Chapter 17

8.6K 154 0
                                    

"CONGRATULATIONS."

"Salamat." Tinanggap ni Saree ang isang bouquet ng bulaklak bilang pagbati sa kanya. Katatapos lang niyang magtanghal sa CCP at isang tagumpay iyon. Maraming dumalo at maraming nasiyahan sa kanilang performance. Masaya siya dahil tuluyan na siyang nakabalik sa ballet.

Dumating ang mga inaasahan niya—ang mga classmate niya at ang Uncle Nathaniel niya pati ang buong pamilya nito. Ngunit may isang taong wala kahit na pinadalhan niya ito ng imbitasyon. Umaasa pa rin si Saree na makikita at makasama ito sa pinakamahalagang gabi sa buhay niya. Ngunit ni anino ng binata ay hindi niya nakita. Ni hindi rin ito nag-text o tumawag man lang para batiin siya.

Kasalukuyan niyang kausap ang CCPDS director kasama ang asawa nito nang lumapit ang daddy niya.

"Hi, Dad," bati niya. Tumabi ito sa kanya. "Mr. Abelan, this is my father, Vincent Herrera," pakilala niya sa ama. Nagkamay ang mga ito.

"You have a wonderful and talented daughter, Mr. Herrera," sabi ni Mrs. Abelan.

"I'm very proud of her," buong pagmamalaking sagot ng daddy niya kasunod ng isang tawa.

Nagkatawanan sila.

Noon naman lumapit si Andrea sa kanila. Tila nag-aalangan pa ito at hindi alam kung ngingiti o ano. Hinarap niya ito habang abalang nag-usap sina Mr. Abelan at ang daddy niya. "Andrea."

"Ahm... I guess I, ahh... have to congratulate you."

Umangat ang isang kilay ni Saree. "So, is this the time for us to kiss and make up?"

Ngumiti ito. "You did great tonight."

Lumuwang ang ngiti niya at ibinuka ang mga kamay tanda ng paghingi ng yakap nito. Muli nitong pinaikot ang mga mata bago yumakap sa kanya.

"Thank you," bulong niya habang yakap ito.

At habang yakap niya si Andrea ay nakita niya si Paolo at palinga-linga na tila may hinahanap.

"May kakausapin lang ako."

"Okay, dito lang ako kina Kian."

Nagpaalam na rin si Andrea. Nagpaalam naman siya sa daddy niya at kina Mr. Abelan. Sinalubong niya si Paolo.

"Hey! Para sa 'yo, congrats," bungad kaagad ni Paolo nang makalapit sa kanya. Iniabot nito ang isang bouquet ng bulaklak na mas malaki kaysa sa natanggap niya kanina.

"Salamat." Pinagmasdan niya iyon at sa likod ng isip niya ay ipinanalangin na si Travis ang nagbigay niyon sa kanya.

"You look beautiful."

Napangiti si Saree. Hindi pa niya natatanggal ang bun ponytail at naka-makeup pa siya. Nakapagpalit na siya ng dilaw na sundress.

"Nakakagulat ka naman. Hindi kaya naliligaw ka lang at dito ka napadpad?" biro niya.

"Hindi. Gusto talaga kitang mapanood. Matagal-tagal na rin tayong hindi nakakapag-usap. Ang dami mong utang na kuwento sa akin," saad nito.

Tumawa si Saree at wala sa loob na tinungo ang card na nakakabit sa bulaklak. Binuklat niya iyon at natulala na lang habang binabasa ang maiksing mensahe. Hindi siya sigurado kung nahihilo lang siya o nangatal ang kanyang kamay.

The card simply said, 'Congratulations. I'm very happy for you. Travis.'

"Ipinadala niya sa akin," ani Paolo. "Gusto kong maging masaya para sa inyo pero ano 'tong nangyayari?"

"Bakit hindi siya ang tanungin mo?" mapait na sabi niya.

"Paano ko siya tatanungin kung hindi ko siya makausap nang matino? Para akong nakikipag-usap sa istatwa. Laging mainit ang ulo niya. Bigla siyang naging tahimik. Ngayon ko lang siyang nakitang ganoon."

Way To Your Heart by Angelene BuenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon