[John Axle’s P.O.V]
Limang beses na siguro akong nagpabalik-balik sa silid ni Ukie nang hindi namalayan nila Mommy at Daddy. Alas-dos na ng madaling araw. Ilang oras na lang at papasok ako sa school. May praktis pa naman kami ng basketball para sa tournament namin ngunit heto ako hindi makatulog dahil sa pag-aalala sa panget at amoy putok na si Ukie. Ang taas kasi ng lagnat niya kaya naman natatakot akong malaman nila Mommy na ako ang naging dahilan kaya nagkasakit siya.
Marahan kong tinapik sa balikat si Ukie upang magising ito. Nakasuot siya ng makapal na jacket ko at makapal na kumot. Nilagyan ko rin siya ng basang panyo sa sintido.
“Ukie…” pabulong kong tawag sa kanya habang marahan ko siyang tinatapik.
Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata niya at malamlam ang mga mata niyang tumingin sa’kin. “Hmmm…” tugon niya sa paos na boses.
Kinuha ko ang thermometer sa may kilikili niya at nakita kong mataas pa rin dahil 39°c pa rin ang temperature ang lagnat niya. “Naiinis na ako sa’yo bakit ba ang tagal mong gumaling.” Inis kong sabi sa kanya.
“Sorry po sir. Wag niyo na po akong intindihin pahinga lang ito.”
Tinitigan ko siya. “Hayss! Nagdala ako ng sopas in-order ko sa fast food. Bilisan mong kumain para mabilis kang gumaling.”
“Bakit ang bait niyo sa’kin?”
Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Bakit nga ba? Kung tutuusin dapat mahimbing na ang tulog ko sa mga oras na ito. Ngunit heto ako at nasa loob ng kwarto niya at inaalagaan ang panget na ito. Kahit kailan hindi ko ito ginawa sa kahit kaninong babae.
“Okay lang kung hindi niyo kayang sagutin. Wala naman akong mabibigay kung masasagutan niyo ang tanong ko.” Kinuha niya ang isang mangkok na sopas na hawak-hawak ko at inumpisahan niyang kainin iyon. “Hindi ko na siya malasahan ng maayos. Mukha pa naman siyang masarap.” Sabi pa nito.
“Heto ang gamot mo.” Sabay abot ko sa kanya ng gamot.
“Salamat po.”
Pinagmasdan ko siya sandali bago ako tumayo at lumabas ng silid.
“Sir Gwapo!”
Bigla akong huminto at humarap sa kanya. Siyempre nakasimangot ako sa kanya.
“Mas lalo kayong magiging gwapo kung palagi kayong ngingiti. Maraming salamat sa tulong niyo sa’kin kahit masungit kayo sa’kin palagi.”
“Psh!” Sabay pihit ko patalikod. Hindi ko agad hinakbang ang mga paa ko palabas ng kwarto niyo bagkus ilang segundo akong nakatayo patalikod sa kanya at pagkatapos ngumiti akong lumabas ng silid niya.
“Bulag ba siya? Ngayon niya lang ba nakita na gwapo ako? Pasalamat siya may sakit siya.”
Ilang beses pa akong lumingon-lingon upang makasigurong walang makakakita sa’kin na lalabas mula sa kwarto ni Ukie. Nang makasiguro kong walang nakakita sa’kin lumabas ako ng kwarto niya at nagtungo ako sa sarili kong kwarto. Ngunit nang makalapit na ako sa kwarto ko nakita ko si Fritzie na naghihintay sa’kin sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. Nakapameywang pa siya.
“Kuya, how’s Miyukie?” Pang-asar na tanong ni Fritzie sa’kin.
Hindi ko siya pinansin kinuha ko ang susi ng kwarto ko at binuksan ko iyon. Ngunit sumunod siya nang pumasok ako sa loob.
“In love ka ba sa mutchacha natin kuya?”
Matalim ko siyang tinitigan. “Do you think magkakagusto ako sa panget at amoy putok na babaing iyon?” Inis kong sagot.
BINABASA MO ANG
My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10)
Teen FictionKilala si John Axle bilang isang barumbadong estudyante ng sikat na college school. babaero at basagulero. Ngunit may isang babae na susubok ng kanyang short temper si Miyukie Menji ang babaing tumulong sa Mommy niya. Dahil sa pagiging pasaway niya...