CHAPTER 5

20K 731 40
                                    

[John Axle’s P.O.V]

NATIGILAN ako sa ginawa ng Ukie nang bigla niya akong halikan. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon sa ginawa niya. Napansin ko na lang na tumakbo na siya palayo sa’kin.

“What’s wrong Kuya?”

“Y-Yes?” Sabay lingon ko sa kapatid kong si Fritzie.

Ang taas ng kilay niya habang nakatingin sa’kin. Napameywang pa siya sa’kin.

“You look like a statue.”

Huminga ako ng malalim upang makapag-isip ng magandang alibi sa maldita kong kapatid.

“May bigla akong naalala kaya napahinto ako.”

“I see nakita ko kasing tumakbo si Sussy.”

Kumunot-noo ako. “Who’s Sussy?” May bago na siguro kaming katulong bukod kay Ukie.

“Sussy, i don’t know what her real name. I prepared to call her Sussy amoy suka kasi siya.” Sumimangot pa siya.

Hindi ko napigilan ang pagsimangot ko sa sinabi ni Fritzie. “Hindi naman siya amoy suka or amoy putok Fritzie.”

“Wala naman akong sinabing amoy putok siya. I’ve said amoy suka siya dahil siguro sa pabango niya. Why you're so defensive?” Tinitigan ako ni Fritzie.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Bakit nga ba ako kumukontra sa sinabi ni Fritzie.

“Sinasabi ko lang sa’yo na hindi natin siya pwedeng pagtripan dahil mananagot tayo kay Mommy.” Alibi ko.

“Don’t worry wala akong planong apihin siya. Bukod sa magagalit si Daddy at Mommy baka maging magkaaway pa tayo dahil sa kanya.” Nakakalokong tumingin si Fritzie sa’kin. Pagkatapos pumihit patalikod at umalis.

Matalim kong hinabol ng tingin si Fritzie. Nakakainis talaga ang bunso kong kapatid na iyon masyadong pakialamera at usyusera. Muli kong tinanaw ang daan patungo sa silid ni Ukie bago ako bumalik sa silid ko at humiga sa kama. Gusto kong kalimutan ang nangyari kanina. Ngunit ilang oras na akong nakahiga at kahit anong gawin ko hindi ko makalimutan ang kapangahasang ginawa niya sa'kin. Namalayan ko na lang na ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing binabalikan ko ang nangyari kanina.

Humanda siya sa’kin!” Bumangon ako at kinuha ko ang ginamit kong custume noong  holloween. Sinuot ko ang vampire na costume at sinuot ko ang mascara na mukhang bungo pagkatapos nagmadali akong pumunta sa silid ni Miyukie.

“Psh! Zero IQ talaga. Hindi niya sinarado ang pintuan ng kwarto niya. Hindi ko na kakailanganing gamitin ang duplicate ng kwarto niya.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kama niya. Nakita ko si Miyukie na nakahiga sa kama habang nakadapa ito. Hindi ko tuloy alam kung mahibing na ang tulog niya. Pinabuka ko ang kapa ko. “Pst! Pst!” Sitsit ko sa kanya. Ngunit nakasampung sitsit na ako sa kanya hindi pa rin niya ako naririnig.

“Tulog na siguro ang panget na ito.”

“Hoy! Panget gumising ka!” Niyugyog ko pa siya upang magising.

“Ano ba— waaahhhhhh!” malakas ang sigaw niya na halos matanggal ang ear drums ko. Bigla itong bumangon at nagtatakbo paikot-ikot sa kwarto niya.

“Bampira! Bampira! Waahh!” Sigaw niya.

Pigil na pigil ang tawa ko sa kanya. Tumayo ako upang lapitan siya. Tumakbo siya papalabas sana ngunit inunahan ko siya sa pintuan.

“Wrrhh!”

Nag sign of the cross siya. “Sumasampalataya ako sa Diyos amang makapayarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa.”

Pigil na pigil ko ang tawa sa itsura niya. Nakapikit kasi siya habang nagdadasal.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon