"MASYADO na bang masikip ang mundo ninyong dalawa para lagi kayong magbangga? Or you just like each other so much that you get too excited every time you meet?" mahinahon pa ring tanong ng Uncle Nathan ni Saree sa kanila nang ipadala na naman sila sa opisina nito.
Muli ay magkaharap sila ni Travis sa dalawang visitor's chairs. Parehong nang-uuyam ang tinging ipinupukol nila sa isa't isa.
"Travis, alam kong abala kang tao. Wala kang oras para sa mga ganitong kalokohan. So why do you always cross with her?" tanong ng uncle niya sa binata.
"Hinalikan niya ako." Si Saree ang sumagot habang nakatingin kay Travis. He snorted. "Nagalit ako kaya sinugod ko siya."
"Ano?!" gulat na tanong ng uncle niya bago lumipat ang tingin nito kay Travis. "Is that true?"
"I just found her... irresistible," he said in a full voice.
Napahugot si Saree ng hininga dahil sa kakaibang tinging ibinigay nito sa kanya. Parang gustong maniwala ng tagong bahagi ng puso niya sa sinabi nito.
Bumuntong-hininga ang uncle niya. "Well, I cannot do anything this time. Kailangan kong gawin ang trabaho ko. You have to face the consequences of your actions. I will call the attention of your department. Kailangan n'yo na ng disiplina. I'm sorry, Travis. Alam kong makakaapekto ito sa records mo, pero wala akong magagawa. I already warned you. Pero hindi ka nakinig." Bumaling naman ito sa kanya. "Saree—"
"Wala ako reputasyong iniingatan kaya okay lang," putol niya sa sasabihin nito.
Nagtagis ang mga bagang ng kanyang tiyuhin. "Iyon ang akala mo."
"Oo nga naman. Meron kang reputasyon. Being a bitch," singit naman ni Travis.
"Travis, watch your mouth," saway ng uncle niya.
"Bumalik na muna kayo sa mga ginagawa ninyo. I will discuss this with your department head. At sana ay ito na ang huling beses na makikita ko kayo sa opisina ko. I am not happy entertaining students here in my office," pahayag nito. "Saree, mag-usap muna tayo," pigil nito sa kanya nang akmang tatayo na siya. "Travis, please leave us."
Tahimik na tumayo ang binata at lumapit sa pinto. Pero bago ito lumabas ay muli siyang tiningnan. Nag-iwas na lang siya ng tingin.
"Saree..." untag ng uncle niya.
"Gagawin ko ang parusang ibibigay ninyo," sabi niya.
"Ganito na ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo, Saree? Hanggang kailan mo pahihirapan ang sarili mo, pati na ang mga taong nakapaligid sa 'yo? Kung akala mo ay walang naaapektuhan sa ginagawa mo, nagkakamali ka. Huwag mong ibaling ang galit mo sa ibang tao."
Hindi sumagot si Saree. Tumingin lang siya sa malayo. Nanatili siyang nakaupo at pinalipad ang isip dahil ayaw niyang pakinggan ang mga sasabihin nito.
Naramdaman niya ang pagtayo ni Uncle Nathan. Lumapit ito at umupo sa upuang binakante ni Travis. Ginagap nito ang kanyang kamay. "Sweetie, pag-usapan natin ang nangyari. Sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo. Magiging maayos ang lahat kung ilalabas mo ang sakit na inipon mo sa puso mo. Cry it out. I'm here for you," masuyo at nagsusumamong sambit nito sa kanya.
"Okay lang ako," sabi niya at binawi ang kamay. Walang salitang tumayo siya at lumabas ng opisina nito.
Nagulat si Saree nang makita ang bulto ni Travis sa tabi ng pinto sa labas ng discipline office. Nakasandal ito sa pader. Hindi pa pala nakakaalis ang binata. Pero ano pa ang ginagawa nito roon? Lumingon si Travis sa kanya nang maisara niya ang pinto. Umiwas siya at lumakad palayo.
"Duwag."
Natigilan si Saree sa sinabi nito. Galit na nilingon niya ang binata. Ang kapal talaga ng mukha nito. Wala itong pakundangan kung pagsalitaan siya. Pero hindi iyon ang unang beses na narinig niya ang salitang iyon. Hindi lang ito ang nagsabi sa kanya niyon. Pati si Paolo ay tinawag siyang duwag. Bakit? Paano siya naging duwag?
"Duwag kang aminin at tanggapin na nasasaktan ka. Ayaw mong harapin ang katotohanan," sabi nito habang nakatitig sa kanya.
"I don't know the whole story yet but I can tell that something tragic happened. Understandable na masaktan ka pero ang magalit sa mundo ay hindi paraan upang baguhin o ibalik ang nangyari na."
"Huwag kang makinig sa usapan ng may usapan. Ang hilig mo talagang makialam," galit na pahayag ni Saree.
Inaasahan na niyang magagalit si Travis ngunit nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
"I wish you would find someone who could bring back the smile on your face. Kapag nangyari iyon, mawawala ang paghihirap ng mga taong nagmamahal sa 'yo."
She remained staring at him.
"Don'tbe selfish." Pagkasabi niyon ay nilampasan siya ng binata.
Naiwan siyang nakatulala.
BINABASA MO ANG
Way To Your Heart by Angelene Buena
Romansa"Araw-araw sa paggising ko, ikaw kaagad ang iniisip ko."