Chapter 3

10.6K 192 1
                                    


KITANG-KITA ni Travis ang disgusto at pagkadismaya sa mukha ng guidance counselor na si Nathaniel Herrera dahil naroroon siya. Nakaupo ito sa likod ng mesa nito samantalang sila ni Saree ay magkatapat na nakaupo sa visitor's chairs.

"Well, it is not surprising to see Miss Herrera here, but your presence, Mr. Lorenzana, is indeed unexpected. A graduate student in my office. This is quite amazing," wika nito.

Ngumiwi muna si Travis bago nagsalita. Masakit pa rin ang panga niya dahil sa suntok ni Saree. "There's always a first time for everything."

"Ngunit hindi mabuti ang unang ito," ani Mr. Herrera. Tumingin ito kay Saree. "Umuwi ka na muna. Bukas ka na um-attend ng klase mo."

Tahimik na tumayo si Saree at nakangising tumingin sa kanya. Nang magawi sa panga niya ang mga mata ng dalaga ay ngumiwi ito. He saw a glint of guilt in her eyes.

"Masuwerte ka pa rin, pamangkin ka ng guidance counselor," nanunuyang sabi niya.

Ngumisi lang ito at walang salitang lumabas ng kuwarto.

"Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo, Travis," wika ni Mr. Herrera nang makalabas si Saree.

Mapakla siyang ngumiti. "Totoo naman, hindi po ba?"

"I have had enough of giving her punishment. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses siyang ipinadala sa opisinang ito. Ano'ng gusto mong gawin ko?"

"At anong parusa ang ibibigay ninyo sa akin?" tanong ni Travis.

He sighed. "Wala. I know you were only provoked."

Hindi niya naiwasang matawa. "No. She was provoked."

"Very well," sabi ni Mr. Herrera at tumayo. Lumakad ito at hinarap ang mga artworks na nakasabit sa dingding ng opisina nito. "Ayokong lumabas na kinakampihan ko ang pamangkin ko, ngunit gusto kong sabihin na hindi siya kasinsama ng iniisip mo. May dahilan kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya. At ginagawa namin ang lahat upang maintindihan siya. I know it's not that easy."

"Pero hindi dahilan iyon para manakit siya ng ibang tao. Kung anuman ang pinagdaraanan niya, huwag na siyang mandamay ng iba," galit na sabi ni Travis.

"Kung pababayaan lang ninyo siya, walang madadamay. Just let her be... for now. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw ko rin ang ginagawa niya. She's wasting her life. Kung nagagalit ka sa nakikita mo sa kanya ngayon, ako ay nasasaktan. Alam kong naiintindihan mo ako dahil pareho tayo ng sitwasyon. Ganyan din ang kapatid mo," anito na nanatili pa ring nakatalikod.

Natigilan si Travis. Totoo ang sinabi nito. Ngunit iba ang kaso ng kapatid niya sa nangyari sa pagitan nila ni Saree.

"Sana'y ito ang una't huling beses na makikita kita sa opisina ko, Travis. Ayoko nang maulit ito. At sana rin ay ito na ang huling pagkakataon na magkakabangga kayo ng pamangkin ko." Noon ito humarap sa kanya.

"Hindi ko kayang ipangako 'yon. She is causing so much trouble."

"Ako na ang bahala roon. Don't mess up with her. Magugulo lang ang buhay mo. You are a good man. You shouldn't mingle with her," saad ni Mr. Herrera at muling umupo sa silya nito. "Good day, Mr. Lorenzana. It was nice talking to you."

Mabigat ang loob na lumabas siya ng opisina nito.

Palabas na si Travis ng administration building nang makita niya sina Paolo at Saree. Mukhang nagtatalo ang mga ito. Tila si Paolo lang ang nagsasalita. Mukhang hindi nakikinig si Saree dahil lumilibot sa paligid ang paningin nito.

Muling umahon ang inis ni Travis. Hindi na niya alam kung sino ang sasawayin sa dalawa. Tila mas lumalala ang sitwasyon, lalo na ang tungkol sa kanyang kapatid. Hindi na siya sigurado kung kaya pa niyang mamagitan sa anumang hakbang na gagawin ng daddy nila. Hindi niya maipapangakong magagawa niyang protektahan ang kapatid mula sa kanilang ama.

Nakita siya ni Saree at nagkatinginan sila. Hindi ito nag-iwas ng tingin. Ganoon din ang ginawa niya. Halata ang disgusto nito sa kanya.

Humakbang siya palapit sa mga ito. Nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng dalaga at bigla namang lumingon si Paolo sa gawi niya. Bago pa siya makalapit sa mga ito ay mabilis nang lumayo si Saree.

"Saree," narinig pa niyang tawag ni Paolo nang makalapit siya.

"You're getting worse, Paolo. Kung hindi ka makukuha sa pakiusap, hahayaan ko na lang na si Daddy ang magpatino sa 'yo. Bahala ka na sa buhay mo," galit na sabi ni Travis.

"Kuya..."

"Ano'ng gusto mong isipin ko sa nakita ko?" he snapped.

"Saree is not what you think. Nagkakamali ka kung iniisip mo na siya ang may kagagawan ng nangyari sa akin. Totoong nag-uusap kami pero may dahilan. Sinabi ko na sa 'yong huwag ka nang makialam pero ano? Tingnan mo tuloy ang nangyari sa 'yo."

He snorted. "Sabihin mo 'yan kung alam mong tanga ako." Galit na iniwan niya ang kapatid. 

Way To Your Heart by Angelene BuenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon