MALAKAS ang ulan nang araw na iyon ngunit naroroon lang si Saree sa gitna ng oval ng eskuwelahan at nakalupagi. Basang-basa na siya pero wala siyang pakialam. Gusto niyang pawiin ng ulan ang kanyang mga luha, pati na ang sakit na nararamdaman niya.
Ilang araw na silang hindi nagkikita at nag-uusap ni Travis. Pagkatapos ng pagkompronta sa kanya ng mommy nito ay walang paalam niyang nilisan ang auditorium. Hindi na siya nagpakita kay Travis pagkatapos. Kahit ang mga text messages at mga tawag nito ay hindi niya sinasagot. Mag-aaksaya lang siya ng oras kung kakausapin pa niya ang binata.
"Saree!"
Narinig niya ang pagtawag na iyon ngunit hindi siya natinag.
"Saree, what the hell are you doing?"
Nawala ang pumapatak na ulan sa kanyang katawan kasabay ng paglilim sa palibot niya.
Iminulat niya nang bahagya ang kanyang mga mata. Naroroon sa tabi niya si Travis na may hawak na nakabukas na payong, matalim ang mga matang nakatingin sa kanya.
Muli siyang nagbaba ng tingin. "Get lost."
"Ilang araw ka nang nagtatago, pagkatapos makikita kita rito na nagbababad sa ulan? Magkakasakit ka sa ginagawa mo! Malapit na ang recital mo, for God's sake! You should be resting."
Naisip ni Saree ang sinabi nito. Gaganapin sa CCP main theater ang ballet recital niya. Siya ang napiling gumanap sa isa sa mga main characters ng The Nutcracker. At last she defeated Andrea. Nasa naturang performance din ito ngunit bilang supporting cast lang. Ngunit hindi niya alam kung magagawa pa niyang tumuloy roon.
Hinatak ni Travis ang isa niyang braso pataas, pinipilit siyang itayo. Binawi lang niya ang braso.
"Saree, stop acting like a child." Noon nito binitawan ang payong at inihagis na lang basta. Dinukwang siya nito sa baywang upang maitayo.
"Ano ba?!" sigaw niya at itinulak ito.
"Ano ba'ng problema mo?"
"Ikaw!" she exclaimed.
"Ano?" nagtatakang tanong ni Travis. Basang-basa na rin ito.
"Ikaw. Dahil ang galing mong magsinungaling. Pinaasa mo ako. Niloko!" patuloy na sigaw niya kasabay ng marahas na paghinga.
Ngumiwi ito. "Puwede bang magpaliwanag ka? Para naman maipagtanggol ko ang sarili ko sa bintang mo."
Tinitigan niya ang binata. He did the same. Walang gustong magsalita sa kanila. Pareho silang humihingal.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka?" tanong ni Saree kalaunan. "Bakit?!"
Bagsak ang mga balikat na tumingala si Travis habang nasa balakang ang mga kamay. Lalo siyang napaiyak sa nakita niyang reaksiyon nito.
"Matagal nang nakaplano iyon. Gusto kong humawak ng puwesto sa mga businesses ng pamilya kaya nag-aral ako ng Law. I want to concentrate on corporate law. But most of our businesses are based abroad," sagot nito.
Lalo siyang napaiyak. "At wala kang balak sabihin sa akin, ganoon? Ano, bigla ka na lang mawawala? Ang galing mo. Ang galing-galing mo!"
"Saree." Lumapit ito upang hawakan siya ngunit mabilis siyang lumayo. "I need you to listen. Sasabihin ko naman lahat sa 'yo. Hindi ko lang alam kung paano magsisimula."
She snorted. "At ano'ng sunod mong sasabihin? Na hindi mo ako kayang makitang nasasaktan?"
"Oo."
"Tumigil ka," asik niya. "Paano mo nasabing mahal mo ako kung iiwan mo rin lang ako? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? Ipinaramdam mo sa akin na puwede pa akong maging masaya pagkatapos ng nangyari kay Mommy. Naramdaman ko tuwing titingin ako sa mga mata mo na totoo ang lahat ng sinasabi mo. Na nariyan ka para sa akin. Ikaw ang nagturo sa akin na ituloy ko ang pangarap ko, 'tapos... 'tapos, ganito lang? Ganoon ba ang plano mo? Gusto mo akong maging isa sa mga flings mo, 'tapos, iiwan mo lang?"
"Totoo ang lahat ng sinabi at ipinakita ko sa 'yo, Saree. You are the only unplanned thing that happened to me. Ni hindi ko inakala na magkakalapit tayo. Hindi kita hiniling o pinaghandaan. Pero bigla na lang nangyari. Nagising na lang ako isang umaga na mahal na kita. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pero... pero—"
"Pero may responsibilidad ka sa pamilya mo. At hindi dapat matigil 'yon nang dahil lang sa akin." She laughed, hurt. "'Sabagay sino ba naman ako para maging nararapat sa 'yo? Isang patapon."
"No, baby, no," masuyong saad ni Travis sabay lapit sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha. "Saree, makinig ka. Huwag na huwag mong sasabihin 'yan. Walang puwedeng magsabi sa 'yo na patapon ka kahit ang sarili mo. Love yourself, baby. Love yourself. Magiging maayos din ang lahat."
Suminghot si Saree. Pabadog na inalis niya ang kamay nito. "Sana hindi na lang nangyari 'to. Hindi ka na lang sana lumapit sa akin. Sana nanatili ka na lang na galit sa akin. Mas okay pa tayo nang ganoon. Hindi ko kailangang masaktan nang ganito. Hindi mo na lang sana sinabi na mahal mo ako para hindi na ako umasa na habang-buhay kitang makakasama!"
He sighed heavily. Umiiling itong humarap sa kanya. "Intindihin mo rin sana ako. Nasasaktan din ako sa nangyayari. Kung puwede lang... kung puwede lang ang sinabi mo. Pero hindi ko napigilan ang nararamdaman ko para sa 'yo. I'm sorry. I didn't mean to hurt you. I didn't mean to fall in love with you."
"Travis, ikaw ang bumuo muli sa akin. Naramdaman ko ang maging masaya uli. I feel so blessed every time I'm with you. Pero paano mo nagawa 'to? Bakit pinaasa mo ako? Alam mong mangyayari 'to. Pero bakit itinuloy mo? Ang sakit. Ang sakit-sakit, Travis."
"Saree... please. Huwag mong gawing mahirap ito para sa ating dalawa. Yes, I know from the start that I will be based in the US to take care of our businesses. Iyon ang mga nakaplano sa buhay ko. 'Tapos, nangyari ka. At isipin ko pa lang na aalis ako at iwan ka rito ay nasasaktan na ako. But I have to do it. Mabuti pang magalit ka na lang sa akin para mas madali mo akong makalimutan."
"Nagpapaalam ka na ba?"
"Huwag mo akong piliting sabihin, Saree."
Sapat nang sagot iyon. Hindi na dapat linawin pa. Umiiyak pa ring tumungo siya at hinubad ang bracelet. Inihagis niya iyon sa binata. Sinundan nito ang binagsakan niyon at gulat na tumingin uli sa kanya.
"Ibinabalik ko na ang suhol mo para mapagtakpan mo ang kasalanan mo. Magsama kayo ng responsibilidad mo." Galit na tumalikod siya kay Travis.
"Saree..."
"Tama na! Huwag mo na akong pigilan. Simula sa oras na ito, kakalimutan na kita," sabi niya at nilakad-takbo ang oval kasabay ng pagbuhos ng ulan.
BINABASA MO ANG
Way To Your Heart by Angelene Buena
Romance"Araw-araw sa paggising ko, ikaw kaagad ang iniisip ko."