“My point si Gerald. John Axle, papayag ka bang maging muse ang girlfriend mo?” Sabad ni coach.
“No way!” Mariin kong sagot.
BINABASA MO ANG
My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10)
Teen FictionKilala si John Axle bilang isang barumbadong estudyante ng sikat na college school. babaero at basagulero. Ngunit may isang babae na susubok ng kanyang short temper si Miyukie Menji ang babaing tumulong sa Mommy niya. Dahil sa pagiging pasaway niya...